Chapter 1

3.8K 154 5
                                    

Nakaupo na ako ngayon sa upuan ko sa kadulo-duluhan malapit sa bintana.

I'am alone... ayokong may kasama ako. Because I only have Gray, si Gray lang ang pwedeng tumawag sakin ng Risse. Siya lang...

Napagpasyahan ko nalang na magbasa nalang ng mga susunod pang lesson. Gusto ko kasi mas nauuna pa ako sa lesson para na din mas maintindihan ko agad ang itinuturo.

Abala ako sa pagbabasa nang may marinig akong nag-iingay sa labas. Well, nandito na ang mga maiingay kong kaklase.

Bago pa sila makapasok ay binitbit ko na ang libro ko para lumabas. Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagpasok nila, lumabas na ako bago pa nila ako tawagin dahil hindi ko din naman sila papansinin.

Pumunta nalang ako sa garden dahil doon mas magandang magbasa. Tahimik at mahangin...

Pagkarating ko doon ay agad akong nagbasa. Habang nagbabasa ako ay bigla na lamang akong napapapikit. Hayst... di pa din talaga ako makatulog ng maayos.

***

Nagising naman ako dahil may bigla na lamang tumamang bola sa ulo ko.

Pagbangon ko ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko. Pinulot nito ang bola at walang sabi-sabing umalis. Hindi man lang nag-sorry, well sanay naman na ako.

Bumangon nalang ako dahil time na pala. Dali-dali akong bumalik sa room pero napatigil ako sa tapat ng pintuan nang may biglang pumatak galing sa itaas.

Napuno naman ng tawanan ang lahat ng kaklase ko habang ako ay basang-basa. Nagpatuloy na din akong pumasok para kuhanin ang baon kong uniforme sa bag.

Nagmamadali na akong umalis at pumunta sa c.r. Mabilis lang akong nagbihis at tumakbo na palabas dahil baka ma-late pa ako sa first subject.

Mabuti nalang at wala pang teacher kaya pumasok na ako sa loob. Tahimik nalang akong naupo sa upuan ko habang ang mga kaklase ko ay walang sawang nakikipagdaldalan sa mga katabi.

Pagkapasok ng magiging teacher namin agad naman silang tumahimik. Nagpakilala lang sandali ang teacher namin bago ito nagsimulang magturo.

"So class get one whole sheet of paper because we'll have a quiz about our lesson for today." Sabi ni ma'am pagkatapos niyang magturo samin.

"Pero ma'am first day of school palang po baka naman po pwedeng free time na muna." Sabat ng isa sa mga kaklase ko.

"Gusto mo ikaw nalang maging teacher? Just get one whole sheet of paper and we'll start the-" napahinto naman si ma'am sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at pumasom dito ang isang lalaki.

Siya yung lalaki kanina sa garden. Ano kayang ginagawa niya dito?

May ipinabasa lang itong sulat sa teacher namin at naglakad na din ito paalis.

"So class, ipinapaalam ng ating principal na magkaka-dorm na daw kayo. Dahil doon, hindi kayo pwedeng palabasin simula lunes hanggang biyernes."

Madami namang natuwa at madami din ang nalungkot. Well, mas maganda na din na may dorm dito sa school.

***

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now