"𝙂𝙞𝙣𝙖𝙬𝙖 𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙝𝙞𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙙𝙖𝙙𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖,𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙤 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙜𝙝𝙞𝙝𝙞𝙣𝙩𝙖𝙮"
Matagal na kaming magkarelasyon ni Matthew,almost 5 years na.Bihira lang kaming mag-away dahil sinisikap namin na maging maayos parin ang lahat.Sobrang sweet niya sakin,ganun din ako sakanya
Until naisipan niyang magtrabaho sa ibang bansa,tutol ako nung una pero agad din naman akong pumayag dahil para sa amin din tong gagawin niya
"Uuwi din ako,Wait for me huh? I love you" huling sabi niya bago siya sumakay ng eroplano papuntang Europe
Yun nga ang ginawa ko,naghintay ako sakanya.3 years past pero walang Matthew ang dumadating
"Sis,nakita ko si Matt' may kasama itong isang babae at bata,nakauwi na pala siya" ani ng kapatid ko
Nakauwi na siya? Bat hindi ko alam?
Nagpunta kami sa park na sinasabi ng kapatid ko kung san niya nakita si Matthew.At totoo nga,nandun siya may kasama itong babae na buntis at isang bata
"Wife,gutom ka na ba?" tanong nito sa babaeng kasama niya
𝙒𝙞𝙛𝙚....
"Matthew" lumingon ito sa akin,nagulat naman siya ng makita niya ako
"Reagan"
"Nakauwi ka na pala?" natatawang umiiling ako dito
"At" tumingin muna ako sa mga kasama nito "May pamilya ka na? Congrats" tumawa ako ng peke dito
"Reagan...."
"Naghintay ako Matthew tulad ng sinabi mo bago ka umalis ng bansa,almost 3 years din yun tapos hindi mo man lang sinabi na naka-uwi ka na pala? at ito din ang maabutan ko? Ang kapal mo Matthew" tumulo bigla ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan,kaya pinunasan ko agad ito
"Sis,alis na tayo" hinila naman ako ng kapatid ko kaya nagpahila nalang ako,pero nahawakan ni Matthew ang braso ko
"Reagan,let me explain"
"N-no,let m-me go Matthew" winaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko,ngumiti ako ng mapakla dito
"It's over Matthew,wala na' sana maging masaya ka sa kung anong meron ka ngayon" tuluyan na kaming lumisan dun,pagdating sa bahay agad akong humagulhol ng iyak
Masakit sobra.Naghintay ako ng matagal sakanya tapos yun ang iuuwi niya dito? ang kapal din niya e,napakasakit ng ginawa niya sakin.
YOU ARE READING
NOT A HAPPY ENDING (One-Shot Stories)
Storie d'amoreBroken Hearted ka ba? Naiwan o nang -iwan? na Friendzoned? o na Siblingzone? takot mag commit? kung isa ka sa mga yan,makakarelate ka talaga dito! start reading now and enjoy it!