Zedd's POV*Sunday morning rain is falling and I'm calling out to you
Singing someday it'll bring me back to you
Find a way to bring myself back home to you
May not know
That may be all I need*"In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday morning
Driving slow
Oh, yeah, yeah...
There is a flower in your hair.
I'm a flower in your hair...
Oh yeah, yeah oh!" pagtatapos ko sa kanta'ng ginawa ko'ng alarm clock tuwing umaga.Monday na, start na ng pasok ko bilang isang transferee college student. Excited akong bumangon para makapag-asikaso na papasok ng school. Hinatid ako ni Mang Bert hanggang sa parking ng "Trinity State University".
Napapangiti ako sa isip ko nang makatayo na ako sa tapat nito. Napapangit sa isip? Weird. Naisip ko kasi na makikita ko ang babae'ng nanghikayat sa amin ni papa upang makapasok sa unibersidad na ito bilang transferee student. Lintek na 'yan. Kailangan ko ulit siya'ng makita.
Nakakairita ang titig ng mga kapwa ko estudyante sa'kin habang hinahanap ko ang unang room na papasukan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa mukha ko at gano'n nalang sila makatitig.
Sa wakas nahanap ko na din ang room para sa unang klase. Room 201. Napakamot pa ako sa ulo dahil hanggang 12:30pm pa pala ang pasok ko.
Nagbatian, nagpakilala sa isa't isa at sa huli ay nagturo ng pahapyaw si Ms. Suzette.
Sinuyod ko ng tingin ang paligid ko kung makikita ko ang Miss-Leaflet-Girl na 'yon. Ngunit nabigo ako, baka iba ang course niya.
"Mr. Angeles? Do you mind to introduce us yourself?" ani Ms. Suzzette.
"Ah ye-yes ma'am. I am Zedd Angeles", napapahiyang sagot ko nalang. Di talaga ako mahabang magsalita sa personal, unless family at tropa ang kausap ko. Tsk. May iba pang sinasabi ang Prof ngunit nabaling na sa dalawang babaeng nasa harapan ko ang atensyon ko.
"Naku si Novie ewan ko kung kailan pa makakapasok. Bruhang 'yon kung kailan pa magpapasukan atsaka pa nagkaroon ng sakit!" rinig kong bulong ng isang babae. Novie? Hmmm.
Maya-maya'y nagdismiss na din ang Prof.
Next class.
Class.
Boring!
Class.
Dismissal.
*BZZZZZT...BZZZZZT...BZZZZZT*
Incoming Call...
Aaron...Sinagot ko agad ang tawag ng kaibigan ko. "Napatawag ka, Ron?" napangisi ako sa sinabi niyang balita. "Sige sa Sabado ng umaga luwas ako papunta dyan."
Natapos ang klase ko nang hindi ko nakikita si Miss-Leaflet-Girl. Mahaba pa ang isang linggo para hindi siya makita at makuha ang pangalan niya. (- - ,)
Wednesday
Mabilis na lumipas ang araw. Kakauwi ko lang galing TSU. Nalaman ko ang pangalan ng Leaflet Girl na 'yon kay Ronnie. Saab Perez. Nakapublic ang fb niya, kung kaya't madali akong nakapang-stalk. Napangiwi ako nang mabasa ko ang status post niya'ng, "h4NaPh pHowH n4m k4-Chat! Jazzz PiEmm mUo aQuOh! #LHadyZa4bÜŃÖ" jejemon ampupu. Agad akong naglog-out para mabalik sa aking huwisyo. Lintek na yan na-turn off ata ako. Tsss
Mabilis na natapos ang isang linggo.
Saturday
Nagbbiyahe na ako papunta'ng Subic Hills Hideout para makipagkita sa mga tropa.
Laro, inom at pakikipagbasag ulo ang bonding naming magkakaibigan. Solid 5A ang tawag samin ng iba dahil simula grade school ay magkakasama na kami.
"Kamusta ang manila 'tol?" pag-uumpisang pangangamusta ni Jivs.
"Madami bang chix? Pakilala mo kami!" ang babaerong si Aaron.
"Ngayon lang tayo nagkahiwalay ng landas. Ba't kasi lumipat pa kayo?" ani Kenji.
"Teka ba't ba ang dami niyo'ng tanong! Okay naman ang Manila mapolusyon pa din. Chix? Hindi ko alam find it yourself. Kailangan kasing lumipat dahil dun siya mas maraming tututukan na business. Mabuti na din 'to sakin dahil sa...hmmm alam niyo na..." dire-diretso kong sagot sakanila sabay tungga ng beer.
"Paniguradong ako pa rin ang pinaka-gwapo pag bumisita kami 'don" pagyayabang naman ni Luke na kambal ni Kenj.
"Gago!" sabay-sabay na sabi namin sakanya.
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-anong kalokohan na naranasan naming magkakasama.
"HAHAHAHAHAHAHA!!!" tawanan nilang apat ng matapos kong ikwento yung Miss-Leaflet-Jejemon-Girl.
"Grabe 'tol ganyan na pala ang mga tipo mo ngayon ha. HAHAHAHAHA" pang-aalaska pa ni Kenji. Napasimangot nalang ako.
Natapos ang session namin ng inuman. Si jivs ang nagdrive pauwi sa kanilang apat dahil may kanya-kanyang tama yung tatlo ng alak. Hindi ako gaanong uminom dahil magddrive pa ako pauwing CME Village QC.
"Paano 'tol, una na kami!" paalam ni Jivs, napangisi ako.
"Sige 'tol! Balitaan mo ako." tumango naman pabalik si Jivs atsaka binuksan ang makina ng sasakyan niya.
Nakauwi naman ako ng maayos sa bahay.
Bahay
"Halika nga anak mag-usap tayo saglit.", tumango naman ako't sumunod na kay papa papunta sa sala.
"Ano yun, pa?"
"Kamusta ka naman sa bagong school mo? Di ka naman ba nagkakaroon ng problema?"
"Wala naman sa ngayon papa. Bakit mo natanong?"
"Baka kasi kako nagtatampo ka pa din sa akin dahil sa biglaang paglipat natin dito. May business lang akong dapat tutukan dito para di na hassle pag pauwi-uwi ng Pampanga."
I sighed, "I understand, papa. Di naman ganoon kakitid ang utak ko. Maganda na din 'to para makalimutan ko na siya.", tumango nalang si Papa at nginitian ko nalang siya bilang assurance na okay lang ako. Close kami ni papa at alam niya lahat ng kalokohan ko sa buhay. Hinahayaan niya nalang ako sa mga gusto kong gawin dahil matanda na din ako.
Umakyat na ako sa kwarto ko, nagpahinga saglit habang nagbukas ng FB ko. Sabog ang friend requests ko, isang linggo pa lang ako hindi nag-oopen. Tiningnan ko isa-isa, in-accept ko naman ang ilan sa mga kakilalang blockmates ko ngayong year.
*Ting!*
Notification sound yan ng fb ko galing sa laptop. Wag kayong ano!
Saab Perez sent you a friend request.
Tammy Lim sent you a message.Psh! I just ignored the message of Tammy.
Tinanggap ko nalang ang friend request ni Saab. Naglog-out na din ako, naligo at natulog na.

BINABASA MO ANG
Lintek na Kupido
Roman pour AdolescentsShe wanted everything settled in a good place. Most people hated her for being "pakialamera", bigla-bigla nalang siyang napapa-away ng hindi naman inaasahan. Ito ba'y dahil sa mabuting tao siya? Na kahit na anong pakialam niya sa ibang tao'y, ang gu...