Chapter 4: Secrets
Megan's POV
Andito na kami ngayon sa van. Lilipat na kasi kami ng bahay. Tsaka ang tahimik ng van kaya tinignan ko muna kung nasa bag ko nga talaga yung bigay sakin ni mama.
Kinalikot ko ng kinalikot yung bag ko pero wala....di ko parin makita.
Lagot! Dapat nandito yun eh. Gosh~ nasan na ba yon? Wag mong sabihing naiwan ko yon sa bahay....
Bigla namang may kumalabit sakin kaya napatingin ako.
Si Alexa lang pala. Binigyan niya naman ako ng 'anong-hinahanap-mo?' look kaya umiling nalang ako sabay sabing "Wala"
GHAD!!!
Dapat mahanap ko na yun bago pa may makakita non.
***
(School)
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng limousine ay napanganga kaming lahat. Oo kaming APAT. Ikaw ba naman ang hindi mapapahanga sa mala-palasyong school na'to.
Pero bigla kong naalala yung necklace. Pasimple akong umalis para kunin yung sched. ko. Di ko na sila initay dahil baka may malaman pa sila tungkol dito. Ayoko naman silang pag-alalahanin. Tsaka ayoko narin silang idamay nang dahil lang dito.
***
Nasa classroom na ako at konti palang yung tao rito. Siguro di pa dumadating yung iba.
Umupo ako sa may pinaka-likod at agad-agad kong nilabas yung phone ko para sana tawagan si Jenni....kakamustahin ko sana kung nakuha na ba nila yung sched nila.
Nang may narinig akong sigawan.
"Hoy!!!"
***
Vivienne's POV
Habang busy sila sa pagmamasid ng buong school ay napansin kong palihim na umaalis si Megan. Ano na naman ba ang trip nito? Kaya ang ginawa ko? Sinundan ko siya.
So papunta pala siya sa office ngayon, huh? Susundan ko parin ulit sana siya nang biglang may bumangga sakin.
"Aray! Ano ba?!?!"
****
Yeyyy!!! Nakapag-UD na rin sa wakas....kahit short update lang.
Hihi [>↓<]