Chapter 12

37 4 1
                                    

"Aunty" pagtawag ko sa aunty kong naghihiwa ng mga sangkap ng iluluto niya mamaya

"Bakit?" hindi pa rin siya tumigil sa paghiwa ng sibuyas.

"Pwedeng makitulog muna ako sa inyo" napatingin siya sa akin "Hindi ko ata kaya"

Huminga ng malalim ang Aunty niya "Kayanin mo, atsaka ilang taon na ang nakalipas Abby, kalimutan mo na 'yon"

Sana nga ganon kadali gawin 'yon "Gusto ko din po e kaso"

"Kaso?" tumigil muli sa paghiwa ang aunty niya at tumingin sa kanya

"Wala po 'yon. Nasa kwarto lang po ako" sabi ko at naglakad papunta ng kwarto. Ilang oras na lang, andito na sila. Bakit ba kasi ang hirap kalimutan no'n. Buti kay ate nagawa niya nang kalimutan ako? Hindi pa.
"Abby" binuksan ko ang pinto. Speaking of the which.

"Ginagawa mo dito?" hindi niya ako sinagot at pumasok na lang bigla sa kwarto ko. "Ate naman, ano bang gagawin mo"

May inilabas siyang Libro. "Aanhin ko 'yan?" umirap lang siya at itinapon sa akin ang libro.

"Kainin mo, chocolate ata 'yan." pilosopa.

"Ibalik mo na lang sa akin pag-andirito na yung mga asungot" lumabas na siya pagkasabi non.

Pride and Prejudice

Ano namang kinalaman ko sa librong 'to? Hindi naman makakalimutan ng nakaraan ko ito e. Mabasa na nga lang, wala din naman akong gagawin.

"Avegail, malapit na daw sila lumabas ka na diyan" sigaw ng aunty niya mula sa kusina. Samantalang ang ate niya nasa sala nanonood ng spongebob.

"Ashelene, pakipuntahan mo nga ang kapatid mo, gusto pa man ding makita ng kambal na andito siya kapag dumating sila" tumango lang si Ashelene at pumunta sa kwarto ng kapatid niya.

"Hoy! Tara sa sala" tamad na sabi ni Ashelene sa walang pansing Avegail. Nakatutok lang ang mga mata nito sa librong ibinigay niya.

"Abby" pag-yugyog nito. Tinignan lang ni Avegail ang ate niya at ibinalik ang atensiyon sa libro.

"Ano ba!" iritadong tumayo si Avegail at nagtungo sa sala at iniwang nakaawang ang labi ng kapatid.

"Eh?" sabi niya at sumunod na rin sa kapatid niya. Anong ginawa ko, binigyan ko lang ng libro ayaw na akong pansinin.

"Ashelene, wala bang nagtext sayo?" lumabas ang aunty nila mula sa kusina at dinampot ang telepono nito. "Wala naman silang reply sa text ko"

"Baka na-traffic lang Aunty" sagot niya at ibinaling ulit ang mata sa telebisyon at pasilyap-sulyap sa kapatid niyang halos hindi kumurap sa pagbabasa.

"Bak-" napatayo sa gulat si Ashelene ng bumukas ang pinto nila, si Avegail-nagbabasa pa rin- wala man lang reaksyon at nakatingin pa rin sa libro

"Jusmiyo! Balak niyo ba kaming patayin" pagalit na sabi ng Aunty nila sa bagong dating

"Aunty! Ashelene! Avegail! Andito na kami" sigaw ng dalawa, medyo slang pa ang tagalog. Agad na yumakap ang dalawa sa Aunty nila at kay Ashelene pero tumigil kay Avegail.

"Bakit 'to?" turo nila kay Avegail.

"Ewan, binigay ko lang yang libro ganyan na" tumabi sila kay Avegail at kinuha ang libro.
"Ano ba, akin na 'yan" sa tangkad ng isang lalaki ay tila hindi maabot ni Avegail ang libro kaya padabog siyang umupo sa sofa.

So What || m.yg♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon