Chapter 8

2K 97 3
                                    

Nakahiga lang ako dito ngayon sa kama ko. Ano naman kayang gagawin ko sa labas? Walang magandang gawin lalo pa at wala akong kasama. Hindi naman pwede si Rain kasi busy siya.

May bigla namang kumatok sa pintuan ko kaya agad ko itong binuksan. Napangiti naman ako nang si Jaina pala ito at kasama niya si Jestine.

"Tara gala tayo..." ani Jaina.

"Haha wag na baka abala lang ako sa date niyo." Bigla namang namula si Jaina at kita kong napangisi si Jestine.

"Jayce!" Depensa nito.

"Hahaha tara na nga. Baka mamaya sumabog pa si Jaina dahil sa sobrang pula." Pagbibiro ko.

Pinulupot naman ni Jaina ang kamay niya sa braso ko saka ako hinila kung saan-saan. Napahinto naman kami sa harap ng isang wedding booth.

"Ang sweet nila. Sana all..." kinikilig na sabi ni Jaina.

Napangiti naman ako ng may maisip akong paraan para mas pakiligin pa itong si Jaina.

"Doon na nga muna tayo sa canteen nagugutom ako e." Pagpapalusot ko.

Pagdating namin sa canteen ay nagpaalam muna ako kay Jaina na babalik ako sa dorm ko dahil may kukuhanin ako pero ang totoo... pupunta ako sa wedding booth.

Habang naglalakad ako papunta doon ay kinuha ko ang wallet ko na nasa bulsa ko. Napatingin naman ako sa harap ko ng may nakaharang na pala sa daraanan ko.

Pag-angat ko ng ulo ko ay napatingin ulit ako sa baba. Si Gray nanaman.... ang galit pa din ang expression niya.

Hindi ko na ito pinansin pa at tumakbo paalis. Nakakahiyang isipin na tinatakbuhan ko yung taong gusto kong bumalik. Pero kung ayaw na talaga niyang bumalik hindi na ako mamimilit.

May sinulatan lang akong form kung saan isusulat ang pangalan ng magiging bride at groom. Pagkatapos nito ay nagbayad na ako at bumalik sa canteen.

Sakto namang may pagkain na palang nakahanda sa lamesa. Naupo na ako at sinimulang kainin ang burger.

"Magkano itong binili niyo para sakin?" Tanong ko.

"Ah wala na yan. Libre na yan Jayce." Sagot naman ni Jestine.

"Wow... bakit niyoko nilibre?" Tanong ko ulit.

"Siyempre kasi magkakaibigan na tayo. Diba Jestine..." sagot ni Jaina saka nakipag-apir kay Jestine.

Napatingin naman ako sa transparent na glass at kita kong hinahanap na ng isang lalaki na galing sa wedding booth sina Jaina at Jestine. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay sumenyas ako at itinuro ang dalawang abala na kumakain.

Pagkapasok nito sa loob ay tumayo ito sa harapan ko. Napaangat naman ng tingin ang dalawa at kunot-noong tumingin sakin.

"Sumama daw kayo sa kanya." Sabi ko.

"Hala bakit? Wala po akong masamang ginagawa." Depensa ni Jaina na ikinatawa ko.

Tumayo nalang ako saka hinawakan si Jaina sa braso. Hinawakan naman ng lalaki si Jestine at hindi naman ito pumalag. Hindi nalang din pumalag si Jaina dahil ako ang nakahawak sa kanya.

Pagdating namin sa wedding booth ay sinuotan si Jaina ng damit na pangkasal. Yung isinusuot lamang sa ulo at isang mahabang paldang kulay puti at binigyan ng bulaklak. Si Jestine naman ay sinuotan ng kulay itim na polo.

"Oyy Jayce anong kagagahan ito?" Tanong ni Jaina na namumula na.

"Hindi ito kagagahan Jaina. Dream come true lang..." natatawa kong sabi.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now