Chapter 3: Mr. Cold Guy
Alexa's POV
Nasa loob kami ngayon ng limousine. First day kasi namin sa school. Nakakalungkot nga eh dahil aalis na daw si nanny bukas.
Tinignan ko si Megan at nakitang may kinakalikot siya sa bag niya. Kinalabit ko siya at binigyan ng 'anong-hinahanap-mo?' look. Umiling na lang siya sabay sabing "Wala"
Hmm. Weird!
Tumingin na lang ako sa bintana at nakitang papalapit na kami sa school.
Naka-ordinary lang kami tutal first day naman. Hininto na ni manong driver yung kotse saka kami bumaba. At isa lang ang masasabi ko
WOW!
Ang laki nung school at andami niyang buildings. Na-excite tuloy ako.
Pagbaba na pagbaba ko ay lalo akong na-amaze. As in! Mas malaki pa 'to kesa dun sa tinitirhan namin eh. At isa lang ang masasabi ko...
ITO NA ATA ANG PINAKAMAGANDANG SCHOOL SA BUONG MUNDO!!!!
Sinimulan ko ng maglakad papasok at nagulat ako nung may biglang nagsalita.
"Yah!!! Tabi diyan!" napatingin ako sa nagsalita pero bigla nalang may sumalubong na bike sakin.
Napatigil ako at the same time napapikit.
"Waaaaaaah!!!!" dinilat ko na yung mga mata ko nang makarinig ako ng sigaw at nakita yung lalaking sumigaw kanina na nasa sahig na....
At walang malay.
MAYGHAD!!!
Tumakbo ako ng mabilis as in yung sobrang bilis papunta sakanya.
"Huy! Gising! Huy!" sigaw ko sabay tapik sa pisngi niya.
Lagot! Nawalan ata siya ng malay. Agad agad ko siyang itinayo at inalalayan papuntang clinic.
***
Habang hinihintay yung nurse ay bigla na lang akong napatitig sa kanya. Ang gwapo niya pala-- erase! Erase! Ano ba yan! Kung anu-ano na 'tong pinag-iisip ko.
Bigla naman ng dumating yung nurse kaya nagpaalam na muna ako.
Shit! Nakalimutan kong kunin yung sched. ko!
Tumakbo ako ng sobrang bilis at hinanap yung office.
Lagot na talaga ako! Nasan na ba kasi sila Jenni???
***
"Sorry ma'am I'm late!" sigaw ko nung pumasok ako ng room.
MAYGHAD!
Hingal na hingal na ko tapos pawis na pawis pa ko.
"Its okay. So, I guess you're a transferee, am I right?" tumango na lang ako dahil wala na akong lakas para mag salita.
"Okay, introduce yourself" yan na nga ba yung sinasabi ko. And I really hate introductions!!!! >>>>>:[[[[
Magpapakilala na sana ako nung biglang may pumasok ULIT.
"Mr. Dominggo!!! You're 1 hour and 23 minutes late!" sigaw ni ma'am dun sa lalaki pero inirapan lang siya. TSS! Napaka-walang hiya naman pala ng lalaking 'to. Di man lang mahiya.
Napailing na lang si ma'am at sinabihang ituloy ko na yung introduction ko.
"Hi! Alexa here. Umm.....Ah--I hope we can be friends?" Waaaah!!! Sobrang kinakabahan ako. Tumingin ako sa buong classroom at napansing di kami magkakaklase nila Vivi. Ajujuju TT-TT
"You may take your seat Ms. Rodriguez, am I right?" tanong niya so I just nod my head.
Tumingin ako kung may vacant seats pa. Pero unfortunately wala na. Napatingin ako dun sa guy na sumagot sa teacher kanina at luckily vacant yung nasa tabi niya. Pero.... ano....pwede kaya akong umupo diyan?
TSS! Bahala na.
"Pwedeng maki-upo?" tanong ko pero tinignan niya lang ako pagkatapos naglagay na siya ng headset sa tenga niya. PSH! Isnabero! Tsaka ang cold naman niya. Siguro siya yung binansagan bilang Mr. Cold Guy ng school.
So ang ginawa ko?
Umupo ako sa tabi niya at di na lang siya pinansin.
Naramdaman ko namang tinanggal niya sa tenga niya yung headset at biglang tumingin sakin with a blank stare.
Tinignan ko naman siya with a 'anong-problema-mo?' look. Eh sa hindi ako komportableng may tumitingin sakin eh.
"Ba't ka umupo? May sinabi na ba akong umupo ka?" Aba! Ang kapal naman ng mukha nito ah
"Bakit? Sayo ba 'tong upuan na 'to" pabulong kong sabi sa kanya sabay turo sa upuan.
"Bakit? May sinabi ba akong sakin yan?" Tanong ulit niya. At di talaga siya magpapatalo ah.
"Eh sa ano ba kasing problema mo at pinapaalis mo ko dito?!?" sabi ko at medyo napasigaw na lang ako. Buti na lang at busy si ma'am sa pag lelesson.
"May sinabi ba akong umalis ka? Wala naman diba? So anong nirereklamo mo diyan?" sabi niya ulit at di ko na napigilang iyukom yung kamao ko. Eh sa nakakainis eh!!! Ganyan niya ba tratuhin yung mga transferees, huh?
Binalik na lang niya ulit yung headset sa tenga niya at di na lang ako pinansin. Pero bigla na lang siyang nagsalita sabay sabing......"By the way ang panget mong kausap"
Di ko na napigilan yung sarili ko at tinadyakan siya ng pagka-lakas-lakas. Napa-aray naman siya kaya medyo napangisi ako.
Hah! Serves you right!
"Ano bang problema mo huh?!?!" bigla na lang siyang sumigaw kaya medyo nagulat ako. Grabe! Di ba siya nahihiya? Pinagtitinginan na kami oh! Waaaah!!! Kala ko pa naman magiging DABEST na 'tong school year na 'to yun pala..... Hayy~
"Mr. Dominggo and Ms. Rodriguez!!!" Oh-ow! Lagot na....
Napatingin ako kay ma'am tapos.....yung mga mata niya......NAG-AAPOY.
HUHU TT.TT