Chapter Two

20.2K 265 2
                                    

ISANG BAGAY ang agad na rumihistro sa utak niya pagmulat ng mata niya. Masakit ang likod niya. Hindi niya mapigilang mapaungol habang bumabangon. Minasahe din niya ang nangangalay na batok. Suot pa din niya ang wedding gown hanggang sa pagtulog. Ang b'wisit na lalaki ni hindi man lang talaga nag-effort na alukin siya kahit unan at kumot man lang.

Nang tuluyang makabangon ay nadiskubre niyang hindi lang likod ang masakit sa kaniya, masakit din ang paa niya. Tumungo siya upang inspeksiyunin ang paa. Marahas na napahinga siya ng makita ang mga iyon. Puno iyon ng paltos at galos. Nang tumakas sa sariling kasal ay hinubad na niya ang tatlong pulgadang sandalyas dahil hadlang iyon sa paglakad niya. Malapit lamang ang hotel na tinutuluyan niya bago ang kaniyang mismong kasal sa building ng condo na iyon. Alam niyang pinagtitinginan siya kahapon habang mabilis na lumalakad papunta doon, ngunit wala siyang pakialam. Ang mahalaga kasi sa kaniya ay ang makatakasm she needed to distract them. Kaya ang bagsak yapak siya sa ilalim ng magarbong damit pangkasal na iyon.

Sinubukan niyang hipuin ang sugat at palto sa paa. Mahapdi iyon.

"Good morning." Napapitlag siya sa pagbati ni Aidan sa may likuran niya.

Nang lingunin niya ito ay bahagya pang tumutulo ang basa nitong buhok. Obviously, fresh na fresh ito samantalang nanlilimahid at dugyot ang pakiramdam niya. Unfair!

Hindi nakatulong ang g'wapo nitong mukha para pagandahin ang umaga niya. Pinili niyang huwag magpakita ng emosyon.

"Morning." Ganti niya.

Idiniin niya ang pagkakasabi ng salitang morning. Sinadya niyang tanggalin ang salitang good sa pagbati dahil walang maganda sa umaga niya. Maging ang panaginip ay hindi maganda. Dala lang ng kagandahang asal kaya siya sumagot sa pagbati nito.

Humakbang ito patungo sa kitchen ng unit nito. Maging sa hangin ay sumasama ang amoy nito. Hindi napigilang tumibok ng malakas ng dibdib niya. Kita niyang naghahanda na ito ng almusal. He looked up to her. Tipid na ngumiti ito sa kaniya. Gusto namang umigkas pataas ng kilay niya.

Ang kapal ng mukha ng lalaking ito na ngitian ako!

"Kung gusto mong gumamit ng banyo, diretso ka lang. Iyong gitnang pinto ang banyo." Itinuro pa nito ang direksiyon ng banyo.

Hindi na niya napigil ang tuluyang pagtaas ng kilay. "Salamat ha." Hindi na din niya itinago ang sarkasmo sa tinig. "Wala ka man lang bang mai-o-offer na p'wede kong ipalit sa suot ko? Hindi mo naman siguro gugustuhing magbiyahe kasama ako ng naka-wedding gown."

"Oh! Yes, of course. Sandali lang." Matapos sabihin iyon ay muling bumalik ito sa kuwarto. Paglabas ay inaabot na nito sa kaniya ang T-shirt na dilaw at isang shorts.

"Iyan na ang pinakamaliit kong damit. And regarding your..."

Kahit hindi nito ituloy ang sasabihin ay alam na niya ang tinutukoy nito. She can't help but to blush.

"This will do, thank you."

Gamit ang isang kamay ay kinuha niya mula dito ang damit habang ang isa naman ay pinanghawak niya ng magarbo niyang gown. Nakaka-ilang hakbang pa lang siya ng ma-out of balance. Maagap naman siyang nasalo ng binata. Damang-dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. And it made her heart went crazy.

Gumuhit ang pag-aalala sa mga mata nito. "Okay ka lang?"

Wala sa loob na napatango siya. Hinamig niya ang sarili at umayos na. "T-Thank you."

The Runaway Bride's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon