Risse Jayce's POV
Kinuha ko naman ang laptop ko at bababa na sana nang madatnan ko si Gray na nakatayo sa labas ng kuwarto ko habang may hawak-hawak na dalawang box ng malaking pizza.
"Diyan nalang tayo sa loob manood." Sabi nito.
Hindi nalang ako nagsalita pa at pinatuloy ko na siya sa loob. Nilapag ko na muna ang laptop ko sa may study table ko saka umastang lalabas.
"Saan ka?" Tanong nito.
"Kulang pa kasi sakin yang dala mo kaya kukuha pa ko." Sagot ko saka tuluyang naglakad paalis.
Kumuha pa ko ng madaming chips saka dalawang 1.5 na coke. Napatingin naman ako sa hawak ko saka nagkibit-balikat at umakyat.
"Andami naman niyan!" Hindi makapaniwalang saad ni Gray.
"Anong madami dito?" Tanong ko pa saka inangat ang pagkaing bitbit ko.
"Wow! Hindi pa ba yan madami sayo?!" Hindi makapaniwalang tanong niya at tumango ako. "Ang takaw mo!" Sigaw nito pero nginisihan ko lang ito.
Binuksan ko na ang laptop ko saka pumunta sa mga files. Maya-maya lang ay nahanap ko na yung panonoorin namin. Tumayo pa muna ako saka inayos yung projector.
Oo, naka-projector kami para mas feel namin. Malaki laki naman yung pinagpo-project-an nito kaya feeling namin nasa sinehan kami.
Nakaupo kaming dalawa sa may kama at nakasandal sa may head board.
"Ready ka na?" Tanong ko at nakangiti naman itong tumango.
Tingnan lang natin kung makakangiti ka pa sa palabas na panonoorin natin bad boy.
Bumalik naman ako sa puwesto ko kung saan ay katabi ko siya. Nagsimula na ang palabas at umpisa palang ay may pasabog na.
"Anong title niyan?" Tanong nito.
"Evil Dead." Sagot ko.
"Nakakatakot ba yan?" Tanong ulit nito.
"Hindi."
"E ano?"
"Bakit mo ba kasi tinatanong?"
'Ang kulit e...'
"Evil kasi e baka mamaya niyan nakakatakot."
"Wala naman kasing mga multo diyan."
"Ano lang?"
"Demonyo."
"Ano?!"
"Pwede ba! Ang ingay mo!" Inis na talagang sigaw ko. "Manood ka na." Mahinahon pang sabi ko.
Nanahimik naman na ito saka nanood. Bad boy ka e, panindigan mo yan.
Alexuz Gray's POV
Nakanguso naman akong nakatingin lang kay Risse. Parang ayoko ng mag-movie marathon.
"Hindi ka makakapag-enjoy kapag dika nanood." Sabi nito habang nakatingin pa din sa harapan.
"Baka kasi-"
"Wag ka ngang OA simula palang, wala pa sa climax." Natatawang sabi nito.
Wala naman akong nagawa kundi ang humarap sa t.v.
Ilang minuto lang ang lumipas nang biglang nagka-awayan yung mga magkakasama kanina.
YOU ARE READING
When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)
Teen FictionRisse Jayce (Jeysi) Mendez, a girl that only want to be simple and hide her fierce personality. She wanted to hide it and would only want to be that old fierce girl once she met him, again. Alexuz Gray Natividad, his childhood friend and crush, a bo...