"MISS Andie, package for you," sabi ng officemate niyang si Rose, saka nilapag ang maliit na square na box sa ibabaw ng table niya. Nanlaki ang mga mata at tumaas nag-one hundred ang excitement level niya ng makita kung kanino galing iyon.
"Uy, Salamat!" nakangiting sagot niya.
Napatingin siya kay Alona, ang kanilang Senior Editor ng sumilip ito doon sa cubicle niya.
"Let me guess, galing na naman kay Senpai 'yan."
Ngumisi siya saka kumindat dito. "Alam mo 'yan!"
Excited na binuksan niya ang kahon, impit siyang napatili matapos makita ang laman niyon. Ang pinakahihintay niyang limited edition ng pinaka-favorite niyang character figures ng anime na pinapanood niya. In-order pa niya iyon straight from Japan. Nayakap ni Andie ang mga iyon sa sobrang saya.
"Ang ganda n'yong lahat!"
"In fairness, malapit ng mag-mukhang toy store ang cubicle mo," biro pa ni Alona sa kanya.
"I know, right? Alam mo naman hindi puwede sa bahay ang kahit na anong may kinalaman sa Japan doon," sagot niya.
"Oo nga pala, malaki pala galit ng Lolo mo sa mga Japanese."
"Hindi ko rin naman siya masisi," depensa ni Andie sa matanda.
"Bakit ba ganoon na lang ang galit ng Lolo mo sa kanila?" tanong pa ni Alona.
"Sabi kasi ni Lolo, noong World War II, namatay daw sa gyera ang buong pamilya niya, as in 'yong parents niya tapos pati mga kapatid niya. Si Lolo lang daw ang nakaligtas dahil sa isang kaibigan," kuwento niya.
Bumuntong-hininga si Alona.
"Sabagay, kahit sino siguro ang dumaan sa narasanan ni Lolo, baka maging ganoon din."
"Kaya nga iniintindi na lang namin. Saka matanda na si Lolo, ayaw ko naman sumama ang loob niya o sermunan ako kapag kinontra ko siya. Kaya, kami na lang mag-adjust."
Napalingon siya kay Alona na lumapit pa ito lalo sa kanya.
"Pero teka, maiba tayo, kumusta na pala si Senpai?" tanong nito.
Natutop niya ang bibig saka agad nakaramdam ng kilig.
"Ay kinilig agad, grabe siya! Nagkausap na ulit kayo?"
"Hindi pa, mamaya ko siya ime-message kapag breaktime," sagot niya.
"Ang guwapo talaga no'n. Curious lang ako, ano kaya sa tingin ang naging reaksiyon niya kung nalaman ni Reiji na noon pa man ay may gusto ka na sa kanya?" sabi ni Alona.
That's right. Matapos niyang tulungan noon si Reiji, at dahil naging malapit silang magkaibigan. Hindi napigilan ni Andie ang sarili na mahulog ang loob sa binata. Reiji is every girl's ideal man. Mabait, gentleman, palabiro at sweet, kasama na ang iba pang katangian na hinahanap ng isang babae sa lalaki. Naging mahirap para sa kanya na pigilan ang sarili na umibig dito. Lalo na at halos araw-araw silang nagkikita noon sa buong dalawang taon na nanatili ang binata.
"Ewan ko, hindi ko rin naman naisip na mag-confess ng feelings ko noon."
"Eh ngayon? Love mo pa rin ba?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi na? Bata pa naman kasi ako noon, saka kinalimutan ko na 'yon feelings ko. Tagal din namin nawalan ng communication simula ng bumalik siya sa Japan, tapos ng nagkausap kami ulit may girlfriend na rin siya."
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)
Romance"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay." TEASER: Lumaki si Andie na namulat na malaki ang galit ng kanyang Lolo Julio sa mga Hapon. Sabi ng Mama niya, iyon...