Chapter 3: Into the Sea

5.2K 184 10
                                    

Chapter 3 - Into the Sea

Puro sigawan ang aking narinig nang ako'y umakyat sa main deck. Nagmamadali na ang buong crew, sinisigaw na itali ang ganito, na tanggalin ang ganito, ganyan. Nakita kong inangat na ang anchor, tumungo na si Hades sa steering wheel ng barko.

            Napansin kong hindi lang normal na mga tao ang ilan sa mga crew, ang iba ay satyrs at may isa pang centaur, napaisip tuloy ako kung hindi ba siya mahihirapan.

            Sa commotion na iyon ay nakatayo lamang ako, obviously, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

            "All aboard?!", sigaw ni Hades.

            Sumigaw ang crew, walang anu ano'y inikot na ni Hades ang steering wheel at nakaramdam ako ng nginig at yanig. Tumingin ako sa pier at nandoon ang mga tao mula sa market, malamang ang iba doon ay kapamilya ng sa crew.  Kinakawayan kami ng mga satyrs, centaurs, nymphs at ni Oracle at Delphig.

            "Oracle! Delphig!", napatili ako habang nakahawak sa gilid ng barko.

            "Maligayang paglalayag, Amber Ramirez!", balik ni Oracle.

            Masyado sigurong excited si Delphig kaya napatalon ito at muntik nang mahulog mula sa pier, napasigaw ang baboy ng  "HA-HI!"

            "Delphig! Magiingat kayo!"

            Kumaway na rin ang ibang crew. Patuloy ang paglipad ng mga seagulls. Hanggang sa naramdaman ko na lang na kami'y umaandar na, unti unting nalalayo mula sa pier, mula sa bundok ng Mount Olympus. Ang asong si Laelaps ay umiikot ikot,  hinahabol ang kanyang buntot.

            Lumabas na din ang flag ng barko, isang logo ng lightning bolt. Malamang nod para kay Zeus. Kumaway ako ng kumaway  hanggang unti unting naging tuldok na lamang ang malayong pier. 

            "Kapitan Hades! Ayos na po ang lahat!", sigaw ng isang crew.

            Tumango si Hades at umalis patungo sa kanyang kinakatayuan, bumaba siya ng hagdan patungo sa akin.

            "Kumusta? Ano sa tingin mo?"

            "Ayos. Hindi ko akalaing makakasakay ako sa ganito."

            "Brace yourself. Malayo layo pa ang ating lalakbayin."

            "Saan ba ang direksyon natin?", tanong ko.

            "Sa ngayon ay wala tayong maayos na direksyon, dahil nga hindi natin alam kung nasaan si Zeus, basta northeast ang ating susubukan dahil doon ang naamoy ng asong si Laelaps."

            Narinig ni Laelaps ang kanyang pangalan kaya tumahol ito, lumapit at dinilaan ang aking tuhod. Agad akong lumuhod at  hinaplos siya.

            "Tanong ko lang ah."

            "Hmm?", sabi ni Hades habang sumisilip sa kanyang telescope.

            "Nasaang parte ba tayo ng mundo? Magical land ba ito o --"

            Bigla siyang tumawa. At tumawa, habang tumitingin siya sa akin ay natatawa siya.

            "Hades!"

            "Pasensya na. Nasa sariling mundo pa rin tayo. Nagcoco-exist kaming mga mythical beings sa inyong mga tao."

            "Pero paano -- paanong walang nakakakita sa inyo?"

            "May mga bagay na hindi lang basta basta nakikita ng mga mortal. Pwera na lamang kung gusto namin nilang makita ito.",  giit niya.

Teenage Greek gods: The Missing god of the Sky Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon