Chapter 18

160 12 2
                                    

We are having fun. Mahigit isang oras na yata kaming nananatili ni Avery dito sa billiards.

My hands were shaking habang pinupuwesto ko nanaman sa tama ang porma ng kamay niya sa cue stick. Our body's almost touching. Sa sobrang lapit namin ay hindi nakakatakas sa ilong ko ang pabangong gamit niya. He smells so good!

"U-uh, ganyan dapat ang kamay mo ha? Kasi kapag ganito, hindi mo nanaman maasinta 'yan." Hinawakan ko ng maingat ang daliri niya para ayusin, nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti.

"Yes, ma'am." Nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

Maliit ako kumpara kay Avery kaya halos mayakap ko na siya sa pag-ayos ng puwesto niya. Kanina pa kami rito pero tuwing titira siya nakakalimutan niya nanaman ang proper hand position niya.

"Ganito?" Pinakita niya nanaman ang puwesto ng mali. E halos hindi naman nakatapat ang cue stick sa cue ball!

"Nakalaro na tayo kanina. Sinasadya mo naman yata, eh?" Tumawa siya dahil sa pagsimangot ko at nalaman ko ngang niloloko na lang niya ako.

"Ang cute mo kasi. Tara na nga." Hinawakan niya ulit ang palapulsuhan ko para kumain sa table namin.

Nagkapalit na kami ng puwesto, kaya nakaharap na ako sa banda kung saan tanaw ang billiards at siya naman ngayon ang nakatalikod do'n.

Masarap ang pagkain dito. Kaya nagtataka ako kung bakit kaunti ang tao rito kumpara sa mga coffee shops na puro kape lang naman ang offer. Siguro kasi may alcohol at may age limit! Bawal sa mga minor. Buti na lang at nag debut na ako!

Habang inuubos ang aming order, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga plano namin after college, or should I say, nagkuwento siya dahil wala naman akong plano pa.

Puro rants nga lang ang nasabi ko sakanya tungkol sa course ko!

"Tapos hindi ako makasunod lalo na't 'yung prof namin sa huling subject, nakakaantok. 'Yung boses niya parang nanghehele, magugulat na lang kami tapos na pala 'yung discussion at uwian na pala..." Bahagya siyang natawa habang nakikinig.

"Sorry. Masyado na yata akong madaldal..." Pinasakan ko ng french fries ang bibig ko saka ngumuya.

"Hindi. Magsalita ka lang. Nakikinig ako." Ngumuso siya nagpipigil ng ngiti.

Ngumiti rin ako at patuloy na nagkuwento. Hindi na namamalayan ang oras at gano'n rin si Avery, halos hindi mga sumagi sa isipan ko si Archeus, not until lumapit sila ng mga kaibigan niya sa billiards.

Si Nancy naman ay mabilis na lumingkis sa braso ni Archeus na parang linta. Nakita niya ako at pekeng bumati. Plastic.

"Oh hello, Eri! Nariyan ka pala? Sino 'yang kasama mo? Date?" Sarkastiko akong tumawa. Piniling huwag magsalita.

"By the way, I'm Nancy." Inabot niya ang kamay niya kay Avery na agad ko namang gustong putulin.

Tumingin sandali si Avery sa'kin bago nakipagkamay kay Nancy at mabilis ring inalis iyon. Buti naman!

"Avery."

Tumango si Nancy. "Honor student ka, 'di ba?" Siguro ay pamilyar sa kanya ang pangalan ni Avery gayong student council itong bruhang 'to.

Ngumiti lang si Avery bilang sagot.

"Nice. I-tutor mo naman siya para tumaas ang mga grado sa business. Kayang kaya mo 'yun kahit architecture pa ang kinukuha mo." Ngumisi si Nancy na agad kong inirapan.

The Way We MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon