Lintek 3

6 1 0
                                    


Zedd's POV

Tatlong linggo na ang nakalipas ng makilala ko ang babaeng iyon. Novie Kim Javier. Pero mas gusto ko siyang tawagin na 'Kim', kahit na di pa kami gaanong close. Teka! Ni hindi ko nga siya nakakausap eh, dahil pinangungunahan agad ako ng kaba. Kaya minsan nagdiditch nalang ako ng klase namin para iwasan siya.

Base sa mga na-obserbahan ko sakanya ay maingay siya at nakakairita iyon minsan. Dagdagan mo pa ng mga kasamahan niyang nuknukan din ng lakas ang boses. Bukod pa doon ay masyado siyang pakialamera at mapang-usisa sa paligid. Kung kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit minsan ay may nakakabangga siya.

Lunch break na namin at nakiupo ako sa table ng blockmates ko na sina Ronnie, Jelo at Roselle. Napakunot ako ng noo dahil may sumigaw. Pag lingon ko...

"Hey nov*tch! Ano bang problema mo sakin? Masyado kang pakialamera! Sinabi ko bang magmakaawa ka kay Prof De Luna na huwag akong i-drop sa boring niyang subject!!" nanggagalaiting pagsugod ni Ameera kay Kim, blockmates din namin.

"Teka nga, Ameera! Nakiusap lang naman ako sakanya na bigyan ka ng 1 week pa dahil sayang naman kung babalik ka pa sa subject na 'yon ah!", sagot ni Kim. Sabay hiklat ng buhok nung Ameera kay Kim na noo'y may dalang tray at may lamang carbonara, cheese fries at malaking yakult. Di ako makatayo! Na-stuck ako sa upuan ko!

"Araayy!! Masakit! Ba't ka ba nananabunot? Concern lang naman ako sayo ah! Teka a-ang pagkain ko baka matapon!", mangiyak-ngiyak na reklamo ni Kim. Iniingatan pa din ang dala nitong tray na may lamang pagkain.

"I don't care about your f*ckn concern and your f*ckn foods!!!" sabay agaw ni Ameera sa tray ni Kim na malapit na niyang itapon.

Lalapit na sana ako't---

"Don't you dare throw those foods of her!!!" nanggagalaiting sigaw ni Kayeeza kay Ameera't inilayo si Kim.

"If you already want to see the light of San Pedro, then go ahead, throw that.", pagtataray na sagot ni Ryleigh.

"Bessssyyy okay ka lang?", pag-aalalang tanong ni Kayeeza.

"O-o-okay l-l-lang ako, Kaaaye! Yung pagkain ko pakikuha! (╥﹏╥)"

Ibang klase! Sa kabila ng gulo na nangyari, pagkain pa talaga ang unang inintindi!? What the hell?! That woman is really something!

"Leeeeigh!!! Akin na 'yong pagkain ni Novie!"

*PAAAAAAAAK*

"Serves you that...for pulling her hair!"

*PAAAAAAAAK*

"...and that is for calling her bitch! You are the itchy slut one!!"

Sabay walk-out ni Ryleigh pasunod kina Kim at Kaye na palabas na ng cafeteria. Napapa-amang namang naiwan si Ameera, pati na ang mga tao sa paligid, at kasama ako do'n.

Why I have this feeling na mas nagkaka-interes ako lalo sa Novie Kim na 'yon. Umiiwas na nga ako eh. Pero napangisi ako nang may ma-realized ako. *smirk*
Alam ko na kung paano mapalapit sakanya. "Anong nginingisi-ngisi mo dyan, Zedd?", nagtatakang tanong ni Roselle. Umiling nalang ako at tinapos ang pagkain ko.

Natapos na ang lunch break.

"Okay class, may ipapa-assignment ako sa inyo about Greek Mythology, you will choose one greek myth character that you find most powerful in your own opinion. Oh, and one more thing, you must draw their portrait. See you after your prelim's. Class dismissed", mahabang paliwanag ni Sir Frago at nagligpit na ng gamit.

Wew. Greek mythology character and its portrait? Tsss. Basic. (- - ,) pero ang weirdo niya! Prelim na pero may pa-aasignment pa? Anak naman ng pitong kalabaw oh!

"Ronnie, uhh- may itatanong sana ako sayo," sabay kamot ko sa ulo ko. "Ano 'yon?", hindi lumilingong sagot niya. "May bf na ba si Novie?", ramdam ko ang biglaang paglingon niya sa'kin sabay ngisi. "Wala, alam ko ay kaka-break lang nila ng ex niya, five months ago." nakita niya siguro na sumilay ang ngiti sa mga mata ko. "Can I have her number?" walang pag-aalinlangang tanong ko.

"Oh, sorry for that, Jelo has her number, you can ask him." napatango nalang ako at hinabol ko sa labas si Jelo.

Pagkadating ko sa bahay diretso agad ako sa kwarto ko. Wala sila mama at papa. Nag-date siguro 'yung dalawa. Mga tanders na eh! Kinuha ko na ang cellphone ko at nagtype ng message.

*Hi! Can I court you?*, pucha parang mali! Masyadong mabilis baka mailang sakin. Delete!

*Ako nga pala si Zedd, nakuha ko ang number mo kay Jelo! Kumain kana ba?*, napakamot ako sa ulo dahil parang ang weird ko sa tinype ko. Binura ko ulit. Mahigit dalawang oras ata ako nagttype tapos buburahin ko lang din naman. Yawa! Inaantok ako at di ko na namalayang nakatulog na ako.

Pagmulat ng mga mata ko ay umupo agad ako. Bigla namang nalaglag sa sahig yung cellphone na hawak ko kanina pa. Kinuha ko ito at tiningnan. Nanlaki ang mata ko kasi may reply siya!

1 message received
~♥Kimmy♥~
...sino ka?

Ampucha! Iyan lang reply niya? Tiningnan ko ang naitype ko kanina. Napasapok nalang ako sa ulo ko dahil nasend ko pala ang huling na-type ko kanina.

Pahingi naman ng sched ng exam.

Taena talaga! Ang bobo ng tanong mo, Zedd!!! Ni hindi ka man lang nagpakilala! Tsh!!

Hindi nalang ako nagreply dahil nahiya ako bigla. Wow, ako nahiya? Ngayon lang 'to ah!

Pero maya-maya'y nagtext ulit siya. Nakalagay na din lahat ng sched ng exams namin. Bukas na agad?! Ano pang klaseng review ang gagawin ko niyan? May lakad pa naman kami ng tropa ngayon. Tiningnan ko ang relo ko. 4pm palang. Aabot pa ako mamaya para makapag-review. Gumayak na agad ako para makaalis. Simpleng black shirt, loose pants, boots at beanie lang ang suot ko. Sumakay na ako ng kotse at nagdrive papuntang Subic.

Lintek na KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon