"Shit, anong gagawin natin dito?" Mahinang ani ng dalaga.
"It's our house in case you didn't know." Nakangiting ani ng binata at hinila siya papasok ng mansion.
"Kailan pa?" Nagtatakang tanong niya. Simula naman kasi ng ikasal sila hindi sila nagsasama sa iisang bahay.
"I bought this yesterday." Agarang sagot ng binata sa kaniya. Napanganga naman siya sa disenyo ng mansion sa labas at loob. Sigurado siyang sobrang mahal nito.
"M-magkano to?" Curious na tanong niya rito. Batid niyang milyon ang halaga ng bahay nito.
"Don't worry it's cheap." Nakangising ani ng binata sa kaniya. Cheap daw? Agad namang tumaas ang kilay niya sa sagot nito. Eh chandelier palang yata gasgas na ang sariling bulsa niya sa kamahalan. Nagkibit balikat na lamang siya ano pa ba ang aasahan niya sa asawa niya. Bilyonaryo eh.
"Anyway, don't you like our house? This will be our abode. We'll build our own family here." Mapaglarong ngising ani ng binata sa kaniya. Nanindig naman ang mga balahibo niya sa sinabi nito.
"Baliw!" At inirapan niya ito.
"What?" Natatawang ani nito. Tinalikuran niya ito at agad naman siyang sinundan nito.
"Stop following me will you? Tsaka saan ba kasi ang ipinagmamalaki mong maraming alak?" Gagad niya sa binata. Humalakhak lamang ang binata at inakbayan siya. Pinabayaan niya na lamang ito. Hindi rin naman kasi niya maitatanggi na namiss niya ng husto ang asawa niya.
"You missed me do you?" Nakakalokong ani ng binata sa kaniya. Inirapan niya na lamang ito at siniko sa tagiliran. Humalakhak lamang ang binata at pinihit ang isang siradora ng gold na kwarto. Napataas naman ang kilay niya at nanlaki ang mga matang napatingin sa loob niyon.
"Oh my god!" Natutop ng dalaga ang bibig at pumasok sa loob. Medyo malamig kaya't napahaplos siya ng balikat niya. Hindi pa rin mawala-wala ang pagkamangha sa mga mata niya. Dim ang lights kaya sobrang intimidating Tinitigan lamang siya ng binata. Isa-isa niyang pinaglandas ang mga kamay sa mga alak na mula sa light hanggang sa dark.
"Soju. How I missed this!" Palatak ng dalaga at hinalikan ang bote. Napailing na lamang ang binata sa inakto niya.
"Come.." Hinila siya ng binata at pinaupo sa mini counter.
"Ang ganda naman dito para akong nasa paradise." Nakangiting ani ng dalaga habang isinasalin ng binata ang soju sa maliit na baso at ibinigay sa kaniya. Ngali-ngaling tinungga niya ang alak na ibinigay ng binata sa kaniya. Agad naman siyang napapikit at napapalakpak.
"Since when?" Seryosong tanong ng binata sa kaniya.
"Ha?" Nagtatakang tanong niya.
"Since when did you start drinking alcohol?" Tanong ng binata sa kaniya. Nanatiling walang emosyon ang mga mata nito. Napa ayos naman ng upo ang dalaga at kinagat ang hintuturo niya.
"Actually, n-noong nagsimula akong mag trabaho sa kompanya niyo." Sagot niya at iginala ang mga mata sa loob. Narinig niyang nagbuntong hininga ang binata.
"Mga lalaki ba ang kasama mo pag umiinom ka?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ng binata. Ano naman dito kung mga lalaki nga ang mga kasama niya? Tsaka may mga asawa na rin naman ang mga iyon. Kasama niya rin ang mga kaibigan niya. Eh siya nga hindi niya pinapakialaman ang buhay nito kahit na naaasar na siya kada kita sa diyaryong iba-iba ang mga babaeng kasama nito. Pinukpok naman niya ang ulo ng binata.
"Hoy! Makatanong ka diyan ha. Eh ano naman sayo? Ikaw nga diyan eh kahit sinong babae ang kasama mo araw-araw sa Sweden ni minsan hindi ka nakarinig ng pagsuway mula sakin. Balitang-balita ka sa tv at diyaryo uy! Umayos ka! May asawa ka na kaya ayusin mo ang buhay mo gago. Naturingan ka pa namang CEO. Business before pleasures okay?" Aniya sa binata at inirapan ito. Kinuha niya ang buti ng soju at tinungga.
"Damihan mo pa Alexander, kulang to oh. Kita mo naman hanggang lalamunan lang to. Ni hindi pa nakabasa sa intestines ko." Aniya sa binatang amuse na amuse na nakatingin sa kaniya. Umiling lamang ito at ngumisi sa kaniya. Kumuha ito ng sampung soju at tumabi ng upo sa kaniya. Gulat na gulat siya ng bigla siya nitong niyakap sa likod.
"H-hoy.." saway niya rito. Hindi niya alam ang gagawin maski siya ay ayaw niyang bitiwan siya ng binata.
"Don't...please let me hug you. Jag saknar dig wife." Ani ng binata sa kaniya at niyakap pa siya ng sobrang higpit. Ewan niya sa sarili niya't hindi niya mapigilang di mapangiti sa sinabi ng binata..Hindi man niya maintindihan ang sinasabi nito ngunit pakiwari niya'y alam na alam ng puso niyang hindi iyon pang aalaska sa kaniya.
[Comment naman diyan readers oh. Para ma inspire si author.😚😚 suportahan niyo si Tisay at Xander😍😘😘mwuahhhugsss😘😘😗😗] imagine i'm using this song as background😚😚
Song used: Same
Tbc
Zerenette
BINABASA MO ANG
Billionaire's Baby3: Alexander Abbas Lundqvist
Romansa"One bottoms up and you'll find the supreme ecstasy I could offer." -- Xander Bachelors Baby Series 3: Xander Lundqvist NOTE : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation t...