Chapter Six

17.2K 215 3
                                    

"CED, PARE." Tawag niya sa kaibigan. Kasalukuyan nitong iniinspeksiyon ang isang nursery bed ng mga punla. Ipinupunla muna nila ang ibang mga gulay bago iyon inililipat sa mismong taniman. Sa ganoong paraan ay mas namomonitor ang paglaki ng isang binhi.

May naramdaman siyang panghihinayang sa pagbabalik nito. Halos hindi nga niya alam na matuling lumipas na pala ang mga araw. Hindi niya napapansin iyon masarap kasama ang dalaga. Ang pagbabalik ni Cedric ay nangangahulugan ng pag-alis ni Sueyen sa bahay niya at paglipat sa bahay ng pinsan. At ayaw man niyang aminin ay hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Sueyen sa bahay niya. Automatic na nga din yata sa kaniya ang pagtingin sa dati nitong silid pagbukas pa lang ng pinto ng kuwarto niya.

Aminin mo na kasi Aidan! Kaya ka nga naririto, hindi ba? Hiyaw ng isip niya.

Tumango si Cedric. "Pasok ka, Aidan."

Tumalima siya. Hindi gaanong malayo ang bahay nito sa greenhouse. Ang terrace ng bahay nito ay puno rin ng lagayan ng mga punla.

"May problema ba, pare?" Agad na tanong nito sa kaniya pagkapasok niya. Alam niyang naninibago ito sa pagsugod niya sa bahay nito. Mas madalas na ito ang nasa bahay nila at sumusugod lang siya dito kapag may problema tungkol sa farm.

Bahagyang ikiniling niya ang ulo. "Wala naman. Ahm—"

"Kung si Sueyen ang hinahanap mo, nasa likod bahay ang babaeng iyon. Inip na inip na yata sa buhay niya kaya kung ano-ano na ang naiisip."

"Naggupit na naman ng buhok?" May kabang tanong niya.

Tumawa ito. "Sa awa naman ng Diyos, hindi. Ginupit lang ang ilang luma kong damit."

Napa-iling siya.

"Puntahan mo na lang siya sa may likod."

Lihim siyang nakahinga nang maluwag nang hindi na ito nagtanong ng pakay niya sa dalaga. But he felt the need to explain his purpose. Kita na kasi niya ang pilyong pagngiti nito.

"Nakapangako kasi ako sa kaniya na ipapakita ko sa kaniya kapag may mga bulaklak na sa greenhouse."

Cedric chuckled. Siya naman ay gusto nang batukan ang sarili.

"Aidan, hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Puntahan mo na lang siya sa may likod. And Aidan..." Bigla ay sumeryoso ito. "Mahirap ang pinagdadaanan ni Sue ngayon pero alam kong kahit paano ay gumagaan iyon dahil sa 'yo. You made her happy." Matalinhagang wika nito. Sa ilang linggo nakakasama niya ang dalaga ay tikom ang labi nito sa pagsasabi ng dahilan kung bakit tumakas ito sa sariling kasal.

Hindi niya alam ang isasagot dito. Iyon ang unang pagkakataong nakita niyang sobrang seryoso ito. Ikalawa na pala, dahil ang unang pagkakataon ay noong gabing nagpasya itong iwan ang lungsod. Ngunit maya-maya pa ay gumuhit na muli ang pilyong ngiti sa labi nito. Pero mabilis na napawi iyon nang may marinig silang pagpatak ng tila bote sa may labas ng bahay.

Umiling si Cedric. "Kung ako sa 'yo puntahan mo na ang isang iyon. At pakiusap ikulong mo muna sa greenhouse."

Natatawang tinungo niya ang direksiyong sinabi ng kaibigan. Mukhang kunsumido ito sa pagkainip ng dalaga. At nang marating ang likod-bahay ay mukhang alam na niya kung bakit.

Natagpuan niya ang ang dalaga habang may hawak na tatlong bote. Basyo iyon ng alak. May lamesa sa 'di kalayuan nang kinatatayuan nito at may nakabukas na laptop. Isang nakakaindak na musika ang pumapailanlang doon.

Hindi niya mapigilang mapailing at mapahanga. This girl was really full of surprises. Sueyen was practicing her bartending skills. Nakatalikod ito sa kaniya habang inihahagis-hagis sa ere ang tatlong bote na kanina lang ay hawak nito. Tiyak ang pagsalo nito ng bote. Buong-buo din ang konsentrasyon nito. Bahagya pang gumagalaw-galaw ang ulo nito sa saliw ng musika. He can't help but to smile. Sueyen was so graceful.

The Runaway Bride's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon