CHAPTER 17

219 6 0
                                    

Alexa's POV..........

Sana ako yung mahal mo Lux hindi yung pera ko kasi pag yun yung minahal mo, masasaktan ako ng sobra. Ayoko ng masaktan kasi pagod na kong maramdaman yun ng paulit-ulit

"That's not true! Mahal ko si Alexa at hindi yung pera nya. Hindi ako kagaya mo Katty, isang gold digger. Ibahin moko!" matigas na saad ni Lux kay Katty

"NO!!!!! YOU ARE LIKE ME!!!!!!" sigaw ni Katty

Bigla syang sinampal ni Lux "No I'm not!"

Ayoko ko na!!!!! Naguguluhan nako!!!!

Tumakbo ako palabas ng bar hanggang sa kalsada na umiiyak. Sino ba yung nagsasabi ng totoo? Papaniwalaan ko ba si Lux?

Di ko na alam kung ano yung gagawin ko. I'm so confuse to all of them and I don't know kung sino yung pagkakatiwalaan ko

"PEEEEEPPPPPPPP!!!!!!!" nagulat ako kasing may bigla bumusina sa likod ko

Isang itim na van ang huminto sa harapan ko at may lumabas na naka bunit na mga lalake. Nanginig yung tuhod ko at takot na takot nang hawakan nila ako. Nagpupumiglas ako pero subrang lakas nila kaya wala akong magawa. Sinakay nila ako sa van at tinakpan nila yung bibig ko ng panyo at bigla akong nahilo kaya nawalan ako ng malay

Lux's POV.............

Hinabol ko si Alexa kasi bigla syang tumakbo palabas ng bar. Nang nasa kalsada nako, nakita ko syang tumatakbo parin palayo hanggang may tumigil na maitim na van sa harapan nya at nagsilabasan yung mga nakabunit na lalake at kinuha si Alexa

Napako ako sa kinatatayuan ko at napuno ng galit ang buong sistema ko. Mga demonyo sila!!! Pati mahal ko dinamay nila!!!! Humanda silang lahat sakin. Saktan nila lahat wag lang yung mahal ko.

Dali-dali akong pumunta sa parking lot at pinaharorot ko kagaad yung Bugatti ko. Sinundan ko yung van at trinack ko yung GPS ng cellphone ni Alexa at dinial ko yung number ni Khyan

[ Hello Lux! Napatawag ka? ] tanong ni Khyan sa kabilang linya

"Prepare the team at papuntahin mo sila sa ibibigay kung address sayo"

[ OK copy! ] sabi nya at binaba ko na yung tawag

Tinext ko sa kanya yung location ni Alexa at binilisan ko pa ang magmaneho. Pagkalipas ng ilang minuto narating nako sa pinagdalhan nila kay Alexa at isa itong abandunadong building. Kumuha ako ng ilang baril sa kotse ko at linagay ko sa bulsa yung maliit na baril bago lumabas. Humanda sila kasi dadanak yung mga dugo nila sa sahig

Alexa's POV...........

Nagising ako at ang sakit ng ulo ko. Medyo blurry yung paningin ko at nakakaamoy ako ng sigarilyo. Asan bako?

Minulat ko yung mga mata ko at bumungad sakin ang estrangherong silid. May mga lalakeng nakapalibot sakin at nakatali ako sa isang silya. Medyo madilim din yung paligid kaya mas natakot ako

"Sino kayo?" tanong ko

Tumingin yung isang lalake sakin "Nandito ka sa emperno miss" sagot nya at tumawa

"PAKAWALAN NYO KO!!!!!!" sigaw ko

"Asan na kaya yung boyfriend mo? Nakasunod ba sya satin?"

Naiyak na naman ako kasi alam kong walang Lux na magliligtas sakin pero diba kung mahal nya ko sasagipin nya ko dito? Pero pano nya ko sasagipin, di nga nya alam kung asan ako

Lumapit yung isang lalake sakin at kinuha yung cellphone ko"Akin yan!!!!!" sabi ko

"Oo alam ko. Makikitawag lang ako sa jowa mo" saad nya

Change Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon