CHAPTER 18

225 6 0
                                    

Alexa's POV.......

Nakarating na kami sa condo nya at kaagad ko syang pinaupo sa sofa. Lininis ko yung sugat nya at linagyan ng gamot tapos benendahan ko na rin

"Hon sorry...." malungkot na saad ni Lux sakin

"Sorry for what?" tanong ko

"Sorry for everything. Sorry kasi nakipagkita ako ni Katty and sorry kasi nadamay ka sa trabaho ko" sagot nya

Kumunot yung noo ko "Anong trabaho?? Hon don't tell me, drug lord ka? Or mafia boss?!?!?"

"Grabe ka naman sa drug lord at mafia boss hon!!!! Hindi ganon yung trabaho ko no!!!"giit nya

"Eh ano?"

Bumuntong hininga sya bago sumagot "hon.... I am a command in  chief and yes I am a soldier. Ang main mission namin ngayon ng team ko ay hulihin ang mafia boss ng Dark Demon Organization. Sila ang kinakatakutan na Organization sa buong bansa at lahat binabangga nila. Kailangan ko silang mahuli para wala na silang mapatay at para mabigyang hustisya ang magkamatay ni papa at titodad" sabi nya

"So ibig sabihin sila ang pumatay sa papa at titodad mo?"

"Oo...kaya dapat ko talagang patayin yung mafia boss ng organization na yan"galit nyang sabi

Sino kaya yung mafia boss ng Dark Demon organization??? For sure subrang sama nun kasi pumatay nga ng tao eh! Demonyo talaga yun!!! Sana mahuli na ni Lux yung mafia boss. Ayyy tika hala!!! Commander pala si Lux!?!? Di halata ahhhh! Di talaga aakalain na commander sya kasi baliw at may tupak sa utak sya pero in fairness, sundalo yung jowa ko and take note commander pa!

Twwwweeeetttttt~~~~

Biglang tumunog yung phone ko at hala may nagtext!!! Sino kaya to?

From: 09954******

Broke up with him or else hindi na sya sisikatan ng araw

Nanginig yung buo kung katawan dahil sa takot kasi alam kong totoo nato. Napansin ni Lux yung pagkabigla at pagkatakot ko kaya kinuha nya yung cellphone ko at binasa yung text

"Ilang beses ka ng tinitext nito?" tanong nya

"Dalawang b-beses pa l-lang"nauutal kong sagot

Niyakap nya ako and I feel safe in his arms "Hon don't be scared because I'm here. I don't let them hurt you and I promise you that I will protect you as much as I can"

"Thanks hon. I love you" sabi ko

"I love you too" sabi nya at hinalikan ako sa ulo

~~~~~~~~~~~

Ilang buwan na ang nakalipas at salamat sa diyos kasi naging matiwasay naman yung buhay namin. Ngayon alam ko na yung trabaho nya at masasabi kong hindi ito madali kasi palaging nasa piligro yung buhay nya. Wala na akong magagawa sa trabaho nya kaya sinusuportahan ko nalang sya kahit mahirap. Masasabi kong mahirap kasi sa bawat pag-alis nya dahil sa isang mission halos di ako makatulog at mapakali dahil sa kaba at takot. Natatakot ako kasi baka pag-uwi nya nahihirapan na syang lumakad o di kaya pag-uwi nya ay hindi na sya humihinga. Gustong-gusto ko syang pigilan sa mga mission nya pero di pwede kaya wala akong magawa kundi maghintay sa kanya at magdasal na sana umuwi syang buo at humihinga. Grabe ang hirap pala pag yung jowa o asawa mo ay isang sundalo no??? Nakakastress!!!

Naghahanda na ako sa hapunan namin at hanggang ngayon hindi pa lumalabas sa kwarto si Lux. Ano kayang ginagawa nya???

"HON HANDA NA YUNG PAGKAIN! LUMABAS KANA DIYAN! ANONG HINIHINTAY MO PASKO??" sigaw ko

Bigla syang lumabas sa kwarto ng naka uniform ng pangsundalo. Hay nako, san na naman kaya to rarampa!?!? Diyos ko kinakabahan na naman ako!

"Hon mauna kanang kumain kasi may pupuntahan pa ako" sabi nya

"Saan?"

"May nasagap kaming balita tungkol sa organization kaya dapat kung puntahan" sagot nya

"Hon pwede bang bukas na yan? Kasi delikado ngayon dahil gabi na baka mapano ka...."

"Hon wag kang mag-alala kasi babalik naman ako eh"

"Pero pano kung...hindi!?!?! Pano kung bumalik ka na nakakahon na?"

"Grabe ka naman hon! Nakakahon talaga!?!?" giit nya

Bumuntong hininga ako "Fine! Pero promise me na uuwi kang humihinga"

He raise his right hand "I promise na uuwi akong humihinga pero di ako magpropromise na uuwi akong walang sugat" sabi nya "Hon I love you and I promise that I will comeback" dagdag nya sabay halik sa noo ko

"But what if  you won't comeback?" tanong ko

"Kung hindi ako makakabalik, edi maghihintay  ako sayo sa langit" sagot nya at naiyak talaga ako

"Buwesit ka! Wag kang ganyan!"naiiyak kung saad

"Hon don't cry kasi baka di ako makaalis nito"sabi nya habang pinupunasan yung luha ko

"OK sigi di nako iiyak" sabi ko

"I have to go kasi baka malate ako. Bye hon take care and I love you" sabi nya at hinalikan ako sa noo

"Bye I love you too" sabi ko at pinamasdan syang maglakad paalis

Sana umuwi syang buhay kasi pagnamatay sya sa mission na to, di ko alam kung kaya ko. Mahal na mahal ko na sya at di ko na kayang mabuhay ng wala sya. He is part of my life and I really love him

Nang makaalis sya, kumain na akong mag-isa. Nakakalungkot pero no choice eh trabaho nya talaga yun. Pinili nya yung trabaho na yun kasi para mahuli nya ang pumatay sa papa nya at sa titodad nya kaya susuportahan ko nalang sya kahit mahirap tanggapin yung trabaho nya

Masasabi kong mahirap ang pagiging sundalo kasi palaging nasa piligro yung buhay mo at pag-aalis ka sa bahay mo, di mo alam kung makakauwi ka pa bang lumalakad o humihinga. Buong puso mong iaalay yung buhay mo para sa bayan at para sa kaligtasan ng lahat kaya saludo ako sa mga kagaya ng honey ko. Sila ay isa sa mga bayani ng bansa natin kaya igalang at magpasalamat tayo sa kanila



Pagkatapos kong mag emo-emo,  natulog na ako



DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT😊😊😇😇

Change Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon