Chapter 1
Veronica's Point of View
We can never predict things to happen nor prevent it from happening. No matter how good we are, we still commit mistakes. It's indeed inevitable. People may be blessed with enormous, extensive and vast knowledge but still they are not perfect, no one is.
I've been through a lot of things, it may not be the worst of all but its enough to change my perception about life. I never experienced a normal childhood, a normal life. At a young age, I was exposed to violence and cruelty of the world.
I will not blame anyone for who I am today. I chose to be like this, I took this path but not because I want to but because I need to.
Marahan akong nagbuntong hininga habang sinusuklay ang mahaba at maalon kong buhok. Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang aking kabuoan.
Pinakatitigan ko ang medyo bilugan kong mga mata na pinaganda ng aking mahahaba at itim na itim na pilikmata. Hindi masiyadong makapal ang aking kilay ngunit maganda ang natural nitong ayos. Bumaba ang tingin ko sa aking matangos na ilong na namana ko pa sa aking mamá na purong katsila at ang pinakagusto ko ay ang aking manipis at natural nang mapulang mga labi.
Ngumiti ako kaya lumabas ang aking maputi at pantay pantay na mga ngipin. Ayon sa mga kakilala ko, nakakaakit daw ang aking ngiti lalo pa at may dalawa akong maliliit na biloy sa tabi lang ng labi.
Hindi rin gaanong mapusyaw ang aking balat dahil hindi ko gusto ang masiyadong maputi, tamang kulay lang ng balat na kapag nabilad sa araw ay namumula. Ipinusod ko ang aking kulay kayumangging buhok matapos ko itong ayusin at naglagay ng manipis na kolorete.
Maraming nagsasabing para akong anghel na nahulog mula sa langit dahil sa napakaamo kong mukha. Namumungay ang aking mata at napaka inosente kung titingnan.
Maaaring tama sila, mukha nga akong anghel na nahulog mula sa langit dahil kung pagmamasdan, tila ako hindi makabasag pinggan at walang kaalam alam sa mundo ngunit hanggang doon lamang iyon.
Maraming namamatay sa maling akala. Hindi lahat ng mukhang anghel ay mabait at hindi lahat ng mukhang salbahe ay masama. Lucifer was once an angel, a fallen one. He was once good but then he chose to be bad.
We can be the master of our destiny, it just depends on the decisions we make. Every steps we take, it'll lead to what we'll gonna be.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking anyo. Hapit sa aking katawan ang isang maganda at mamahaling damit na nabili ko pa sa isang mamahaling boutique sa France. Balak kong pumunta sa isang exclusive bar para magsaya.
It's been almost a year since my last mission. Sa sobrang tagal ay tila nakalimutan ko nang may obligasyon pala ako sa organisasyon. Alam ko sa sarili kong hindi ako mabuting tao pero hindi ko maikakailang malaki ang naging epekto noon sa akin.
Bahagi na ng trabaho ko ang pumatay pero iba pa rin kapag may nadadamay na inosenteng tao. I may be cruel but I am still a human.
Sinalubong ako ng malakas na tugtog at ang nakakaliyong ilaw pagpasok ko sa bagong bukas na bar. Lahat ay nagkakasiyahan. May nagsasayawan, may umiinom at may masayang nagku-kwentuhan sa kabila ng malakas na tugtog galing sa malaking speaker.
Dumiretso ako sa bar counter at hindi na pinansin ang iilang matang nakatingin sa akin.
"Veronica!"
Tumaas ang kilay ko nang marinig ang boses na iyon, hindi ko nagustuhan ang tono ng kaniyang boses.
"What?" sagot ko, medyo iritado.
BINABASA MO ANG
The Wicked Angel
Fiction généraleChildren believe in fairy tales where princes and princesses exist, they dream of having their own Prince Charming who will come to make them the happiest girl in the world but in real life, fairy tales don't exist. It were stories which are made-up...