Napabaling ako sa aking katabi upang makahagilap ng sagot sa biglaang pa quiz ng aming bait-baitang guro sa Philosophy. Napatagal ang aking tulog kagabi dahil sa binasang What lies beneath the sand ni jonaxx at nakakabitin kung hindi ko tatapusin ang 10 chaps na natitira.
Kaya ayan tuloy napahikab ako dahil sa kulang ng tulog at wala pang maisagot sa quiz.
Tinignan ko si Anabel na sobrang seryoso habang sinusulat ang mga sagot. Siguro napaghandaan niya to. E ako? Nakalimutan ko na ang ibang konsepto eh. napadpad yata dahil sa sinakyang rides sa Enchanted. 5 out of 20 lang yata ang sure kung tamang sagot ko dito. hays
Napabaling naman ang ulo ko sa banda ni Liza habang napakamot sa ulo. Halatang wala ring maisagot dahil sa nakikita kong anyo ng kanyang mukha.
Hays. I need Heeelp.
Sinipa ko ng bahagya ang paa ni Anabel upang manghingi ng maisagot at ang gaga tinaasan lang ako ng kilay.
"Number 10 anong sagot?" pabulong kong sabi sa kanya nang tumingan siya sa pangatlo kong sipa sa paa. Masasapak ko talaga to pag hindi nagbibigay eh minsan lang naman siya mag-aral kasi halos sa akin to nangongopya. Topakin kasi.. Kung ayaw niya, ayaw talaga pero kung may gusto siyag pag-aralan ng mabuti ayun hindi palalagpasin pati tuldok.
"Ano?" Hays anabel ngayon ba naman hindi marinig?
"Number 10" medyo nilakasan ko ng konti para marinig talaga..
Medyo may pag-alinlangan ang pagsagot ni Anabel at ang mga mata'y wari'y may ipahihiwataig.. yun pala andyan na yung guro namin sa mismong harapan.
"Ano yun Brazia? Did you just ask Anabel for the answer in number 10?"
"No maam."
She crossed her arms at natatantya kung pinipigilan niya ang kanyang pasensya. Grabe ang kanyang aura sobrang nakakaintimidate. Maypagka matanda na si mam pero ang galing sa pagturo walang kupas. Nagkataon lang na hindi lang ako nakapag-aral.
"Sorry maam". Yumuko nalang ako sa kahihiyan. Pinagtitinginan na ako ng aking mga kaklase. Ang iba nama'y bahagyang pinipigilan ang pagtawa. Sa lahat ng nakikita kung nagpipigil ng tawa sa kay Russ talaga ako mas napikon. Yung pag ngisi niya kasi ay may halong panghuhusga.
"Pringles para sa napahiyang nilalang kanina" at nagtawanan na sina Anabel at Liza.
"Shet Zia, sa lahat ba naman ng pagkakataon kanina kay Mam Andrea pa talaga?"
"Ayan shunga kasi. alam nang napakahigpit ni mam lalo na sa mga pa quiz. nanghingi pa talaga ng sagot"
Napasimangot nalang ako sa kanilang dalawa. Anu ba yan..
Yun ang hindi ko malilimutan sa aking High School Life. Nakakahiya sa puntong nagsisiskap talaga akong hindi na ulit yun mangyayari. Ngayong nasa Ikaapat na taon na ako ng koliheyo, pinipigilan ko na ang aking sobrang pagbabasa. Nuon kasi magdamag ko itong ginagawa. Sa ngayon minsan-minsan nalang. Kapag may free time.
"Espresso Macchiato please"
"OMG si Russ ba yun? Shet ang gwapo" Napabaling ako sa tinatanaw ni Liza sa lalaking kakapasok lang at nag order sa counter.
"Sis. Siya nga" Sabat naman ni Anabel. "Like, Oh My Gash!! Zia, Si Russ oh! Di mo man lang babatiin" Dagdag ni Anabel na may panunukso.
"Wag ka ngang ganun Ana, She isn't still recovered. Tama ba Zia?"
"Liza manahimik ka utang na loob ayokong mag eskandalo si Zia dito at masapak pa talaga tayo"
I just faced them to give full assurance that I am ok after all. After all what he did to me. Im not bitter tho pero sobra lang talaga akong nasasaktan sa mga panahong yun at bahagyang kinalimutan ko na ngayon. Bakit pa ako magtatanim ng galit diba?
Liza and Anabel didn't change after all these years. Sila pa rin ang mga kaibigan kong topakin na hanggang ngayon tinatanong ko parin sa aking sarili kung bakit ko nga ba naging kaibigan ang mga ito. Same school dati at ngayon same University with the same degree of course. Gusto naming maging isang nurse. Nurse daw kasi ang Nurse para sa mga Doctor ayun kay Liza.
Kahit minsan may mga hindi pagkakaunawaan, pero buo at sulit ang aming samahan.
Si Anabel ay mula sa pamilyang abogado. Sa una ayaw ng kanyang mga magulang na maging nurse siya ngunit kalaunan pumayag na rin. Bunso sa tatlong magkakapatid.
Si Liza naman ay mula sa pamilyang inhenyero pero lahat ng desisyon niya sa buhay ay sinusuportahan ng kanyang mga magulang.
At ako? Walang pakialam sina mommy at daddy. Ang sabi lang nila, "make us proud of what you want to become anak" sobrang napaluha ako sa pahayag na yun dahil todo suporta sila sa mga gusto ko sa buhay. Dalawa lang kaming magkakapatid at ako ang bunso. Yung kuya ko ang susunod sa mga yapak nila, ang pag handle ng aming negosyo.
Bakit Nurse? Aba iwan ko. Nanghuhula lang kami ng kurso at ayun napag desisyonan na nurse nalang. Wala akong masyadong hilig dito kasi nakakatakot kaya ang dugo. Kumbaga trip lang namin na ito ang kunin. At umabot talaga kami ng 4th year hanu? siguro unti-unti na rin kaming napamahal dito.
"Babe, what makes you so long?" ani ng babaeng kakapasok lang. Nasa 5'5 ang height, maganda, may pagka chinita at malambing ang boses. Kahit sino maiiinlove sa kanyang boses kapag narinig ito.
"Uhm, I just ordered a coffee. You sure you won't like anything?" napabaling sa kanya si Russ while his hand makes it's way to her waist. He leaned closer to her.
"Hmm. No. Not at all" The girl just smiled. Ang perfect naman
"Thank you sir. Come again" sabat ng nasa counter
He just nod to the boy at the counter
"Let's go."
And they vanished in this coffee shop. After all these years sila parin pala talaga. Funny how I fight for him 4 years ago knowing it was all for nothing.
BINABASA MO ANG
Playing Issues
General FictionHe's a mysterious basher. He dared her into something she must do. Ang paibigin ang lalaking walang gusto sa kanya. Russ Ven Monserrat. Cold as ice. Academic Achiever. Business minded and a Goal-oriented person. She's a vlogger. A total composition...