EPILOGUE

600 14 18
                                    

Alexa's POV......

Punong-puno ng pagsisisi yung nararamdaman ko at iyak ako ng iyak. Kanina pa ako pinatahan ni mommy pero di ko kayang tumigil sa kakaiyak

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mama ni Lux. Lumapit sya sakin "Hija ayus na ba ang nararamdaman mo?" tanong nya

Umiiyak pa ako lalo dahil sa kunsensya. Binaril ko yung anak nya pero na kaya pa nyang kumustahin ako

"T-tita s-sorry....." Sabi ko sabay yakap sa kanya

"Ayus lang yun, hija. Naintindihan kita at ayus naman yung lagay ni Lux. Gising na sya, gusto mo bang makita sya?" tanong nya

"Talaga ho! Pwede ko po syang makita?"

"Oo naman" sagot nya

"Pero pano po kung galit sya sakin......"malungkot kong saad

"Baka di sya galit sayo. Tara puntahan natin kasi pagmagmomokmok kalang dito, walang mangyayari" sabi nya

Kahit nagdadalawang-isi, pinuntahan ko parin si Lux kahit walang kasiguraduhan na haharapin nya ko. Kung galit sya sakin, gagawin ko talaga lahat para mapatawad nya ko

Nasa ICU si Lux  at nanginginig yung kamay at tuhod ko habang pumapasok sa silid. Pagkadating ko sa loob, nakita ko si Lux na nakatulala

"Anak.." tawag ng mama nya sa kanya kaya tumingin sya samin

Ngumiti ako sa kanya kahit nasasaktan ako sa kalagayan nya dahil sakin "Mama....." sabi nya kay tita kaya lumapit sa kanya si tita

Tumingin sya sakin at ngumiti ako sa kanya pero di ko parin mapigilan yung pagpatak ng luha ko "H-hon....."sabi ko

Kumunot yung noo nya " Sino ka?" gumuho yung mundo ko ng marinig ko yung tanong nya

Di nya ko kilala? Bakit di nya ko makilala? "L-lux ako to si A-alexa"

"Di kita kilala" sabi nya kaya bumuhos yung luha ko

"Sandali tatawagin ko yung doktor para tanungin kung bakit ka nya di makilala" sabi ni tita at dali-daling lumabas

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bakas na bakas sa mukha nya yung pagtataka "Lux a-ako to......yung g-girlfriend mo" sabi ko

"DI KITA KILALA AT PWEDE BA LUMAYO KA SAKIN!!!" sigaw nya sakin kaya humakbang ako paatras

"L-lux ako to......please alalahanin moko" pagmamakaawa ko

"DI NGA KITA KILALA!!!" sigaw na naman nya

"L-lux......s-sorry"

"UMALIS KANA!! DI NGA KITA KILALA!!!" sigaw na naman nya

Tumalikod nalang ako dahil di ko na kaya. Ang sakit sakit na. Ang sakit makita na pinagtatabuyan ka ng taong mahal mo at di ka pa maalala

Sa bawat hakbang ko palayo sa kanya, bumabalik yung mga panahon na na magkasama pa kami

"UMALIS KANA!!" sigaw nya kaya humakbang ako palayo at sa paghakbang ko naalala ko yung nagkita kami sa grocery store

"Hi Miss!!! Diba ikaw yung nasa bar kagabi??" tanong nung lalaking nagkabanggan ko sa bar kagabi

Change Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon