Chapter 4: Birthday and Ex/s?

1.6K 47 10
                                    

Anya.

  "WHAT? Pupunta kayo lahat dito?"

  Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit nang mauninigan ko si Zohar na may kausap sa kabilang linya.

    "No. I don't want a big party. 27 na ako, Sam at 'wag niyong gagawing children's party ang birthday ko."

   Napatigil ako sa huling sinabi niya. Birthday? Birthday niya! Nanlaki ang mata ko at napatingin sa direksiyon niya. Nakatalikod siya sa akin.

   "Fine, bahala kayo."

  Nang maibaba niya ang hawak nitong telepono ay lumapit ako sa kaniya at marahan na tinapik ang balikat niya. Sumimangot ako at humarap sa kaniya.

  "Bakit hindi mo sinabi na birthday mo ngayon?"

  Natawa ito nang mahina sa tanong ko. Mas lalo tuloy akong napanguso. May mali ba sa tanong ko? Eh sa totoo naman.

  Wait---birthday, meaning 28 na siya?

  "28 ka na?!" Gulat na sabi ko. Mas lalong nadagdagan iyong age gap namin.

"Silly, 27 palang. Ginawa ko lang na 27 noon dahil malapit naman na ang birthday ko. Masyado mo naman akong pinapatanda, Anya."

  Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

  "Tutulong ako sa paghahanda sa kaarawan mo." Pag-presinta ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang sumusupil na ngiti sa labi nito kaya napahagikhik ako.

  "Bahala ka."

*-*-*

  "Sam!"

  Nag-wave sa akin si Sam. Tumawag kasi ako sa kaniya na sasama ako sa paghahanda. Tutal sabado naman n ngayon at wala akong gaanong ginagawa ay sa kanila na lamang ako pupunta para sa party na ginagawa nila para kay Zohar.

  "Anya!" Masayang bungad nito at niyakap ako gayundin ako sa kaniya. Malapad akong ngumiti sa kaniya.

  Napakaganda nito sa suot nitong blue dress na hanggang tuhod nito at naka-suot pa siya ng sa tantiya ko ay 2 inches na sandals. Simula noong ikinasal siya ay mas lalong gumanda ang aura niya. Minsan hindi ko maiwasan na manliit sa sarili ko habang nakatingin sa kaniya dahil napaka-ganda niya lang para ikumpara sa akin.

    "Kamusta?" Tanong niya sa akin pagkasakay namin sa kotse niya. Inilagay ko muna ang seatbelt ko at umayos ng upo.

  "Ayos lang naman. May trabaho na ako."

  "Wow, that's good. Mabuti ay pinayagan ka ni Zohar." Natatawang sabi niya at mabilis ko siyang tiningnan ng masama.

  "Kailangan ko pang ipiintindi sa kaniya. Nagalit kaya siya." Maktol ko na mas lalong ikinatawa nito.

  "Napaka-protective niya sa'yo. Feel ko mas protective pa siya sa'yo kaysa kay Kiah. Eh tingnan mo naman iyong kapatid niyang iyon, sa edad na bente tres ay nakapag-asawa na."

    Napatango naman ako bilang pagsang-ayon.

  "Pero iniintindi ko din naman siya kaya sa huli wala din siyang nagawa kundi payagan ako."

  Wala nang nasabi si Sam pagkatapos niyon. Maya-maya ay napansin ko na iba ang tinatahak naming daan. Dalawang beses na akong nakapunta sa bahay ni Sam at Kuya Vius kaya medyo pamilyar na ako sa direksiyon. Minsan kasi ay inaaya ko ni Sam na mag-shopping at minsan umuuwi kami sa mansiyon nila ni Kuya Vius para kumain. Si Kuya Vius naman ang nagluluto. Nahihiya na nga ako minsan. Hindi ko naman gaanong ka-close si Kuya Vius.

  "May dadaanan ba tayo?" Tanong ko sa kaniya. Nakita kong umiling siya ngunit hindi pa rin niya inaalis ang paningin niya sa daan.

  "Si Zyra ang pasimuno ng party na 'to kaya doon tayo sa mga Garcia pupunta."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon