Chapter 1: New School, New Life

97 5 1
                                    

Characters:

Boys:

Chase, Blue, Sky, Chad

Girls:

Jennifer(Jenni), Megan, Vivienne(Vivi), Alexa(Alex)

***

Chapter 1: New school, New life

Alexa's POV

"Jenni!!!!" sigaw ko habang inaayos yung sapatos ko. Aalis na kasi kami dahil lilipat na kami ng bahay.

At yan namang si Jenni.....sobrang tagal mag-ayos. Di pa kasi nag-ayos kagabi eh~.

"Oo~ eto na~!!!." sigaw niya rin pabalik. Bumaba muna ako at tinignan kung ayos na ang lahat.

"Alex, patulong~." pagmamakaawa sakin ni Megan. Tsk! Tsk!

Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kung makapag-heels kasi ng sobrang taas akala mo Ms. Universe. Palibhasa nakakatulong narin yun sa height niya. Tsaka masyado niyang feel ang pagiging si 'Megan Young'.

Ano siya? Tanga?

Eniweys, dahil wala rin naman na akong gagawin ay tinulungan ko na siya.

"Ikaw naman kasi eh. Puro high heels na lang yang mga sinusuot mo. At FYI hindi po tayo mag-paparty."

"So what? Nakasanayan ko na eh" sabi with matching flip hair pa. Lakas din ng tama niya noh?

***

Dumiretso na ko sa van at di na sila initay. Aba! Swerte naman nila kung prinsesa ang mag-hihintay sakanila.

Naabutan ko namang andito rin si Vivi pero may suot siyang headphones at mukhang tulog.

Umupo ako sa tabi niya ng bigla siyang mag salita

"Hanggang ngayon tomboy ka paring manamit" sabi niya habang nakapikit parin. Hindi pala 'to tulog.

"Oh tapos?" tanong ko. Eh sa ano bang pakielam niya. Hindi ko sanay mag dress o kaya mag suot ng maliliit na shorts eh. Ang laswa kaya!

Di nalang siya nag salita at binaling na lang ang tingin sa may bintana.

Nagsipasukan na yung dalawa ng biglang nag text si papa.

From: Papa

Hi anak! Naka alis na ba kayo? Di bale naihanda na namin yung bagong bahay na lilipatan niyo. Pati narin yung school na papasukan niyo. Nakausap ko na rin yung mga magulang ng mga kaibigan mo at napag-usapan naming ipasok kayo sa 'E.L.I.T.E'. Kaya ingat kayo. You know how much I love you. Bye

*end of text*

E.L.I.T.E? May ganun ba? PSH! Never mind!

"Guys!" tawag ko sakanila. Napatingin naman sila except kay Vivi. Napaka-isnabera talaga.

Pinatingin ko sakanila yung text ni papa at agad agad naman silang nag-react. Pero infairness pare-pareho yung sinabi nila pero opkors di kasali si Vivi.

"E.L.I.T.E?!?! May ganun ba?" napatawa naman ako kasi ganyan rin yung ni-react ko kanina.

"Sabi dito, new school daw yon at last year lang nag bukas pero napabilis ang pagtaas ng popularity nito simula nung binisita ito ng presidente ng America" nagulat ako nung biglang nagsalita si Vivi. Nakikinig pala siya.

Bigla namang inagaw ni Jenni yung phone niya kaya napataas ng kilay si Vivi. Hay nako! Napaka-disrespectful talaga nitong si Jenni.

"Wow! Tignan niyo 'to guys. Ang laki pala nitong school na 'to. Parang palasyo." sabi niya kaya napatingin kaming lahat. Oo nga no? I'm sure na puro mayayaman ang nandiyan

Inagaw naman na ulit ni Vivi yung phone niya kaya bumalik na ako sa pagkakaupo ko.

E.L.I.T.E huh?

Pero wala naman akong nabalitaan na pinuntahan yon ni Barack Obama. Ay oo nga pala! Di naman ako nanonood ng balita.

Nakarating na kami sa sinasabi ni papa at pagkababa na pagkababa palang namin ay napanganga kami

"Wow~"

Fairytale ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon