Alexa's POV.......
Ilang buwan na naman ang nakalipas at masasabi kong hindi madali ang ilang buwang nakalipas. Walang pinagbago ang buwang nakalipas dahil umaalis parin si Lux para sa mga mission na kailangan nyang gawin. Mahirap para sakin pero wala parin akong magawa dahil trabaho nya yun. Parati parin akong nag-aalala sa tuwing aalis sya gaya ngayon
Alas 8:00 na ng gabi pero wala parin at kanina pa ko di mapakali kaiisip kung anong nangyari sa kanya. Nasa maayos ba sya na lugar? Nakikipagbarilan ba sya ngayon? May sugat ba sya sa katawan? Buhay pa ba sya?
Di ko na kaya!!! Kinakain na ako ng kaba at takot ko! Paulit-ulit nalang to. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Panghabang-buhay ba?
Sa tingin ko, panghabang-buhay nato kasi yun talaga ang gusto ng mahal ko. Susuportahan ko nalang sya dahil pagmahal mo ang isang tao, kailangang tanggapin mo ang ano mang meron sya at isa na dun ang trabaho nya kaya tatanggapin ko ng buong puso
"Hon..." napatingin ako sa pinto ng marinig ko yung boses nya
"HON!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya at niyakap sya
"Sorry....nahuli ako" malambing nyang sabi
"Its OK" sabi ko "Halika na. Kain na tayo"
Pumunta na kami sa dining at nagsimulang kumain. Wala ni isa ang nagsalita sa mesa kaya kinain kami ng katahimikan
"Hon may ball na gaganapin bukas ng gabi" binasag ni Lux ang katahimikan
"Talaga? Tapos?"
"I have two invitation card so can you be my date?"tanong nya. Ehhhh! Nabasa nyo yun? Omy nakakaloka
"BIG YES!" sigaw ko. Hahaha di masyadong OA no?? "Saan yung venue?"
"Sa mansyon ni Mr. Grendel" sagot nya and I nodded
Pagkatapos naming kumain, natulog na kami
~~~~~~~~~~
Alas 12:30 na ng tanghali at katatapos lang namin kumain. Naghahanda na ako sa magaganap na ball mamayang gabi at balita ko raw, maraming dadalo sa ball na mga bigateng tao kaya medyo naeexcite ako. Nakadalo na ako noon sa mga ball kaya hindi nako ignorante sa ganyang pagtitipon
Nagpaalam ako ni Lux na lumabas para magpasalon at amabot ako ng tatlong oras bago makauwi dahil namasyal pa ako. Pagkauwi ko, nagbihis kaagad ako at nakita ko si Lux na gwapong-gwapo sa kanyang black tuxedo
Gosh boyfriend ko bato? Grabe ang gwapo naman!!
"Hon wag kang ganyan"matigas nyang sabi. Bat sya galit? Wala naman akong ginawa ah
"Bakit?"nagtataka kong tanong
"Kasi kinikilig ako..."mahina nyang sagot. Ehhh kinikilig sya!!!!
Tumawa ako ng malakas dahil sa sagot nya
"Wagka ngang tumawa dyan kasi baka malalag yang pustiso mo"
Napahinto ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya "Wala akong pustiso no!!!" giit ko
"Talaga!?!?!"nakangisi sya ng nakakainis at niyakap ako " You look so gorgeous"malambing nyang sabi
"Yah I know" maarte kong sabi
"Let's go Honey..." sabi nya sabay lahad ng kamay
Inabot ko yung kamay nya at pumunta na kami sa ball
Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na kami sa mansyon kung saan gaganapin ang ball. Pumasok kami sa malaki at ingrandeng pinto. Bumungad samin ang magagarang desinyo ng mansyon at ang mga mayayamang tao na kumakain at nakikipagkwentuhan. May mga pagkaing nakahanda sa mga bisita at may mga tumutugtog na banda