Novie's POV
Monday
One week akong absent sa school dahil nagkalagnat ako ng isang linggo. Tsk. Minsan na nga lang magkasakit, pangmatagalan pa. Motolite lang ampeg. Madami na akong na-missed na lessons...
Incoming call...
Bessy Leigh..."Oh bakit?" sagot ko sa kausap. "Saan kana bruhilda ka?! Papasok ka ba?! Wag muna kaya? Baka mabinat ka niyan!" alam kong ni-loud speaker ni Leigh ang kanyang cellphone at nakikinig sila pareho ni Kayeeza.
"Hahaha ang oa niyong dalawa ah! Malakas na ako 'no! Nasa jeep na ako!" sagot ko sabay baba agad ng cp ko dahil alam kong magpapaka-oa nanaman sila.
Nakasuot ako ng maroon mini skirt na medyo above the knee, white long sleeve blouse at naka-necktie na kakulay din ng skirt ko at may logo sa gitna nito. Btw, pareho kaming magkakaibigan na kinuha ng course, BSBA Major in Financial Management at 2nd Year na kami sa Trinity University.
Iniingatan namin tatlo ang mga grades namin, syempre para na din sa future naming dalawa ni mommy. Para ma-handle ko na sa susunod ang company na hawak ni mommy, soon. Kung hindi niyo kasi alam ay magkakapatid ang nanay naming tatlo. Cousins slash childhood bestfriends kami.
Trinity State University
Nang makarating ako sa pinto ng room ay agad kong pinagmasdan ang paligid. May mga bagong mukha. May mga luma naman at may nakadukdok sa mesa habang may earphone sa tainga. Napangiwi ako sa naisip.
"Noooovvvssss!!!! Ba't ang tagal mong nagkasakit?" napahawak ako sa magkabilang tainga ko sa lakas ng boses ni Kayeeza.
"Aba malay ko sa lintek na trangkaso na 'yon at ang tagal lumayas sa katawan ko!"
"Novs, may transferee dito! At ang gwapo! Pak na pak talaga!" pabulong na sabi ni Leigh.
"Seriously Leigh!? Grades natin ang kailangan nating i-maintain dito at hindi ang pagpansin sa gwapo!" I rolled my eyes.
"Ay grabe besh? Di pa maka-move-on sa ex mong walang kwenta na 'yan?" taas kilay na tanong ni Kaye. Tumahimik nalang ako.
Tsss sana pala di muna ako pumasok. Maktol ko sa isip ko.
Napansin kong nakatulala sakin yung lalaking nakadukdok kanina sa mesa niya. Kaya kumunot ang noo ko at itinanong ko sakanya ng nanlalaking mata kung may dumi ba ako sa mukha. Bago pa man siya makasagot ay dumating na ang Prof namin at nagsimula ng magklase.
"Ms. Javier? Mabuti naman at gumaling kana ang dami mo na din na-missed sa klase ko."
"Salamat po Miss. Opo hahabol po ako sa lahat ng na-missed kong lessons." nagpatuloy na siya sa pagtuturo.
Tinatamad ako ngayong araw, ba't kasi binanggit pa ni Kaye 'yon eh. Badtrip. Sira na ang mood ko.
Zedd's POV
Monday
Ang bilis ng araw, namiss ko kaagad magpunta'ng Hideout. Taenang 'yan! Tinatamad na din akong pumasok nang school, wala na akong inspirasyon!
"Teeeeeddyyy!! Gumising kana dyan at may pasok ka pa!" sigaw ni mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko. "Opo ma sunod ako!"
Nagmadali na akong mag-asikaso para makisabay nalang ako sa sasakyan ni Kuya. Madadaanan niya din naman ang school ko kapag papasok na siya ng trabaho. May pinuntahan kasi si papa at kasama niya si Mang Bert. Although marunong naman akong magdrive kaso tinatamad ako.
Naka-wireless sports earphone ako habang naglalakad papasok ng school. Alam kong may naghahagikgikan na mga grupo ng babae habang naglalakad ako. Ngunit ito'y binabalewala ko na lang.
Nang makapasok ako ng room ay alam kong napatahimik ang iba kong babaeng kaklase. Pero hindi ko nalang ulit pinansin at dumukdok nalang sa desk ko habang naghihintay ng Prof.
"Noooovvvssss!!!! Ba't ang tagal mong nagkasakit?" sigaw ng isang babae na nagngangalang Kayeeza.
"Aba malay ko sa lintek na trangkaso na 'yon at ang tagal lumayas sa katawan ko!", agad akong napaayos ng upo pagkarinig ko ng malakas na usapan na 'yon at napatingin sa harap ko. Napatulala ako sa nakita kong bagong babae na nasa harapan ko. A-a-ang g-ganda niya kahit na malakas ang boses niya. Bakit ngayon ko lang siya nakita? Siya ba 'yong pinag-uusapan ng dalawang babae'ng 'to last week? Tsk. Hindi niya ako napansin.
*Thump.Thump*
*Thump.Thump*Teka, alam ko ang pakiramdam na 'to!
Naramdaman ko na 'to dati kay, Tammy.
Lintek naman talaga oh."Mister...hmmm? May dumi po ba ang mukha ko? Titig na titig ka kasi sa'kin parang nakakita ka ng multo" nanlalaking matang tanong sakin ni... Ano nga bang pangalan niya?
Sasagot na sana ako ng bigla'ng pumasok na ang Prof.
Napapatingin-tingin ako sa batok niya dahil siya'y nakatali ng buhok, 'yong parang siopao style. Lintek 'yan! Ba't ang puti?! Medyo umusog ako sa harap para kunyari marinig ko ng maayos ang nilelecture ng Prof. Napangisi ako ng maamoy ko ang pabango niya pati na din ang buhok niya kahit na nakatali ito.
*Thump.Thump*
*Thump.Thump*Natamaan ata ako ng Lintek na Kupido na 'yan! Demmit! Hindi pwede 'to! Kailangan ko ng back-up!

BINABASA MO ANG
Lintek na Kupido
Teen FictionShe wanted everything settled in a good place. Most people hated her for being "pakialamera", bigla-bigla nalang siyang napapa-away ng hindi naman inaasahan. Ito ba'y dahil sa mabuting tao siya? Na kahit na anong pakialam niya sa ibang tao'y, ang gu...