Chapter 1: Graciana Maine Lopez and Her Baby

8 0 0
                                    

Chapter 1: Graciana Maine Lopez and Her Baby

6 a.m.

Today's August 5, 2019, my first day in school as a senior student. I don't know what to expect and somewhat I can feel my heart racing because of excitement and nervousness.

Whooo... Iba talaga pag senior ka na tapos sa ibang school pa.

I said to myself as I face the mirror.

"Well, anyways kailangan mo nang maghanda, di pwedeng malate sa school lalo na't transferee ka. Baka makaleave ka pa ng bad impression sa mga teachers and classmates mo," sabi ko sa sarili habang humihinga ng malalim. Pagkatapos pumunta na ako sa banyo para maghanda.

My preparation for school was brief and wala pang 30 minutes ay ready na ako. Pumunta na ako sa baba and tingnan mo naman ang sumalubong sa akin...

isang maluwag na sala, walang katao tao at isang note na nagmula kay mama.

Gara,

Baby, nauna na ako sa iyo alam mo namang maaga ngayon ang mama. Nandiyan na sa table ang baon mo pati allowance. Nandiyan na rin ang breakfast mo. Anak, paki lock ng pinto natin at gate. I love you.

Mama

"As usual, ano pa bang bago?," I said as I picked up everything mama left me. Kung nagtataka kayo kung saan ang papa ko. Well, sa Samar siya nakadestino dahil sa trabaho niya at ang kapatid ko namang si Kuya Garry ay nasa Manila dahil sa kursong gusto niya. Ambisyoso kasi si kuya at gusto niyang magpiloto.

Ginawa ko lahat ng bilin ni mama at habang papalabas na ako ay naalala ko ang cap ko. Di pa naman ako mabubuhay pag wala yon. Kaya bumalik ulit ako at kinuha ang favorite kong baseball cap. Hindi ako tomboy ha! Excuse me naman napakaganda ko para maging tomboy. Sabi nga nila kamukha ko si Maine Mendoza kaya excuse me dahil maya maya ay malelate na ako. Pumara na ako ng jeep at pumunta sa school, isang sakay lang naman pero anong oras na at traffic kaya hussle.

After 1 milyon years charing mga 45 minutes lang... Here I am! Welcome sa aking school ang University of Seremnity. Napakaswerte ko nga dahil isa ako sa mga nakuha mula sa pagkarami raming kumuha ng entrance exam at dito na. Dito na ang nag-iisang Graciana Maine Lopez, 17 years of age from Iloilo City!!! Hyper lang po ako sa isip ko pero pagnameet niyo ako mabibigla kayo. Sabi ng iba wierdo daw ako dahil kahit saan suot ako nang suot ng cap. Kasalan ko ba? Magkakaiba naman tayo ng fashion sense eh.

Pumunta na ako sa room ko ngayong school year. Nga pala STEM ang kinuha kong strand wala eh mana ako sa kuya kong ambisyoso at gusto kong maging doctor. Dream ko talagang malagyan ng Dra. at M.D. ang pangalan ko.

"Sa wakas naman ay natunton ko na itong classroom namin, whoo!" sabi ko habang kunwaring pinapahidan ang imaginary pawis ko.

"Hahaha, ang cute mo miss,"sabi ng isang lalaking di ko naman kilala at muntik nang kunin ang suot kong cap kaya nabigla ako. Sino ba to? At anong sabi niya? Cute ako? Well alam ko! Hehe pero joke lang di ko tuh kilala eh tsaka gusto niyang kunin ang cap ko. Ang favorite cap ko! Well, not my baby!!

"Uhmm... sino ka? Sorry ha bago pa lang kasi ako dito at transferee ako kaya wala akong masyadong kilala," explain ko sa kanya. Teka! Bakit ako nag explain? Dapat siya kasi kukunin niya ang baby ko. Hay naku!

"Ahahaha, that's okay. STEM ka ba?" he asked me.

"Oo, ikaw?" balik na tanong ko sa kanya. Bakit ba nakikichicka ako sa lalaking toh?

"Oo, well that means classmates tayo. I'mmm..." sasabihin niya na sana ang pangalan niya nang dumating ang isang lalaking naka uniform ng pang teacher kaya pumasok na kami at naupo. Sa pinakalikod ako umupo samantalang ang lalaking nakilala ko sa pinto ay umupo kasama ang isang magandang babae. Sa sobrang ganda niya kahit ako ngumanga nung nakita ko siya. Baka sila? Oh well, that's none of my business dahil wala talaga akong business.

The Girl Beneath the CapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon