Chapter 4: Teka!Bakit ba kita kinakausap?

2 0 0
                                    

Chapter 4: Teka!Bakit ba kita kinakausap?

Nakauwi na ako sa bahay nang di naman naaatake sa puso. Ano bang problema ko? I'm sure napagtripan lang ako ng Aldrin Mokong na yun! Ughh! Nakakainis talaga yung ginawa niya buti na lang at kami lang yung tao dun kanina kung hindi baka....

Baka magpakain na ako sa lupa. Hayyss. Ok kalma na Gara... di ka affected ang pangit pangit kaya ng Aldrin James na yun!!

Yang tataa?? (Yung totoo)

Ano ba na man tung konsensya ko. Oo noh!! Ang pangit niya di ko siya type!! Atsaka teka nga bakit ko ba kinakausap ang konsensya ko? Baliw na ba ako?

Crispin!! Basilioo!!! Mga anak ko!!

Charr!

Ano bang nangyayari sakin? Kasalanan toh nung mokong na yun eh! Kainis!

Anyways... hindi pa dumarating si mama kaya naman nagluto na ako para sa hapunan. Kasi pag hindi galit na naman ang maaabot ko dun tsaka kung di ako mamamatay sa kilig eh baka mamatay ako sa gutom. Teka! Anong kilig ang pinagsasabi mo Gara?

Ayiieee... indenial pero marupok!

Ano ba konsensya! Isa ka pa eh!

Makaluto na nga!

6:30 pm

Kakatapos ko lang maghapunan at mag-ayos nung mga ginamit ko. Nahugasan ko na din lahat kaya napagdesisyonan ko nang pumunta sa kwarto ko. Welcome to my room! Heheh! Maliit lang naman ang room ko may munting kama ito sa right side, may bintana para maaliwalas kung umaga at isang desk kung saan nakapatong ang mga aklat ko. Sa right side eh yung mga para sa school at sa left eh yung mga Wattpad, pocket books at iba pa.

Nakapatong din dun ang isang notebook na color yellow. Diyan ko sinusulat yung mga random notes, yung mga tulang nagagawa ko, mga hugot at minsan mga karanasan ko sa buhay. Katabi ng desk ko ay ang cabinet ko na ang gulo gulo. Di ko pa kasi naayos yan mula nung summer. Kakatamad kasi eh. Kumuha na ako dun ng pajama ko at pumunta sa cr para mag half bath.

"Hayyysss... parang ang haba talaga ng oras pag nasa school,"sabi ko habang inaayos ang kama ko at nahiga na. Inopen ko ang facebook account ko. May mga bagong friend requests.

Romeo Celiz Gonzales sent you a friend request

Ohhh si sir pala tuh eh! Gwapo niya talaga pati pp niya oh ang pogi

Pero mas pogi si Aldrin!

Ayan ka na naman konsensya! Sabing hindi nga ehh!! Tsaka tingnan mo nga 1000 reacts yung pp ni sir at madami pang comments anong binatbat ng Mokong nayun? Atsaka bakit na naman ba kausap kita? Nakakainis ka ha!

Anyways sorry po nake carried away lang po ako sa konsensya kong malandi, inaccept ko yung request ni sir nakakahiya naman pag hindi. Tsaka baka para yun sa communication niya sa amin para madali lang.

Meron pang mangilan ngilan na nag-add sa akin pero may isa na naka-agaw ng atensyon ko...

Luna Marie Joson sent you a friend request

Siya yung kaklase ko na laging nakatingin sa akin kanina. Cute siya tsaka may dimple kaya napansin ko kanina tsaka parang wala siyang kilala sa mga classmates namin so baka transferee siya tulad ko. Gusto ko siyang maging friend!

Pero si Aldrin gusto mo rin naman.

Konsensya!!! Tama na please si Luna yung pinag uusapan dito di yung Mokong na yun!! At bakit na naman ba kinakausap kita!? Nakakainis na ha!

Inaccept ko yung friend request ni Luna at ng iba naming kaklase. Habang busy ako sa pag scroll up and down sa news feed ko may nag pop up na naman na notification sa friend request ko. Nagpatalbog ng puso ko ang nakita kong pangalan. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Bakit inadd niya ako? Ano bang gusto niyang mangyari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Beneath the CapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon