Chapter 3: Aldrin Sanchez aka Mokong

2 0 0
                                    

Chapter 3: Aldrin Sanchez aka Mokong

"I'm Aldrin James Sanchez, 17 years of age ang that's my pogi ng Iloilo City. Hehe joke lang po. Well I'm Aldrin and I'm 17 I finished Junior High School Here in Seremnity High and... no one owns me," sabi niya habang tumitingin kay Cheska at umupo na.

Ohhh so siya si Aldrin ang kinababaliwan ni Cheska. No wonder. Sabi ko nga eh bagay talaga sila. Pero ano daw? No one owns me? Tibay ni kuya ha! Eh bakit kayo magkatabi? Sa ganda ni Cheska di ka man lang nabihag?! Naku!

Nagproceed na ang pag introduce matapos ang bulungan nila dahil dun sa rejection ni Aldrin. Eto na!! Ako na! Pinagpapawisan ang mga kamay ko huhu naka aircon naman kami auh.

"Oh! Akala niyo si Maine Mendoza noh? Nagkakamali kayo! Ako nga pala si Graciana Maine Lopez, 17 years old. Ang Little Miss Philippines ng Samar!"

Syempre di iyan ang introduction ko. Nakakahiya kaya noh! Iniimagine ko pa lang na sinasabi ko iyan ay kinikilabutan na ako. Eto talaga ang intro ko.

"Wassup everybody!!! My name is Graciana Maine Lopez!! 17!! From Samar, Philippines!! Hi Kuya Wil!!" syempre charot ulit iyan eto talaga ang sinabi ko.

"Uhh... Hi po! Ako nga po pala si Graciana Maine Lopez. Gara po for short, 17. Mula po sa Samar. Nice to meet you all," I said a low voice pero audible parin for everyone. Salamat naman at nataguyod ko iyon.

Napuno na naman ng bulong ang classroom kung kay Cheska at Aldrin eh positive eto naman ang sakin.

"Oh my ang wierd niya noh? She's wearing a cap kanina kahit nandito na siya sa loob"

"Artista ba siya bakit siya nakacap?"

"Imposible namang maging artista siya di naman siya kasing ganda ni Cheska"

"Ahahaha. Tama bessy!"

Parang gusto kong mawala. Gusto kong kainin na ako ng lupa! Hayyy! Kung bakit kasi pinatanggal ni sir ang cap ko. Mariin kong hinawakan ang cap ko habang naririnig ko ang sabi ng mga kaklase ko. Gusto kong lumabas ng classroom pero mas nangibabaw sa aking sarili ang tsansang hinaharap ko ngayon, gusto kong makapag aral at makapagtapos. Kaya pinigilan ko ang pag iyak at nanatiling nakaupo. Humarap na ako kay sir at nakinig.

Nasa kalagitnaan na ng pagpapaliwanag si sir ng mga rules at regulations sa school nang biglang tumayo si Aldrin. Akala ng lahat ay may opinion siya o kaya magsi- CR. Pero nabigla ang lahat sa sinabi niya...

"Sir! Pwede po bang lumipat ng upuan? Dun lang po kay Gara"

Tumingin ang lahat sa akin at kay Aldrin. Sandali lang naman oh... wala naman akong ginagawang masama eh. Bakit ako na naman?

Medyo natigilan si sir pero pumayag din para di na siya kulitin ni Aldrin.

Ang sarap-sarap ng buhay kong ako lang ang nasa likod tapos tung mokong na toh tatabi tabi pa. Ang galing mo!!!

The day went by fast. Akala ko kukulitin ako ng loko kong katabi pero luckily naman ay hindi. Sorry na may pagka-assuming lang. Uuwi na kami. Pinauna ko muna ang mga classmates ko. Ayaw ko kasing makasabay sila dahil baka ano na naman ang sabihin o baka may gawin sa akin eh. Kung yung mokong ko namang katabi ang inaalala niyo. Well, dito pa po siya. Hindi niya ako hinihintay ha. Dahil ang mokong eto tulog. Mukhang tumutulo pa nga yung laway eh. Hay naku! Dahil wala na akong kaklase dito maliban sa mokong na to inayos ko na ang gamit ko, pinalabas ang baby kong cap at humanda nang umalis. Dahil nga minamalas ako ngayon nagising po ang mokong at walang pasabing nauna pang umalis sa akin kaya ako heto.

Ako ang nag lock ng pinto at aalis na sana nang makita ko ang mokong mukhang may hinihintay. Syempre dahil wala akong pake dinaanan ko lang siya. Pero nagulat ako nang sumunod siya sa akin. Isasawalang bahala ko na sana pero pinipikon ako nito eh. Alam niyo ba ang ginawa?

Well kinuha lang naman niya sa ulo ko ang baby ko! At dahil wala ako sa mood. Dali dali ko itong kinuha sa kanya. Pero dahil nga mana ako sa nanay kong kinulang ng slight sa height at pinuno sa weight ay di ko maabot. Nakakapikon lang dahil ang walang hiyang toh! Pasmile smile lang at pangisi ngisi habang inaabot ko yun. Pikon na pikon na ako kaya sinipa ko siya sa tuhod. Di naman malakas, sapat lang para mamilipit siya at para makuha ko ang baby ko.

"Huwag mo ngang kunin ang di sayo!" sabi ko at agad sinuot ang cap ko. Pero his words left me stunned.

"Kukunin ko talaga iyan dahil balang araw magiging sakin ka din"

Holy carabao! Anong sinasabi niya?! At dahil ayokong makita niyang umiinit ang pisngi ko dali dali akong tumakbo palabas ng building. Pumunta ako sa gilid at nagpara ng jeep. Habang nakaupo ako sa jeep di ko malaman kung anong nararamdaman ko. Grabe ang bilis ng puso ko.

Baka dahil sa pagtakbo ko

Sabi ko sa isip ko habang humihinga ng malalim at nakahawak sa puso kong hindi ko na mabilang ang pitik.

The Girl Beneath the CapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon