This is just a short update
***
Chapter 2: E.L.I.T.E
Alexa's POV
"Wow~" sabi naming apat
Doble ata yung laki nito kesa don sa dati naming bahay.
Kinuha na ni manong driver yung mga bagahe namin tsaka siya umalis. Di parin ako mapakaniwala.
★0★
Habang tinititigan namin yung bahay ay may mga bituin na nabubuo sa aming mga mata. Dala siguro ng sobrang excitement.
Kinuha na namin yung mga bagahe namin at pumasok na sa loob. Mas lalo kaming namangha nung nakapasok na kami sa loob ng malaking gate. May malaking swimming pool, cottage, mini bar, garden, fountain and etc.
Oo, mayaman kami pero first time ko lang makapasok sa mga ganito. Weird ba? Ganito kasi yon. Simula bata pa ako ay nahiwalay na ako sa mga magulang ko kaya since bata palang kami na yung magkakasama. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw akong patirahin dun sa mansyon. Same with these girls.
Nung nakapasok na kami sa mansyon ay laking gulat ko--hindi dahil sa super ganda ng nasa loob pero andun si Nanny. Yung nag-alaga saming apat nung mga bata pa kami.
"Nanny?!?" sabay sabay naming tanong.
Waaaaaaaaah!!!!! Na-miss ko siya. Huhuhu. Dati kasing mga 13 yrs. old kami ay nag retire siya kaya simula non di na namin siya nakita.
Ngumiti siya saka nagsalita
"Gutom na ba kayo?"
"Uwaaaaaaaaaah!!!! Nanny~ huhuhu" iyak naming lahat. Alam ko namang na miss rin nila sa Nanny eh.
"Oh, bakit kayo umiiyak?" Eh pano ba naman nanny? Ang tagal mong nawala. Huhuhu. Di ko siya sinagot pero si Megan na yung nagsalita para sakin.
"Tumigil na nga kayo diyan. Dahil may pupuntahan pa kayo. Bilis na at kumain na kayo" sabi niya with her strict but gentle voice
"Roger!" sabay sabay naming tugon
***
Pagtapos naming kumain ay nakipagkwentuhan kami kay nanny pero sabi niya may pupuntahan pa daw kami kaya umalis na kami. Sayang nga eh dahil matagal ko na siyang di nakakausap. Di bale babawi ako mamaya.
May binigay siyang tig-isang papel samin at binuksan namin yun ng nasa Lamborghini na kami. Oo, samin 'tong apat pero si Vivi at ako lang yung marunong mag drive. Pero sabi niya siya yung mag-dadrive kaya pinayagan ko na. Tinatamad ako eh.
E.L.I.T.E's (Shop)
8 notebooks
3-5 pens
Pentle pen
8 books
2 school uniforms
(*P.E.)
(*gayla)
Huh? Eto lang? Ang konti naman ng bibilhin. Dati kasi halos mapuno na yung cart sa mga binili kong school supplies.
Pero infairness may sarili pa talaga silang shop. Ngayon ko lang nalaman na pang-ELITE nga talaga yung school na yon.
Nakarating na kami sa SM kaya pumasok na kami. Tinanong namin kung saang floor 'tong E.L.I.T.E's tapos sabi niya sa 2nd floor.
Pumunta kami sa floor na yun at dun ko nga nakita yung shop. Pagkapasok ko napanganga agad ako dahil super ganda ng loob niya. Masasabi mong pangmayaman talaga.
Iniwasan ko munang mapahanga at binili na yung mga kailangang bilhin.
Pagtapos naming mamili ay dumiretso na kami sa counter. Na cucutan nga ako dun sa mga school supplies eh. Para kasing pang out of this world at ngayon ko lang nakita.
"Ma'am, all in all Php.12,967.75 po" napanganga naman ako dun sa presyo. Oo, kasama na dun yung kila Jenni pero ba't ang mahal? Ang konti lang naman nung binili namin.
Gusto ko sanang mag reklamo kaso nakakahiya kaya binigay ko na lang si CREDIT CARD.
"Thank you ma'am. Come again" sabi niya sabay ngiti.
Gago ba 'to? At bakit naman ako babalik. Inubos niya pera ko. Peste! Idedemanda ko 'to sa pulis. Huhuhu.
Nanlulumo akong lumabas ng store habang nagsisi-tawanan lang yung tatlo.
Isa na rin 'tong mga 'to eh. Kung anu-ano yung pinagkukuha kanina. Kala ko naman sila yung magbabayad pero ako pala. Peste! Nabudol-budol ako huhuhu.
*