"Boyfriend mo daw si Alfred?"
Liza asked me with full of curiosity. Isa to sa mga kaklase ko na masasabi kong chismosa. Oh diba ang dali niyang nakakasagap ng balita.
"My gad Liza! You're too late for latest news. Si Francis na ang boyfriend niya noh"
Si Anabel. Isa pa tong chismosa na sobrang updated pala sa mga nangyayari sa buhay ko. Lamang sa pagkachismosa ni Liza to.
"Wait..Wala na kayo ni Alfred? At ngayon si Francis naman? Aba pambihira ang ganda mo rin noh. Haha ibang klase ang kamandag"
Kaming tatlo lang ang naghahari dito sa coffee shop. Yung mga ka grupo namin kasi hindi pa dumadating at nagkataon na wala ring ibang costumer. Kung hindi talaga dahil sa lintik na grades kanina pa ako wala dito.
"Pero diba kaka break niyo lang ni Cyprus. Nakahanap ka agad ng pamalit Zia?"
Hay nako Liza pwede ba tumahimik ka nalang?
"Duh! Para saan pa at mag aksaya ako ng oras. Explore. Collect and collect then select. Ganun!.. Bakit yung mga lalaki ba, after break-up wala ring extra o di kaya'y rebound? Tss ako pa ang lokohin nila paunahan lang yan ehh. Iiyak matalo, ang susuko duwag, kapag bitter hindi pa naka move on. Well, for me, I refuse to do any of those. "
At nagtawanan sila sa sinabi ko.
Ganitong mga uri nang kaklase ang gusto ko. Yung may pagka engot at ang daling patawanin. Sarap tuloy pagtripan. Pero may nakakatawa ba sa sinabi ko? Bahala na nga sila.
"O, saan na yung iba? Ang usapan ay alas dos pero bakit wala parin? Marami akong inasikaso at pinaglalaanan ko talaga to ng oras tapos ganito lang makikita ko... Tatlo out of 10. Really?"
Nandito na pala yung leader namin na sobrang maalalahanin sa kanyang academic echos. Haynako pres ako sayo, mag night life ka.. enjoy kaya... Charot baka masapak ako nito eh walking and running to Highest Honor eh.
Si Russ. Ang aming ubod ng kapogian, athletic, academic achiever, at President ng Student Supreme Government. gwapo sana wala namang girlfriend. at wala rin kaming nabalitaan na may nililigawan o kaya'y crush man lang. feeling ko, wala ring night life to.. ang boring sguro ng pagkatao nito. At syempre kahit habulin ng mga babae, walang magtangkang manatili. Dahil aside na mahangin kung magsalita, masama naman ang ugali. pinaglihi ng ampon ni ajdfbldkvnds. hahhahaha
"Pres, Chill. To naman, kaya ka hindi ka nagkakalovelife eh." singit ngayon ni Liza. Sige hamonin mo at baka tuluyan kang makaladkad palabras dito girl. Alam monang may pagka Mondragon yan.
"May ikaka chill pa ba nito ha Liza? Hindi lang itong meetup na to ang ginagawa ko sa buhay. Marami pa. Tapos ito lang maabotan ko. Tapos wala pa kayong natapos puro nalang kayo chismis."
Nag uusok na ang mukha ni Pres feel ko lang. haha Mapapasubo ka talaga nito Liza. Oh ayan sa kakadaldal mo. May pagka bobshell pa naman kayo.. Nadamay tuloy ako.
Akmang aawat na si Anabel. To the rescue sa kanyang frenilyn kasi nagtataasan na ng boses ang mga to eh.
"Teka lang naman Pres, eh 2 thirty palang eh. Baka natraffic yung iba. Naka pag chat na rin ako sa gc natin, paparating na daw yung iba" si Anabel na talaga ang nagsasalita kasin mukhang magbangayan na ang dalawa haha
At ngayon napabaling na siya sa akin at ang talim ng mga titig. Nakakatunaw tuloy! Kung nakakamatay lang ang titig, nakahandusay na ako ngayon. Teka, may period ba to ngayon? Ang init ata ng ulo.
"At ikaw Zia, wala ka man lang update sa research natin pero duty ng boyfriend eh walang palya at may improvement pa. Oh ito gawan mo nang analysis" sabay lahad niya sa iilang mga pages ng papel
"bukas dapat may maisulat kang impormasyon tungkol diyan. Ayoko sa mga pabaya at irresponsible."
WHAT THE FACK! Ano tong sinasabi ng gagong to. Ako pabaya at irresponsible?
"Hoy! Ako irresponsible? Pabaya? Baka ingudngud ko yang mukha mo sa mga naiambag ko sa lintik na research na yan ng matauhan ka. Porket lider ka may gana kanang sigaw-sigawan KAMI? Nauna pa nga kami sayo ah! Kung ayusin mo yang pananalita mo! Kung makapag-utos parang sino mang hari! Masipag ka lang hoy! Kaya ka nag eexel sa klase kasi pinagpaguran mong unawain bawat leksiyon at nagkataon lang na tamad sila.."
"Yang ugali mo walang pinagkaiba sa mga bobo"
Naalarma na yung dalawa kong galamay pati mga crew ng coffee shop naki usyoso na sa commotion.
"ppfftt. HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
At hindin na talaga napigilan ng dalawa. Tumawa na!
Tiningnan ako ni Pres na nakaigting ang panga na parang anytime kaya niya akong ipatumba. Ang tanging nakakapagpigil sa kanya ay ang katotohanang babae ako at lalaki siya. Kumunot ang kanyang noo at yung kamao niya parang babasagin na ang pagmumukha ko. Patay!
He angrily step back, and leave the three of us.
"Ano ka ngayon? Hahahaha si Zia lang pala makakapagsara ng bibig nun. Hahaha"
"Bye Pres! Mwuaa" w flying kiss gesture ni Anabel.
"Saan kaya ang punta nun?"
BINABASA MO ANG
Playing Issues
General FictionHe's a mysterious basher. He dared her into something she must do. Ang paibigin ang lalaking walang gusto sa kanya. Russ Ven Monserrat. Cold as ice. Academic Achiever. Business minded and a Goal-oriented person. She's a vlogger. A total composition...