Chapter Seven

15.2K 203 2
                                    

GAME OVER. Iyon ang inihihiyaw ng isip niya sa mga oras na iyon. Bago pa magkagulo ay pumagit na siya at niyayang makipag-usap ng mahinahon ang ama. Base sa pagtiim ng bagang nito ay alam niyang anumang oras ay sasabog ang galit nito.

Maayos na inimbita ni Aidan ang Daddy niya kasama ang bodyguard nito sa loob ng bahay ni Cedric. Ramdam na ramdam dinniya ang pagkapal ng tensiyon sa paligid sa pagdaan ng bawat minute.

"Dad—"

Isang malakas na sampal ang tumuli sa kaniya. Dama niya ang init at pagkalat ng sakit sa kanang bahagi ng pisngi niya. Gulat na gulat siya sa ginawa ng ama. Kahit na noong nagrerebelde siya para makuha ang atensiyon nito ay hindi nito nagagawang saktan siya. Tila bumara sa lalamunan niya ang puso sa sobrang sakit na nararamdaman. Mas lamang ang emosyonal na sakit sa kaniya kaysa sa pisikal na sakit.

Aidan advanced towards her. Ngunit maagap na napigil ito ng isa sa mga bodyguards ng ama. Kita naman niya ang pagkuyom ng kamao ni Cedric.

Pulang-pula sa galit ang mukha ng Daddy niya. Tumataas-baba din ang balikat nito sa taas ng emosyong nararamdaman. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang pagluha. Kailangan niyang maging matapang sa mga oras na iyon.

"Tapos na ang kalokohang ito, Sueyen. Sasama ka sa akin pabalik ng Manila. Wala akong pakialam sukdulang kaladkarin kita palayo dito."

"Tito, malaki na Sueyen, hindi n'yo p'wedeng habang-buhay na diktahan na lamang ang gagawin niya." Matapang na awat ni Cedric sa ama niya.

Mas lalo yatang umigting ang galit ng ama. Binalingan nito si Cedric.

"Isa ka pa, Cedric. Noon pa man palagi mo na lamang kinukunsinti ang katigasan ng ulo ng pinsan mo. Pareho kayong sakit ng ulo."

Tumiin ang bagang ni Cedric, alam niyang pigil na pigil itong huwag bastusin ang tiyuhin dala ng paggalang. Naging alerto ang mga alipores ng Daddy niya. Kita niya ang pagtuwid ng mga ito at ang pagporma kung sakali mang magkakagulo. Mula sa sulok din ng mga mata ay kita niya ang pagporma din ni Aidan. Alam niyang handa din itong pumalag sa bodyguard na nasa harap.

Bumuntong-hininga siya. "Dad, that's enough. Hindi mo na kailangang manakot, I'm going with you." Pagdedesisyon niya. Ayaw niyang may masaktan ni isa sa mga ito.

"Sueyen—"

Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya kay Cedric. "I''ll be fine, Ced."

"Kung ganoon ay halika na." Sinenyasan nito ang mga bodyguards nito. Mabilis na nagsipulasan ang mga ito upang sundin ang amo. Lumapit ang mga ito sa kaniya. Ngunit bago pa siya tuluyang mahawakan ng mga ito ay nakalapit na si Aidan.

"Sue, you don't have to do this." Mahinang wika nito. Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang pisnging namumula.

Malungkot na ngumiti siya. Tama nga yata ang kanta, sometimes we have the right love at a wrong time. "Huwag kang mag-alala, there's always been Runaway II." Pagbibiro niya.

Sa halip na ngumiti sa biro niya ay mas lalo yata itong naging malungkot. Gaya ni Cedric ay madilim na madilim ang ekspresyon nito.

"Basta siguraduhin mong sa tamang pinto ka matutulog."

Tumango siya. "I promise."

"Sueyen!" Muling tawag ng Daddy niya.

Noon tila bumigay ang pasensiya niya. Naging bastos na nga ito sa pakikitungo sa pinsan at kasy Aidan na kung tutuusin ay kayang idemanda ang mga ito dahil sa nasa loob ng teritoryo ng binata ang mga ito. Pumiksi siya ng hawakan ng bodyguard. Inagaw ni Aidan ang braso niya at mabilis na ipinailalim siya sa mga bisig nito.

The Runaway Bride's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon