Chapter 2

7 2 0
                                    

Amanda's POV

Nagsimula na kaming magpractice ng choric. At simula nung nagstart kaming magpractice nagsimula na din nila kaming asarin ng 'muling ibalik ang tamis ng inyong friendship' nangunguna si Ivan sa pang-aasar saamin. Kami naman dedma lang...

"Amanda can we talk?" Akala ko si Andrew yung nagsalita yun pala si Lorry lang. Ano ba 'tong iniisip ko diba nga wala na akong pake sakanya. "Hoy Amanda sabi ko can we talk? Parang hindi ka naman nakikinig eh" Lorry. Ahy oo nga pala

"Oo naman.. Ano ba pag-uusapan natin? Pero before tayo mag-usap bibili muna ako ok?" Ako. Tumango naman siya at sinabing sa Bridge nalang daw ng school kami magkita. Mabilis lang naman ako bumili at umakyat na sa may bridge.

"Lorry oh (sabay abot ng foods) ano ba pag-uusapan natin?" Ako... Naiinip na kasi ako... Para kasing seryoso yung pag-uusapan namin.

"Salamat... Amanda umamin ka nga saakin... Gusto mo pa siya diba?" Sabi ni Lorry nang nakatingin ng diretso sa mata ko. Kaya napa-iwas na lang ako ng tingin. I know she's talking about Andrew.

"Ano bang pinag-sasasabi mo diyan? Diba alam mo naman yung nangyari saamin 3 years ago?" Ako.. Kahit new student si Lorry dito alam niya ang nangyari saamin ni Andrew noon... Sinabi ko lahat sakanya kasi mukang mapagkakatiwalaan naman siya eh...

"Amanda nag-away lang kayo pero yung feelings niyo sa isa't-isa hindi mawawala yun" ano daw? Feelings naming dalawa? Diba ako lang? Nakita niya siguro na napa-isip ako sa sinabi niya kaya nag salita uli siya "What I mean is yung feelings mo sakanya" sabi ni Lorry.

"Nukaba move on na ako dun noh hahaha" sabi ko sakanya. Move on na nga ba ako? Ewan ko bahala na shit. "Alam mo gutom lang yan kaya kainin mo na yung binili ko sayo" change topic ko para hindi masyadong awkward

"Amanda please wag mo akong lokohin lalo na ang sarili mo" sabi ni Lorry ng sobrang seryoso kaya wala na akong nagawa kundi umamin nalang.

"Oo na inaamin kong gusto ko pa siya kahit kailan naman hindi yun nawala eh. Kahit sobrang sakit nung ginawa niya saakin noon. Tiniis ko yun dahil hindi ko lang siya gusto, mahal ko na ata siya" sabi ko sakanya. Naramdaman ko naman na umiinit na yung mata ko. Alam ko kunti na lang tutulo na ang luha ko. Bumalik kasi lahat ng sakit eh.

"Sabi ko na nga ba eh. Halata naman kasi sa mga mata at smile mo pag magkaharap kayo. Yung pagmamahal mo sakanya nabalot lang yun ng sakit kaya ang alam mo nawala na pero hindi pa pala" sabi ni Lorry nang nakasmile. Parang umurong lahat ng luha ko dahil sa word of wisdom niya. Parang gumaan yung pakiramdam ko kahit konte nung nasabi ko na lahat sakanya yung nararamdaman ko at alam ko na mas lalo pa 'tong gagaan kung sakanya mismo ko sasabihin.

"Lorry wag mong sasabihin kahit kanino huh? Kasi pag nalaman na niya masasaktan lang ako kasi may iba siyang mahal" ako. Alam ko naman na hindi niya ako kayang mahalin eh psh.

"Malay mo may gusto din siya sayo, ayaw niya lang aminin kasi natotorpe siya" sabi ni Lorry sabay poke sa tagiliran ko.

"Hahaha sana nga. Sana magkabati na kami, kahit hindi na niya ako bestfriend basta ang importante eh mag-kaayos na kami" sabi ko sabay smile.

"So makikipag-ayos kana sakanya?" Sabi nanaman ni Lorry. "Amanda makipag-ayos kana habang hindi pa huli ang lahat, ayaw mo naman siguro magsisi sa huli diba?" Napa-isip naman ako kung makikipag-ayos na ako sakanya kasi kung hindi pa baka makahanap siya ng new bestfriend niya at maging invisible na ako sakanya.

"Oo makikipag-ayos ako sakanya..." Pinutol ko muna ang sasabihin ko. Nakita ko naman na napasmile si Lorry, yung smile na parang nanalo sa isang laban "pero hindi pa ngayon baka next week mga ganon. Parang kasi hindi pa ako handa" sabi ko

"I understand. Kung ako sayo mas agahan mo. Pero it's your decision naman kung hindi kapa handa" sabi ni Lorry.

"Hahaha thank you! So ano? Tara na? Baka late na tayo eh hahaha" sabi ko sakanya. Hindi ko na narinig yung sinabi niya kasi bigla nalang niya akong hinila papuntang room hahaha this girl is so damn funny to be with hahaha.

Ngayon I realize na

WE DON'T NEED BESTFRIEND, ALL WE NEED IS A TRUE FRIEND NA ALWAYS NANDYAN TUWING MALUNGKOT KA AT PATATAWANIN KA NIYA HANGGANG SA MAREALIZE MO NA NALIMUTAN MO NA PALA NA MAY PROBLEMA KA...

I CONSIDER JULLIE AND LORRAINE AS MY TRUE FRIENDS...

Andrew Skylee always remember ikaw lang ang nag-iisa kong bestfriend... Ikaw lang ang nagpapasaya saakin kahit hindi mo alam... Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko hangga't kaya ko pa... Ikaw lang wala nang iba...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Authors note:

Sorry guys sa sobrang pangit ng story ko

First time ko po kasi eh... Sorry talaga babawi nalang po ako...

Sa ngayon po kailangan ko nang comment niyo kung itutuloy ko pa po ba itong story ko o hindi na po...

Parang wala naman po kasing nag-babasa eh...

I need VOTE!!!!!!!

PLEASE!!!!!!!!!!!!

Unbeatable Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon