Chapter 7

39 9 0
                                    

Nagising ako at medyo okay naman na ang pakiramdam ko. Babangon sana ako ng biglang may pumigil sa akin.

"Ano ka ba naman Abby, 'dahan dahan lang" daing ni Theresa na nagu-unat.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko. May pasok pa kaya siya. Hala—

"Hep. Excuse ka dahil may lagnat ka, ako naman nagpa-excuse na din since binabantayan kita" Hindi naman ganon kalala yung lagnat ko. Atsaka puyat lang 'yon. Ganda ganda manood ng Horror at Drama.

"Bakit 'di mo tinawagan ate ko?" Meron naman si ate para tawagan niya o kaya si Auntie, lagi naman siyang pumupunta sa bahay, kaya alam na niya ang tatawagan niya kung baka sakali.

"Tinawagan ko, kaso ang sabi niya, strikto daw ang mga sumusunod nilang guro kaya mamaya na lang. Si Tita Alice naman, hindi makapunta inatake na naman ata ng rayuma niya" mahabang litanya niya.

"Ang galing mo ha?" napakunot naman siya ng noo "Nabuhat mo ako papunta dito sa clin—Aw naman"

"Hindi ako nagdala sayo dito, 8 minutes and 37.5 seconds kang nakalapag sa sahig bago ka ipunta dito sa clinic" detalyadong detalyado ah. Sino namang nagdala sa kin dito kung hindi siya.

"Sino naman?" bigla na lang sumilay ang nakakaloko niyang ngiti at lumapit sa akin.

"Si Yoongi" Ano? Si labanos, ba't naman ako bubuhatin non.

"Hindi nga?"

"Si Namjoon dapat e' kaso pinigilan ni Yoongi, nagtitigan pa nga sila ng mga 2 minutes and 14 seconds" Taray nabilang niya yung oras. At nakipagtitigan so dun sa 8 minutes and 37 seconds kong nasa sahig kasama na yung 2 minutes and 14 seconds.

"Nagulat nga 'din ako. Nahila ko pa tuloy si Jungkook-ssi kanina" bigla naman siyang namula.

"May gusto ka ba kay Jungkookie?" Tanong ko mas lalo naman siyang namula at umiling-iling.

"H–Hindi ah... Baka ikaw!" pasigaw na sabi niya. Ano bang masama don, nagtatanong lang yung tao ako pa itong masisigawan. Hmph.

"Ba't ka nasigaw? Di naman ako sumisigaw" medyo pasigaw din na sagot ko, mamaya nakakaistorbo kami sa ibang students na busy din sa paga-asikaso ng mga pinapagawa sa kanila.

"Eh ikaw kasi e'. H-Hindi ko naman talaga kasi siya g-gusto" Sus. Actions speak louder than words.

"E di hindi mo gusto, mahal mo lang" sabi ko at kinuha ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa.

"Hindi nga kas—" 

"Ba't may bitak na phone ko!!" tuluyan na akong napasigaw ng nakita ko ang pacurve na bitak sa left side ng phone ko. And worst hindi ko pa mapindot ng maayos.

"Shh, ano ka ba naman. Malay ko diyan. Basta nung inalis ko yung laman ng bulsa mo, ganyan na yang selpon" paliwanag niya. Tatanga-tanga ka kasi Avegail e, kung hinawakan mo na lang sana kasi, e di hindi nabitak.

"Aish, badtrip" sabi ko at inilapag ito, bago nahiga. Problema ko na naman kung paano ko ipapaayos yan.

"Gising ka naman na pala" bungad ni ate pagkapasok ni ate. Hindi naman ako nasa kwarto para kumatok pa siya. Open ward.

"Ba't ka pa kasi pumunta?" iritado kong tanong sa kanya.

"Uhm. Labas muna ako. Bili lang ng juice" tumango ako kay Theresa at kinuha ang phone ko.

"Eh tinawag ako, alangan namang hindi ako magpunta diba?" tawa niya pa. Pilosopa, ang sarap iuntog sa pader gaya ng dibdib niya. 

"Wag ka na nga kasi sanang pumunta, prinoproblema pa ba 'yan" nagscroll lang ako sa facebook at hindi siya pinapansin. Nakakabadtrip na nga dahil nabitak cellphone ko, dadagdag pa siyang nagrereklamo.

"Oh, okay ka na ba Ms. Galvez" napabangon ako sa biglaang pagtanong ni Nurse Jimenez. Lumapit siya sa akin atsaka idinapo ang kanyang palad sa noo ko.

"Okay ka na, hindi na ganon kainit. Pwede ka ng umalis anytime you want." ngiti niya sa akin. Pinalalayas na ba ako ni Nurse Jimenez? Kung makapagsalita para na akong pinapaalis.

"Ah. Mamaya-maya lang po, hintayin ko lang po si—ay ayan na pala siya." umayos na ako at bumaba na sa clinic bed. Hindi hospital bed kasi wala naman ako sa Hospital.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Theresa.

"Aalis na, medyo okay naman na daw ako sabi ni Nurse Jimenez" tumango si Nurse Jimenez sa sinabi ko. Si ate naman walang pakielam.

'Tss'

"Ay edi tara na" dinampot na niya ang bag ko at nagpaalam na kay Nurse Jimenez, ako naman hinila na ang ate ko.

"May klase ka pa?" tanong ko kay ate. By this time, tapos na ang klase ko kaya pwede na akong manood na lang sa bahay.

"Meron, dalawa pa. Baka mamayang 8 na ako makauwi" napatingin naman ako sa kanya. 5 pm pa lang ah. Anong 8 siya uuwi.

"Anong 8? Mamaya marape ka diyan e'en, saan ka pupunta?" medyo may pagkainis at paga-alala ang boses ko. Lagi man kaming nag-aaway ni ate, mahal ko pa din yan.

"May practice lang kami ngayon hanggang 6:30 tas yung dalawa, science at ekonomiks" paliwanag niya.

"Layas ka na ngarud, andito naman na si Theresa" pagtaboy ko sakanya. Tumango lang siya at nagdiretso na.

"Ibang klase talaga kayong magkapatid 'no?" napatawa na lang ako sa tanong ni Theresa.

Ibang-iba talaga. Nagbibiruan man kami, naga-away at naga-agawan. Mahal na mahal namin ang isa't-isa.

"Ay 'di ba. Uuwi na daw mga kapatid mo?" Saan niya naman napulot 'yan. Alam ko na kay ate. Bungangera talaga yun kahit kailan.

"Oo, sa linggo" sagot ko pabalik. Mamamalengke pa kami nila Auntie sa sabado para lang may malamon kaming apat. Tsk. Gastos na naman, buti sana kung pera nila ang gagamitin.

"Oh, Friday na bukas ah" Oo nga no'. Hays malapit na namang maglinis kahit kalilinis ko lang kagabi hanggang 11. Grabe ding pagod yun.

"Pakilala mo ako ha!" tatawa-tawa niyang biro.

"May Jungkook ka na 'di ba?" pabiro ko din. Ang sarap niyang asarin. Saan nga pala yung lalakeng 'yon. Absent siya kanina. 3 subject straight. Magkaklase kasi kami sa tatlong subjects.

"H-Hindi noh"

"Ang layo nh hindi sa wala" hinampas niya naman ang braso ko. Problema beto, nagsabi lang naman ako ng totoo.

"Speaking of Jungkook, ayan na pala siya" turo ko din kasama niya si Jimin-ssi at Hoseok-oppa.

"Avegail, okay ka na? Hi theresa" bungad agad ni Jungkook. Siniko ni Jimin si Jungkook at tinignan ng nakakalokong ngiti samantalang si J-hope naman ngi-ngiti ngiti kay Theresa.

"Okay na ako. Si theresa ang kamustahin mo" sabi ko at tinignan si Theresa'ng namumula na parang kamatis.

"A-Avegail!" sabi niya sabay takip ng mukha niya ng panyo.

"What?" sabi ko at sinenyasan si Jungkook na lumapit.

"Ingatan mo 'yan ha" Alam ko namang gusto nila ang isa't-isa kaso si Jin-oppa kasi masyadong strikto kay Jungkook.

"Jimin-ssi, Hoseok-oppa tara na" sabi ko at hinila ang braso ng dalawa. Samantalang si Jungkook, naiwan pa ding tulala doon at nakatingin sa mukhang kamatis na Theresa.

"Huy saglit. Mapapagalitan kami ni Jin-hyung don e" pinanlakihan ko naman ng mata si Jimin-ssi na nagrereklamo. Tumawa na lang si hoseok-oppa dito sa tabi ko.

Naglakad na lang kami habang si Jimin-ssi hindi pa rin matigil sa pagrereklamo at pagsasabi ng mapapagalitan daw sila ni Jin-oppa, dahil iniwan nila si Jungkook. Hay nako, masyado kasing bine-baby ni Jin-oppa si Jungkook kaya natotorpe.

****
Magandang gabi, eberibadi. Here's an update. Sa promise naman stuck pa rin. Hahahaha don't worry saka na ako mag-uupdate.

AND....

HAPPY 200 READS!!!

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT & FOLLOW ME💜! BORAHAE!!

So What || m.yg♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon