Chapter 6
Maliliit ang hakbang ko habang tinatahak ang makipot na daan patungo sa bahay ni Devon.
I remember his name when he invited me to go with him.
Marumi at madilim ang eskinitang nilalakaran namin. Sa gilid ay mga barong barong na bahay na mukhang malapit nang bumagsak. Sa bandang unahan ay may tindahan roon kung saan naroon ang mga lalaking nagtatagay at mukhang may tama na ng alak.
Hindi ko alam kung paano niya ako nakumbinsing sumama sa kaniya rito. Hindi ako madalas sumasama sa hindi ko kilala kaya hindi ko alam kung bakit ako nandito at naglalakad kasama siya.
Minsan na akong nagagawi sa mga ganitong lugar, madalas kapag may hinuli akong drug dealer na rito nagtatago.
Tila naagaw namin ang atensyon ng mga lalaking umiinom dahil napabaling sila sa gawi namin.
"Pare, may tama na ata ako. May nakikita akong magandang anghel, oh!" Narinig kong wika ng isa sa mga ito habang mariing nakatitig sa akin.
"Oo nga pare! Akalain mo 'yon, may napadpad ditong isa!" dagdag pa ng kasama niya na sinabayan pa ng malutong na tawa.
"Mga gago! Tingnan niyo naman, kasama ata ni pareng gwapito. Baka girlprend niya!" Kontra ng isa sa kanila at pinasadahan kami ng tingin.
Nang palapit na kami ay hinarang kami ng isa sa kanila na hindi ko na ikinabigla. Malaki ang kaniyang katawan at hindi katangkaran, amoy din ito ng pinaghalong alak at pawis.
"Teka muna pare, baka naman pwedi mo kaming ipakilala diyan sa kasama mong anghel," wika niya habang ipinagkikiskis ang magkabilang palad. Panay ang sulyap niya sa akin na may kasamang pagnanasa.
Sinuklian ko iyon ng matalim na tingin. What a filthy old man.
Humigpit ang hawak sa akin ni Devon habang nagtatagis ang bagang.
"Ibalato niyo na sa akin 'to," malamig niyang wika at iniharang ang sarili sa harap ko.
Nagtawanan lang ang mga lalaki. Umiiling iling naman ang lalaking nakatayo, tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Devon.
"Huwag ka namang madamot! Isang tikim lang, isusuli rin namin pagkatapos," ani ng isa sa kanila sabay ngisi kaya lumabas ang kaniyang bungi at naninilaw na ngipin.
Hindi ba uso sa kaniya ang toothbrush?
"Hindi ako madamot. Hindi lang talaga pwedi," mahinahon ngunit may diin na sambit ni Devon.
Tuluyan nang naglaho ang ngisi ng lalaking unang nagsalita. Napalitan iyon ng madilim at galit na hitsura.
"Ibigay mo sa amin ang kasama mo kung ayaw mong matikman ulit ng matulis kong kutsilyo!" galit nitong wika at inilabas ang isang kumikinang at matulis na swiss knife.
Kung tama ang hinala ko, sila ang may kagagawan ng malalim na sugat ni Devon noong nakaraan.
I grimaced. I will not hesitate to end your lives so better hide in hell, assholes.
"Hindi ako natatakot diyan," matigas na wika ni Devon at mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko.
Nagdilim ang mukha ng kaharap naming lalaki at nilingon ang mga kasama para magbigay ng senyales.
Nagsitayuan sila at kaniya kaniyang hugot ng matutulis na kutsilyo. Kasabay ng pagkislap ng matalim na kutsilyo dahil sa ilaw ay siya ring pagkislap ng kanilang mga mata dahil sa tuwa.
Tss. Matatapang lang sila dahil may hawak na armas.
"Huling tanong, ibibigay mo-" hindi ko na pinatapos ang lalaki bagkus ay naglakad na ako palapit sa kaniya at walang pag-aalinpangan siyang binigyan ng malakas na sipa. Plakada iyon sa kaniyang mukha na sunundan ko pa ng pangalawang sipa sa likod ng kaniyang ulo gamit ang isa ko pang paa.
BINABASA MO ANG
The Wicked Angel
General FictionChildren believe in fairy tales where princes and princesses exist, they dream of having their own Prince Charming who will come to make them the happiest girl in the world but in real life, fairy tales don't exist. It were stories which are made-up...