Lintek 4

2 0 0
                                    

Novie's POV

Nagrereview ako sa tatlong major subjects ko dahil magkasama sa iisang araw 'yun. Bukas na agad ang araw na 'yun! Peste talaga. Nakakainis naman yung gumawa ng schedule ng exams! Ang sarap kalbuhin tapos lagyan ng asido ang ulo! Di man lang naisip na hindi kakayanin ng brain cells ko 'yun! Hmft!

Ay ang brutal ko *tampal sa bibig* bad! Kung anu-ano nanaman ang naiisip ko. Pwede ko kaya hilingin na hiramin ang talino ni mr. Einstein? Hehehe.

Cuckoo...Bzzzt
1 message received
Unknown Number
Pahingi naman ng sched ng exam...

Eh?! Sino naman kaya ang kumag na 'to? Nireplyan ko siya pero hindi naman na nagreply pa. Kinuha ko yung sched ng exam na kinopya ko pa kanina sa bulletin board. Itinype ko nalang tapos sinend ko na din sa kung sino man na nagtext kanina. Naghintay lang ako ng ilang minuto pa, pero dumaan ang isa at dalawang oras ay hindi pa din siya nagrereply.

Hindi man lang nag-thank you! Nakakainis hay naku naman! Pabayaan na nga! Nabobored na ako!

Lumabas ako ng bahay hanggang makarating sa labas ng subdivision. Mabuti nalang pag labas ng subdivison ay nasa tapat lang ang 516 Store na 24/7 din ang bukas. Pumasok ako at bumili ng favorite kong malaking yakult at xtra large cheese fries!

Papasok na ako sa subdivision namin. Hawak ko sa kabilang kamay ko ang plastik na nilagyan ng tatlong yakult. Sa kabila naman ay ang pinakamamahal kong fries. Finger licking good pa talaga ang peg ko. Ang sarap kasi ng cheese!

POOOOGSH!!

Nabangga ako ng isang babae! Nginisihan niya ako. Sinadya niya 'yun!

OMO!!! Mommyyy!!! Napatingin ako sa fries kong halos maubos na sa lagayan (╥﹏╥)

Hindi man lang ba siya magsosorry sa'kin? Yung pagkain ko!

"Palitan mo yung fries ko! O kaya magsorry ka nalang!"

"Ayoko nga! Sorry mo mukha mo! Ikaw 'tong tatanga-tanga kasi hindi ka tumitingin sa daan kaya natapon ang pagkain mo! Moron!", nakasigaw na sagot ng babae, pinulot niya pa ang fries na natapon tapos hinagis niya sa mukha ko. Nginisihan niya ulit ako.

"Anong sabi mo?", pagpipigil ko ng inis. Ayoko sa lahat ay nagsasayang ng pagkain.

"Huh! Ang tigas din naman pala ng mukha mo ano? Ang sabi ko isa kang moron, stupid at tatanga tan---"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng mandilim na ang paningin ko at sinuntok ko siya sa sikmura niya kaya namilipit siya sa sakit.

"You could've said sorry! Hindi lang yan ang maaabot mo sa'kin pag nagkataon. You can mess with me, but not with my food.", tinalikuran ko na siya. Di ako makapaniwala, hindi na nga siya nagsorry siya pa may ganang magsabi ng kung anu-ano. Mabait naman ako sa mabait eh, mahaba din ang pasensya ko. Matabil lang talaga ang dila niya.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na hawak ang plastik ng yakult. "Kayo nalang tuloy ang natira sa'kin," sigh! Epal kasi 'yung bruhang 'yun eh! Ayoko pa naman sa lahat yung sinasayang 'yung pagkain. Dahil madaming hindi nakakakain 'no! Okay lang sana kung hindi niya naman sinasadya eh. Kaso sinadya niya!

Dumating ako sa bahay ng nakasimangot. "What's wrong, Kimmy baby?", bungad ni ommoni. "Nothing mom, just some pathetic loser", nag-smile ako para hindi na siya mag-alala pa. "Halika na maghahapunan na tayo. Manang Luz kakain na!", sigaw ni mami sa kusina kung nasaan si manang Luz. Siya ang kasambahay namin, para kung sakaling wala man kami ni mom ay may nagbabantay pa din sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lintek na KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon