"Good evening Zianers. It's me Brazia.. This is my first vlog but I hope you will like it. We're going to travel around Enchanted Kingdom at aalamin natin kung paano kayo nahulog sa mga pasakay niyang salita..."
Kaka upload ko lang sa aking first ever vlog. Baguhan ako sa larangang ito kaya naman medyo hindi pa refined yung pagkaka edit ng vids. Pero, ba't nga ba ako pumasok dito?
Dahil una, bored ako.
Pangalawa, gusto kung ipanladakan sa iba na kahit mayaman kami, nakakagala ako kahit saan ng walang body guards na nakasunod. Nakakalungkot yung buhay ng iba na bahay at paaralan lang ang destinasyon.
Pangatlo, para magpapansin. Hahahaha may ilan-ilan kasi akong crush sa school.. Beke nemen.. haha oppsss.. Note to self, laru-laro lang. walang seryosohan whahahaha.
Isang lingo na ang lumipas simula ng encounter namin ni Pres sa coffee shop at meeting namin para sa thesis. Ang resulta? Walang nagawa. Kasi hindi nakarating yung iba dahil may family gateaway daw sila at iba pang ka echosan sa buhay. Kaya umuwi nalang din kami.
At ngayon na naman sana ang meetup namin dahil sabado at hindi pa tapos yung Chapter 1-3. Pero si Pres na naman ang busy. Okay! Hayaan na natin yun. Pwede na ding sya nalang ang gumawa total mga inutil man raw kami. Haha
Kaya, dahil bored ako.. at may nagyayang magpasyal sa Enchanted.. Sumama na ako. Pero Hindi ko talaga boyfriend si Timothy. Hindi pa.. hahahaha
Naisipan ko na ding mag video para mang inggit. kaya ayun..
Liza: Hoy girl sino yang kasama mo jan? Ba't di mu kami sinali?
Anabel: Edi sino pa ba.. Bagong boytoy na naman. Hahahaha
Liza: Si Francis ba?
Anabel: Hindi no'. Hay nako Liza kung saang planeta ka man ngayon, umuwi kana. Miss ka na namin.
Liza: Gaga . hahaha update mo naman ako.
Aba! pinag pyestahan yung vlog ko.
Ito talagang Liza at Anabel panira ng comment. Ano bang irereply ko dito? hmm
Italia Brazia: Hoy! Wag nga kayung maghasik ng lagim dito! Shooooo!
Hahahahaha ayun, naka angry emoticon na ang dalawa. Haha
Naaaliw na ako sa dami ng views at comment at nagsasabing ang ganda ko raw. Eneebee haha
Pero teka, sino ba tong Florenice na nag comment.. Florence at Venice pinagsama ang dalawang lugar?
Florenice: Not a good image tho. Hanging around with different guys in different times at different place.
Wait.. Basher ko ba to? Follower? Insecure sa ganda ko? Girl mind your own business! Bago lang ang kanyang comment at may nakireply na din sa comment ng Florenice na yun..
Pat: Bro, she's a good catch pa rin.
Florenice replied: I don't think so.
Aba! Tumaas ang kanang kilay ko dito ha. Kung sino kamang Florenice ka, inggit ka lang kasi wala kang jowa. Hahahaha. Maiopen nga yung profile. Tingnan natin.. Siguro mukhang pinaglumaang Anabelle to.
Florenice
Loves extreme sports and rides. If you know what I mean.
Studied at Monterio University.
Followed by 300 people
Extreme sports and rides? You mean??? Bastos! Erase.. erase..
So same school huh?
Ang kanyang profile pic ay masayahing aso. At wala nang iba! Puro mga gitara, drums, sports, at games nalang ang ibang pictures.. at mga shared posts lang din. So walang picture man lang kung sino man to?
Okay! So poser to! Tsss. Sa panahon talaga ngayon daming nagkakalat na poser. Para lang maistalk yung crush nila. O di kaya'y para may update sa taong kinaiinisan nila. Tss! Mga duwag. Why not grace yourself and be who you are? Hindi yung nagtatago sa katauhan ng isang dummy account.
Mareplayan nga..
Italia Brazia to Florenice: Mind your own business girl/boy/bakla/tomboy! Katauhan mo nga di mo maipagsigawan. Inggitera talaga.
Anabel replied to your comment: the fvck! Hahahahahaha
BINABASA MO ANG
Playing Issues
General FictionHe's a mysterious basher. He dared her into something she must do. Ang paibigin ang lalaking walang gusto sa kanya. Russ Ven Monserrat. Cold as ice. Academic Achiever. Business minded and a Goal-oriented person. She's a vlogger. A total composition...