Grace"Goodmorning Grace!" Napalingon ako sa nag sabi no'n at nakita ko ang mga barkada ko. "Ikaw pala Shin!" Saad ko sabay tingin sa katabi ko na ngayo'y nanganga matis na dahil sa pula ng mukha ng makita si Shin.
"Oh? Nandyan ka pa pala, Kath? Akala ko kasi... Nauna ka na." Pabalang na saad ko sa kapatid ko. Tinignan nya ako kaya ayun ngumiti lang ako ng nakakaloko.
"Ano'ng meron? Bakit inaasar ka ng Ate mo Emmanuel?" Saad nya sa kapatid ko bago nito sinuri ang mukha.
Gusto kong tumawa ng malakas pero pinigilan ko ang sarili ko. "Oy, Grace, pigilan mong lumapit si Shin sa kapatid mo, baka lalong ma estatwa dyan at hindi na gumalaw." Natatawang saad ni Frans sakin habang nakatanaw sa kapatid ko na hindi na gumagalaw sa kinatatayuan.
"Shin! Tayo na at baka hindi na 'yan tuluyang maka galaw." Saad ko saka hinatak ang braso ni Shin palayo kay Kath. "Huh? Bakit naman hindi sya makagalaw? May glue ba sa paanan nya?" Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Shin at inilayo na lang sya sa kung saan ang kapatid ko.
Siguro naka hinga na 'yon ng maluwag ano? Her face was really priceless. Gosh! Maasar nga 'yon mamaya pag-uwi.
Tumungo kami sa classroom namin at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Shit! Parang tinusok ang puso ko ng ilang kutsilyo.
"Okey ka lang?" Tanong ni Nate sakin habang naka hawak sa likod ko. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Pa'no ba naman kasi? Nakikita kong nag haharutan ang dalawa sa mga upuan nila. Kinikiliti kasi ni Kai si Mia kaya ayon todo sa pag tawa at parang mauubusan na nga ng hangin dahil sa kapulahan ng mukha nya eh.
Tumikhim ng malakas si Ron dahilan upang matigil silang dalawa sa ginagawa nila. "Naka istorbo ba kami? Mukha kasing ang saya-saya nyo eh." Bored na pag kakasabi ni Frans sakanilang dalawa. Umiwas naman ako ng tingin at saka pumasok sa loob ng classroom bago dumiretso sa upuan ko.
Mag kakatabi kami ni Ron at Frans. Alam nyo bang? Ang dilim-dilim ng mukha ni Frans habang nakatingin sa direksyon nila Kai.
"Naku! Kung hindi ko lang 'yan kaibigan? Inumbagan ko na ang pag mumukha nyan! Bwesit sa mata eh!" Marahas na bulong nya sakin.
Natawa lang ako dahilan para mapatingin si Frans sakin ng hindi makapaniwala.
"Okey lang sayo ang ganito, Grace? Seriously?" Manghang saad nya.
"Siyempre naman! Kung saan sya masaya, masaya na din ako." I lied.
Ngiti lang, Grace. Ngiti lang dapat. 'Wag mong ipahalata na nasasaktan ka. Wag muna. Hindi pa sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Sa ngalan ng pag-ibig...
Teen FictionBestfriend ko siya ever since we were little. Natatanong nga ang mga kaibigan namin kung hindi ba kami na fa-fall sa isa't-isa, sabi naman namin; "hindi" puro tanggi kasi ang lumalabas sa bibig ko pero ang totoo? I'm in love with him. I doubt that h...