NAPANGITI si Andie ng bumungad sa kanya ang video ng kaibigan at college friend niya na si Regina pag-open niya ng facebook. Nag-viral kasi ang video nito at talagang sumikat dahil sa mga nakakatawa at nakaka-in love na moments kasama ang boyfriend nitong foreigner. Habang pinapanood niya ang video nito, hindi mawala ang kanyang ngiti. Masaya siya na nakikitang masaya din ang kaibigan. Hindi nagdalawang isip na ni-like niya ang video ni Regina, saka nag-iwan ng comment.
"Aba, Regina! Pa-bongga ka ng pabongga!"
Bigla tuloy bumalik ang kanyang isip sa nakaraan. She suddenly realized how much she miss her friends. Ang mga kulitan at bonding moments nila. Naalala pa niya, first year college at Education pa ang kurso niya ng magkagusto silang lima sa iisang lalaki, si Andrew Dixl. Pero ni isa sa kanila ay hindi man lang napansin nito. Doon nagsimula ang pangarap nilang magkakaibigan na magkaroon ng boyfriend na foreigner. Hanggang ang simpleng pangarap na iyon ay nauwi sa kasunduan.
Naputol ang pag-iisip ni Andie ng biglang sumulpot sa screen niya ang maliit na chatbox. Napangiti siya ng makita kung sino ang nag-send ng private message sa kanya.
"Andrea!" anang kaibigan.
"Regina!" reply niya.
"Wait, video call tayo."
Mayamaya ay biglang lumabas ang video call request nito. Natatawang sinagot niya iyon.
"OMG! Regina!" excited na tili nito, pagkakita sa kanya.
Natawa siya ng malakas.
"Uy bruha, congrats! Ikaw ha? Sikat ka na!"
Si Regina naman ang natawa ng malakas. "Salamat, pero maniwala ka. Hindi ko ine-expect 'yon."
"Nag-comment ako sa video mo ah," sabi pa niya.
"Oo, nabasa ko agad. Nanlaki nga mata ko noong makita ko pangalan mo sa notification kaya nag-message ako agad sa'yo!"
"Nakakaloka ka! Miss na miss na kita! Miss ko na kayo!" sabi niya.
"Ako rin, pero malapit na naman tayong magkita eh," sagot naman ni Regina.
Napakunot noo siya.
"Teka, malapit na tayong magkita? Kailan 'yan? Bakit wala yata akong alam?"
"Hindi mo pa siguro nabasa ang message ko. Nag-create ako ng group chat natin lima. Nakausap ko kasi 'yong dating President ng Student Council natin sa University dati. May grand reunion daw 'yong batch natin sa December twenty-seven. Tingnan mo kaya sa group chat, nandoon lahat ng info. Kaloka, ano bang ginagawa mo at wala kang kaalam-alam sa nangyayari?"
Natawa ulit siya. "Sorry na, halos kakauwi ko lang eh. Ilang linggo akong nasa Japan. Hindi pa nga dapat ako uuwi kaso kinailangan ako dito sa bahay kaya napaaga ang balik ko. Hindi rin kasi ako masyadong gumamit ng social media noong nandoon ako dahil gusto kong mag-enjoy ng husto," paliwanag niya.
"Sosyal, pa-Japan Japan na lang!"
"Loka, may kasamang trabaho 'yon," natatawang sagot niya habang hinahanap ang group chat na sinabi ni Regina. Ngayon lang niya nakita ang tambak na private message sa kanya ng iba pang mga kaibigan.
"Ayon, nabasa ko na!" bulalas niya matapos makita at mabasa ang mga messages doon sa group chat.
"Sa December twenty-seven, pumunta ka ha?"
"Sige, I'll go. Naka-leave pa rin naman ako noon."
"Yes! Mag-confirm ka na lang doon sa website ng School, nandiyan ang link na kasama ng info na pinost ko sa group chat. Nag-confirm na rin sila Elissa, Jane at Edgell."
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)
Romance"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay." TEASER: Lumaki si Andie na namulat na malaki ang galit ng kanyang Lolo Julio sa mga Hapon. Sabi ng Mama niya, iyon...