Grace"Hoy! Ano'ng ginagawa mo dyan ha?" Napatalon ako sa kinauupuan ko dito sa swing sa playground dahil sa pag kagulat at pag sundot nya sa bewang ko.
"Kai naman eh! Muntik na akong ma heart attack sa ginawa mo!" Bulyaw ko sabay hampas sa braso nya. Umupo sya sa katabing swing ko at tumingin sa mga batang nag lalaro.
Nakita kong ngumiti sya ng biglaan kaya nagtaka ako. "Why are you smiling like an idiot there?" Tanong ko, napalingon naman sya sakin sabay laki ng ngiti nya.
Kinabahan ako ng bahagya...
Mukhang alam ko na ang sasabihin nito, "Napasagot ko na si Mia, Ven-ven!!" Saad nya sabay yakap sakin ng bahagya kaya ayun nabangga kaming pareho sa swing.
"Buti naman! Akala ko hindi ka iis-score sa babaeng yon eh! Ika ilan mo ng girlfriend yun?" Tanong ko habang nakatawa ng bahagya.
Sinimangutan nya ako bago tumingin sa kawalan. "Si Mia lang ang unang-unang babae na sineryoso ko, Ven. And you know that." Seryosong saad nya saka tumingin ulit sakin ng bahagya.
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya, "Ano pa nga ba? Susuportahan kita okey? Basta wag ka lang mag loko, kung hindi, itong kamao ko ang dadapo dyan sa panga mo." Banta ko sakanya sabay pakita sa kamao ko.
Tumawa naman sya bago ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. As always, ganito naman talaga kami palagi eh.
***
"Oh? Ba't naka simangot ka dyan? Masama yan sayo alam mo yun?" Pang-aasar nya sakin. I rolled my eyes bago sya hinampas ng mahina sa braso nya.
"Tumigil ka nga dyan, Kath!" Saad ko bago sumimangot ng todo. Lumapit naman sya sakin bago ako akbayan at himasin ang braso ko.
"Ate Grace naman, hindi ka pa ba talaga sanay sa bestfriend mo? Tsk! Hindi ko nga alam kung bakit hindi ka nya natipuhan eh. Maganda ka, matalino, yun nga lang kulang sa height." Sabay compare nya ng height namin gamit ang kamay nya.
Kinurot ko sya sa tagiliran kaya napa igtad ang gaga, "Gusto mo isumbong kita kay Shin ha? Baka mag sisi ka." Saad ko, kaya nanlaki ang mga mata nya at nag makaawang wag ko daw sabihin.
Takot ma basted eh! Haha!
Tumungo na ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Agad akong humiga sa kama ko bago tumulala sa ceiling.
Dug...Dug...Dug...
Bakit ko ba iniisip yun? Shit! Hindi ko kasi akalaing sasagutin ng Mia na yun si Kai, although alam naman nilang lahat sa campus na isang sikat na cassanova ang lalaking yun!
Umupo ako ng marahas sa kama at saka ginulo ang buhok ko. "Ugh!! I hate it!" Saad ko bago tumayo at tumungo sa banyo dito sa kwarto ko.
I need to ease up myself. Bwesit!
BINABASA MO ANG
Sa ngalan ng pag-ibig...
Dla nastolatkówBestfriend ko siya ever since we were little. Natatanong nga ang mga kaibigan namin kung hindi ba kami na fa-fall sa isa't-isa, sabi naman namin; "hindi" puro tanggi kasi ang lumalabas sa bibig ko pero ang totoo? I'm in love with him. I doubt that h...