Chapter 5 - Bamboo Grove

158 3 0
                                    


Ah, bamboo grove. Masarap matulog dito, presko, basta 'wag mo lang pansinin 'yong mga humahagulgol sa tabi-tabi. Hindi ko akalaing malalaman ni Psalm ang tungkol sa daan na ito. Isang linggo na kasing absent ang kapatid ko.

Sa bagay, 'di naman iyon kasalanan ni Junel. At least, ngayon, maayos na ang kalagayan niya.

Aba... tingnan mo nga naman 'tong dalawang ito, holding hands while walking pa! Hoy, bata, sandali, bitiwan mo ang cute kong pinsan!

"'Oy, Psalm," pumagitna ako sa kanila at pinaghiwalay ang dalawa. "Nag-text ako kay Junel, mukhang okay-okay na siya ngayon."

"Talaga? Buti naman kung gano'n!"

Ang cute talagang ngumiti ng 'insan kong 'to, lalo na kung 'di pilit!

"Bilisan natin ang pag-uwi, masama pa siyang mapagod, kaya kung pupunta ka, eh, kailangan sandali lang, para makapagpahinga rin siya agad."

"Good!" sagot ni Psalm sabay harap sa bago niyang kaibigan. "Alam mo 'yong pinsan kong 'yon, lahat kaibigan, lahat kasundo—maliban lang sa akin!" sabay biglang tawa.

Sabagay, madalas ngang mag-away ang dalawa pero dahil iyon sa napakalaking topak ni Junel. Ahh, hindi ko dapat iniisip iyon tungkol sa cute na cute kong utol! Nasa main gate na kami ng Maybunga University. Dumukot ako ng pera sa bulsa at iniabot iyon kay Psalm.

"'Eto pamasahe, bayad ko na rin kaibigan mo."

Tumingin ako kay Atan.

"Mukhang namumutla ka 'ata?"

"O-okay lang po ako... salamat..." sinabi niya nang mahina.

"Sigurado kang okay ka lang?" tanong sa kanya ni Psalm.

"Oo, medyo sumakit lang ang ulo ko."

"Malapit na tayo sa inyo," sabi ko sa kanya. "Ihahatid ka na namin, tutal doon din naman ang daan namin."

Naglakad pa kami ng ilang kanto hanggang maabot namin ang Policarpio Clinic na nasa kanto ng kalsada namin. As usual sarado na naman ito. Ni hindi ko pa yata nakikitang magbukas iyon mula nang lumipat sila.

"Dito ka pala nakatira," sabi ng cute kong pinsan na nakakapit na naman sa kanyang kaibigan.

"Um."

May kinuhang isang bundle na susi ang bata mula sa bulsa niya at nagpunta sa bahay sa tabi ng clinic. Nilingon niya kami sa may kalsada sabay sabi, "Salamat sa paghatid."

"Wala bang ibang tao sa inyo?" tanong ni Psalm na nagfe-feeling nanay na naman.

"Oo nasa ibang clinic ang nanay ko tuwing weekdays," sagot ni Atan na mukhang napipilitan na lang.

"Okay ka lang bang mag-isa d'yan?"

Hala, 'ayan na naman siya...

"'Di ba nahihilo ka pa?"

"May katulong kami. Sige na, nice meeting you, Julius," sabay talikod, bukas sa pinto, at sara muli nito. Narinig pa namin siyang magkandado.

"O, ano?" tanong ko sa pinsan kong nakatitig pa rin sa pinto habang nakakunot ang noo. "Bibisitahin mo pa ba si Junel o hindi na?"

"Oo naman," sagot niya, sabay habol sa akin. Naglakad pa kami lampas ng walong bahay at tumigil sa harap ng aming simpleng tahanan.

"Tandaan mo," sabi ko kay Psalm bago ko buksan ang gate. "Kare-recover lang ni Junel, kaya sandali ka lang puwedeng dumalaw, ha? At walang awayan!"

"Oo naman Kuya Julius!" sagot niya sa 'kin. "Ibibigay ko lang ang mga assignment namin!"

"At 'wag mong kalimutang tawagan ang Ate Ezra mo!" pahabol ko. "Alam mo naman 'yon, masyadong napa-praning pagdating sa 'yo!"

Pumasok na kami sa bahay, at bago ko pa man maibaba ang dala kong bag, tumakbo na pataas ng second floor ang aking makulit na pinsan. Hay, naku, masilip na lang sila mamaya bago pa sila magsimulang mag-away.

Thank you for reading the preview for "Watching People's Feet"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you for reading the preview for "Watching People's Feet"

Sana po ay nagustuhn ninyo ito!

Available po ang libro sa National Bookstore, Precious Pages Bookstores, and other leading bookstores nationwide, pwede rin po ito'ng mabili online sa

preciousshop.com

https://www.preciousshop.com.ph/products/black-ink/black-ink-novels/bin00011-watching-peoples-feet/

Watching People's Feet (teaser)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon