Author's Note:
Ang dahilan kung bakit ako huminto sa pagsusulat ng Love Scars ng halos isang linggo ay dahil sa nalito ako sa timeline ng stories ko. Pero nahanap ko na. Binasa ko iyong Mahal Kita at Jigsaw Hearts para lang masigurado ko kung ilang taon na si Zohar. huhuhu. Ang hirap pala kapag nawawala ka sa timeline.So nalaman ko na 27 years old na si Zohar. Anya is 20. Inayos ko din kung ilang taon na si Kiah (kapatid na babae ni Zohar) 24 years old na po siya at si Zephyr (kapatid na lalake ni Zohar, iyong bunso) naman ay 22 years old.
So gusto ko lang linawin na hindi pala 3 taon ang agwat ni Zohar at Anya, pito pala.
Anyway, dahil nalinawan na tayo. Itutuloy ko na ito. Sa mga nagbabasa naman ng TOICTC, umasa kayo na susubukan kong mag-update doon kung may pagkakataon. Mahal na mahal ko ang character ni Savi, actually na-inlove na nga ako sa kaniya ngayon. Hahaha. Balak kong pagsabayin 'tong dalawa kasi parehas naman silang nakaka-excite isulat.
Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated, warriors.
Anya.
PAGOD akong napadukdok sa lamesa ko. Hindi ko akalain na ang ubod ng suplado na baristang iyon ay mahilig din palang mag-utos ng mag-utos sa mga waitress! Mukhang ako pa ang nahanap nitong pagdiskitahan.
"Uy, Anya." Tawag ni MJ sa akin.
"Ano?" Tamad kong tanong.
"Tapos ka na?"
"Saan?"
"Sa assignment."
Agad akong tumayo at nanlalaki ang mata na napatingin sa kaniya. Lagot na! Nakalimutan ko! Sa ekspresiyon ko pa lang ay alam na ni MJ ang sagot. Naiiyak ko siyang tiningnan.
Pinaningkitan niya ako ng mata at tinaasan ng kilay.
"Tapos ko na. Ginawan na kita. Juskolerd naman, Anya. Ano na ba ang nangyayari sa iyo at lagi kang outdated?"
"Sorry, MJ." Malungkot kong sabi at nakahinga ako nang maluwag dahil kabado ako na maging dahilan ng pagbagsak ko ang hindi pagpasa ng kahit isang assignment sa isang subject. Napakapabaya ko.
Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi ko. Sobrang nadidismaya siya sa akin. Ganun din naman ako sa sarili ko.
"Alam kong napagod ka kagabi pero kayanin mo lahat. Dapat pagsabayin mo ang pag-aaral mo at pagtratrabaho. Akala ko ba ay determinado ka sa pagkamit ng magandang buhay? Kailangan mo iyon para makaalis ka na sa puder ng love of your life na hindi magiging iyo."
Napanguso ako. Lagi na lang sinasampal sa akin ni MJ ang katotohanan na hindi ako magugustuhan ni Zohar higit pa sa kapatid. Kahit ilang beses niyang sabihin ay may kirot pa rin akong nararamdaman sa tuwing sinasabi niya iyon.
"Pasensiya na. Salamat sa paalala, MJ. Salamat din sa assignment."
Tumango ito. Nag ngitian kaming dalawa at sabay na lumabas ng klasrum.
"Sigurado kang babalik ka mamaya? Makakabalik ka ba?" Nag-aalalang tanong niya bago ako pumasok ng taxi.
"Kailangan kong umuwi. Magtataka si Zohar kung hindi. Tatakas na lang ako. Alas-ocho naman ang pasok natin 'di ba?"
Tumango naman siya sa akin. "Sige. See you later, Anya. Pahihirapan ka pa ni Sir Harvard."
Iningusan ko siya. Pinaalala niya na naman sa akin ang pangalan ng supladong barista na iyon na mahilig palang mag-utos ng mag-utos.
BINABASA MO ANG
Love Scars [✔]
RomanceHe treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapatid ko. I thought I can't cross the line that he made for us. I thought I can stay as his sister but one day, I realize that I can't do it...