Chapter 13 - Omega

4.5K 156 6
                                    


Chapter 13 – Omega

            Pagkagising ko ay nasa malambot na akong higaan. Hindi na ako bingi. At wala na ang sakit ng saksak. Bumangon ako, nasa loob ako ng master's bedroom. At sa dulo ng aking higaan ay si King Priam.

            "Nagising ka na rin. Kumusta ang pakiramdam mo?"

            "Ayos naman po. Teka, anong --"

            "Inday! Pasok!"

            Pumasok si Inday, nakaheadphones at sumasayaw-sayaw, may hawak siyang tray na may may golden bowl at sa golden bowl ay napakabango at mukhang masarap na sopas. Meron pang croissant. At hot chocolate sa isang golden cup.

            "Enjoy!", matapos ay lumabas na si Inday.

            "Ano ang nangyari?"

            "Tapos na ang giyera. Kagabi pa. At ito lamang kuwarto na ito ang maayos ayos para ilagak ka. Salamat sa pagligtas sa aking anak na si Paris at ang aming city. You have done well."

            "Wala naman po akong ginawa.", sabi ko.

            "Kung hindi ka nasaksak ay hindi mawawash-away ang mga Spartans na iyon. Sakit sa headache.", balik niya.

            Sakit sa headache? Pero teka, napaalis ang mga Spartans dahil sa akin?

            "Huwag niyo pong sabihin na ang tatlong gods na iyon ang nagpaalis sa Spartans?"

            "Sasabihin ko talaga! Hindi lang nagpaalis, ininjure pa nila. Pero nagcontribute din si Paris, tinamaan niya ng arrow sa heel si Achilles.", sabi niya.

            Napalunok ako. Wala na ang mga Spartans? Paano kaya sila Helen? O Menelaus?

            "Kahapon ka pa tulog diyan. Kung gusto mo ay maari kang lumabas. Siguradong hinihintay ka nila."

            Tumayo ako at tinanggal ang benda sa aking ulo. Tinignan ko ang leather pouch ko, ubos na ang mga herbs at potions dito, marahil ginamit nila para sa akin at sa ibang sugatan. Nagpasalamat ako kay Priam na naglaro na lang ng chess mag-isa at lumabas.

            Puro nakabagsak na pillars, mga patong patong na bato at mga sugatan ang aking nakita pagkalabas ko. Pero other than that, ay tahimik na ang lahat. Bumaba ako sa throne room, sa sirang sirang throne room. Naglakad lakad ako sa puno ng rubble na floor, nakita ko sa kalagitnaan si Paris at ang tatlong Greek gods. Naguusap sila.

            Si Poseidon ang unang nakakita sa akin.

            "Guardian Amber!"

            Agad siyang tumakbo patungo sa akin at niyakap ako.

            "Ayos ka na ba?"

            "Ah oo. Magaling na ang saksak ko. Kayo?"

            Sumagot si Zeus, "Never been better. Mabuti naman at ayos ka na, mortal."

            "Wala na ba talaga ang Spartans?"

            "Wala na.", si Paris iyon. Fresh pa ang mga sugat niya, marahil ay buong magdamag siyang nagasikaso nang ganito, nang ganyan, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon na siya ay gamutin.

            Ngumiti lang sa akin ng sobrang warm si Hades.

            "Pasensya na, Paris. Tungkol kay Hector. Kay Helen..."

Teenage Greek gods: The Missing god of the Sky Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon