Chapter 2: Cheska Sta. Maria the Possesive Queen

3 0 0
                                    

Chapter 2: Cheska Sta. Maria the Possesive Queen

Medyo maaga pa kaya mailan ilan pa lang kami pero si sir di halatang excited hehe. After several minutes ay dumami na rin kami at timing na 8 o'clock na kay nagstart na ang class. This is it. Hingang malalim Gara kaya mo to!

Nagpray kami at nagproceed na sa klase. Di ko maikakaila na ang teacher namin ay attractive. Ewan ko lang kung makapag concentrate tung mga kaklase ko... syempre ako din hehe. Pero tama na muna yan dahil di pwedeng madistract. Tiningnan ko ulit yung Guy sa Door kanina. Infairness naman pogi siya at kung girlfriend niya yung babae. Edi.... edi wow. Ahahah ano bang pake ko jan? May mga kaklase din kaming mga unique at syempre isa na ako dun dahil kahit dito sa loob suot ko pa din ang cap ko. Bahala kayo nuh! Basta ayokong makita nila ang mukha ko lalo na't kinakabahan ako ngayon.

"Good morning class! I am your adviser and Pre-Calculus teacher for this school year 2019-2020. My name is Romeo C. Gonzales. I am 23 years old, type AB, para alam niyo," introduce ni sir. Parang ano... ano talaga kasi nga pati blood type sinabi pa. Pake ko sa blood type mo sir! Hehe

"Wait lang... Miss! You miss with the cap!" sabi ni sir. Wait cap? Ako ba yun? Naku naman oh!! Ano na naman ba? Huwag mong sabihin sir na crush mo na ako! Emeged huwag po! 17 pa lang ako 23 ka!! Noo!! Hehe joke lang naman.

"Yes sir?" I said shyly.

"Can you remove your cap? Wala ka bang tiwala sa bubong? Haha," he said habang patawa tawa pa. Yung ibang kaklase ko naman patagong tumatawa rin. Nakakahiya! Kaya ayokong makita ang mukha ko dahil sa mga taong mapanghusga eh.

Hayss sabi ko huwag magleave ng bad remarks sa teachers kaya kahit di ko gusto ay tinanggal ko na. Hayy nakuu!

"Good!" he said. Then he proceed. Ibinigay niya sa amin ang schedul at mawawala ba ang napakabagong, wala pang nay nakakagawang introduce yourself? Heto na naman kinakabahan na ako pero ako naman yung nasa pinakalikod kaya medyo nakahinga ako. Nagsimula sa harapan, medyo madaming classmates ko ang nagmula sa school na ito mismo at mailan ilan lang kaming transferee.

Ayan na! Di naman sa binabantayan ko si Guy sa Door at ang Chicks niya pero parang ganun na nga. Nauna yung chicks hehe. Whoo! Go girl crush! Hehehe

"Cheska Marie Sta. Maria, 17 years old. I had my Junior Highschool here. Happy to meet you!" she said at alam niyo kung anong reaction ng boys?

"Whoo! Cheska I love you!"

"Go Cheska!"

"Cheska! Tayo na lang!"

"Cheska ako nalang!"

Habang yung ibang girls halatang naiinggit pero may isang walang reaction yun si Guy sa Door. Aba suplado! Char.

"Wait I forgot! Ako nga pala ang girlfriend ni Aldrin so girls na may planong landiin siya... Back off!" she added.

Whoo grabe may pag-aari. Sino kaya si Aldrin grabe naman ka possesive ng girlfriend niya. Yung boys nanlumo nung narinig yun at yung ibang girls lalong nanlumo. Ahaha. Ako? Well, kiber lang.

"Enough guys! Proceed tayo, next!" awat ni sir.

Si Guy sa Door na! Whooo! Go! Wait, bakit chinicheer ko siya? Hay naku nababaliw na me! Ayan na makikinig muna ako.

"Hi!" paunang sabi niya at nag wave sa lahat lalo na sa girls at yung mga girls parang mahihimatay. Ayy grabe! Ganun? Tumigil siya sa pagwave at nashock ako dahil tumigil siya't tumingin sa part ko. Wait sakin nga ba? Tumingin ako sa palibot ko at wala akong katabi. Nung ibinalik ko na ang tingin ko sa kanya ay nag-wink ang abnormal at ngumiti ngiti. Hoyyy ano tuh? Wait lang baka may imaginary friend siya. Yep! Baka nga may imaginary friend siya. Humarap na siya kay sir at nag-introduce.

The Girl Beneath the CapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon