Chapter 12

1.9K 102 1
                                    

Third person's POV

Hinila ni Akira si Risse sa c.r. ng babae na malapit sa dorm saka ito ni-lock.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" Tanong ni Risse. "NAKUHA MO NA NGA SAKIN SI GRAY E!" Sigaw pa nito dahil sa galit.

"Magpapasalamat nga sana ako e." Sabi naman ni Akira saka ngumisi. "Salamat nga pala kasi pinakawalan mo lang naman ang lalaking minahal ka kahit hindi ka niya nasa tabi. Na kahit ako yung palagi niyang katabi ikaw pa din ang bukambibig niya!" Napatingin naman si Risse. sa sinabi ni Akira.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan nitong tanong.

"'Nasan na kaya si Risse?' 'Ayos lang ba siya?' PUNYETA! MAS INIISIP KA PA NIYA KEYSA SA SARILI NIYA RISSE!" Sigaw ni Akira.

Si Akira ang laging nasa tabi ni Gray simula nang umalis si Risse. Wala namang magawa si Gray sa kakulitan ni Akira kaya hinahayaan nalang niya itong sunod ng sunod sa kanya.

Matagal nang hinahanap ni Gray si Risse at saktong sa nilipatan ni Akira nang eskwelahan ay doon nag-aaral si Risse.

Dahil naawa si Akira kay Gray na lagi nalang nami-miss si Risse at binago pa ang kanyang sarili para lamang hindi na siya malapitan pa. Sinabi ni Akira kung nasaan si Risse kaya ito nandito.

"PUNYETA KA DIN!! BAKIT HINDI MO AGAD SINABI?!" Ayan na... ang amazonang si Risse.

"BAKIT NAGTANONG KA BA?!" Pambabara sa kanya ni Akira.

"TSS WALA KANG KWENTA!! SANA HINDI NALANG KITA NAGING KAIBIGAN NOON!! ANO NGA BANG PUMASOK SA ISIP KO AT IPINAGTANGGOL KITA SA MGA BUMU-BULLY SAYO NOON!" Nasaktan naman si Akira sa narinig niya ngunit di niya ito pinakita.

'Kung alam mo lang Risse...' sa isip ni Akira.

"Basta ito lang ang gusto kong sabihin sayo." Mahinahong sabi ni Akira. "Layuan mo na siya kung ayaw mo siyang masaktan pa. Kung dati ikaw ang kasiyahan niya ikaw na ang kalungkutan niya." Dagdag pa nito saka umalis.

Naiwan naman si Risse na tulala. Pinagsisisihan niya ang lahat ng nangyayari ngayon.

***

"Uyy pare tama na yan." Pag-awat ni Prince, ang ka-barkada ni Alexuz.

"Teka! Pare naman oh!" Awat din ni Von, ang isa pa.

"WAG NIYO NGA AKONG PIGILAN!!" Galit na galit ni Alexuz kaya napatigil ang dalawa dahil sa takot.

Sinuntok muli ni Alexuz ang pader kahit na dugong-dugo na ang kamao niya.

"Pare tawagan mo si Akira. Dali!" Ninenerbiyos na sabi ni Prince.

"Potek! Eto na nga oh!" Kinakabahan ding sabi ni Von.

"Hello? Bakit ba?" Tanong agad ni Akira sa kabilang linya.

"Si Alexuz!" Pagkarinig ni Akira sa pangalan ni Alexuz ay agad niyang pinatay ang tawag saka nagmamadaling umalis.

"Oh ano na?" Tanong ni Prince.

"Papunta na." Sagot naman ni Von.

Napatingin naman silang dalawa kay Alexuz nang makarinig sila ng nabasag. Ibinato pala nito ang bote ng alak na hawak-hawak niya. Akala ng dalawa ay kung ano na...

"Pare okay ka na?" Tanong ni Prince.

"Ano ba sa tingin mo?" Inis na sabi ni Alexuz.

"Sabi ko nga di ka pa okay." Sabi naman ni Prince.

Bumukas naman ang pinto kaya sabay-sabay silang tatlo na napatingin doon.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong ni Alexuz.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now