Chapter 6

40 9 0
                                    

"You should go to the clinic" tanong ulit sa akin ni Ms. Dominguez. Kulang lang talaga ako ng tulog kanonood ng mga horror movies kagabi.

"Ok lang po ako" sagot ko uli habang isinubsob ang ulo sa desk ko dahil umiikot lahat ng tinitignan ko.

"Are you sure?" nakailang tanong na ba siya niyan. Napuyat ako dahil sa kakalinis ng bahay kahit wala pang sabado at dahil tinatapos ko ang drama na pinanonood ko. Yung My ID is Gangnam Beauty. Panoorin niyo yun paniguarado kikiligin kayo. Syempre pati yung horror movies pagkatapos ng drama.

*Bell Rings*

"Ok then. Just go to the clinic kapag hindi mo na kaya" Lumayas ka na lang kaya saka ka lang naman mabait kapag may sakit ang isang tao.

Umalis na nga siya ng tuluyan. Ako naman nanga-ngapang lumabas ng classroom. In my peripheral vision, walang pakielam mga kaklase ko, wala din si jungkook. Saan ba nagpunta yon?

"Avegail!" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Theresa na tumatakbo papalapit sa akin.

"What's wrong? You're so pale" idinapo niya ang kamay niya sa noo ko, bigla naman akong nanindig sa lamig ng kamay niya.

"Oh my gash, ang init mo. Halika dalhin kitang clinic" Hindi ako makatanggi dahil wala na akong lakas kaya naman inalalayan niya akong maglakad.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng bigla na lang nagdilim ang paningin ko, ramdam ko na lang ang lamig ng hinihigaan ko.

Theresa's POV

Nagulat ako ng bigla na lang bumagsak si Avegail dito sa corridor sumakto pa namang wala masyadong naglalakad. Hindi ko naman kayang buhatin si Avegail mag-isa.

"HELP!" sigaw ko nagbabakasakaling may may makarinig, sobra talagang taas ng lagnat niya. Pati ata ako mapapaso na.

"TULONG PLEASE! HELP US!" sigaw ko, ginagalaw ko si Avegail para magising siya kahit sobrang init niya kasing init ng kumukulong tubig.

Jungkook's POV

"Hyung, ba't ba kasi tayo nag-absent, namiss ko na si—" naputol ang sasabihin ko ng pinutol ito ni Jin-hyung.

"Jungkook tigil-tigilan mo ako diyan, kung ayaw mong sa labas matulog" tinignan ko ang iba, pero seryoso sila maliban lang sa isa.

"Binata na si Jungkook" lumapit sa akin si Hobi-hyung atsaka ako inakbayan, pero seryoso pa rin sila at nakatingin ng masama kay Hobi-hyung.

"HElP!" napalingon kaming lahat kung saan nanggagaling ang sigaw. Alam ko kung kanino yun.

"TULONG PLEASE! HELP US!" napatakbo ako papalapit kay Theresa at kay—Avegail.

'Shit'

"Anong nangyare?" tanong ni Jin-hyung habang kinakapa si Avegail.

"Aw...."

"Dalhin natin siya sa clinic please" sabi ni Theresa, nagulat kami ng biglang bubuhatin ni Rapmon-hyung si Avegail ng pinigilan ito ni Suga-hyung.

Nakatingin lang kami sa dalawang nagtiti-tigan habang si Avegail nasa sahig pa rin. Mukhang nag-uusap sila ng mata.

"Ano ba 'yan, kung kaya ko lang siyang buhatin 'di na sana ako nagtawag pa ng tulong. Paalala lang mataas ang lagnat niya!" mahabang sabi ni Theresa na siyang ikinatigil nilang dalawa. Binuhat na ni Suga-hyung si Avegail, tumingin ako kay Jin-hyung na ngayon ay magkasalubong ang kilay. Samantalang tulala naman ang iba.

So What || m.yg♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon