Ikatlong Kabanata

2 0 0
                                    

Mahulog


Ang bilis lumipas ng araw mula ng huli kaming nagkausap ni Apollo. Intramurals na namin ngayon at kailangang sumali lahat dahil may dagdag daw ito na grade. Andito kami ngayon sa isa sa mga bleachers habang nanonood ng basketball.

"AYAN SIGE ISHOOT MO DELA CRUZ BILES HOY AYAN NA MAAAGAW NA HOY" sigaw ni Santina.

"Santi, hinaan mo ang boses mo please? Sumasakit kasi ang tenga ko" sabi naman ni Aya.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang Santina?

"Ano ka ba, Aya. Kelangan malakas cheer naten para wala masabi yang kalaban ng block natin at manalo tayo!" pagpapaliwanag ni Santina.

"Hindi ba pwedeng sa cartolina na lang?" tanong ni Aya na nagpatawa lalo sa akin.

Tuloy-tuloy ang paliwanag ni Santina kay Aya kung bakit dapat sumigaw sa isang basketball match habang si Aya naman ay tinatabla ito ng mga tahimik na suhestiyon. Nakatingin lamang ako sakanila habang tumatawa ng tumatawa.

"Hoy ikaw Tasya, tawa ka dyan ng tawa. Ansama mo ha tinatawanan mo ba ako?" sabi ni Santina at nagpaawa face pa, kung kaya't lalo akong tumawa at pumapadyak pa.

Ngunit sa kapapadyak ko ay namali ng tapak ang paa ko. Binalot ako ng takot dahil mahuhulog ako mula sa bleacher! Humanap ako ng mahahawakan ngunit hindi na ako makahawak pa. Nakita ko ang takot sa mga mukha ni Aya at Santina na lalapitan na ako. Hinanda ko ang sarili ko sa pagbagsak ko ng biglang may mga brasong sumalo sa akin. Napapikit ako sa pasasalamat at huminga ng malalim pagkatapos ay tumingala. Pagtingala ko ay nakita ko si Apollo na nakasimangot sa akin. Huh? Galit?

"Apollo, pwede na akong bumaba, salamat" sabi ko dahil pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.

"Apollo kasi ibaba mo na nako naman si idol" biro ni Ezekiel sakanya na nagpatawa naman kay Axel.

Ibinaba na ako ni Apollo ngunit nakasimangot pa rin sa akin.

"Ahm, galit ka ba? Sorry di ko naman sinasadya na sa'yo mahulog." sabi ko, nag-aalala sa reaksyon niya.

"Hindi ako galit, magdahan-dahan ka lang sa susunod dahil baka masaktan ka." sabi nito sa akin.

"WOOOOOOOOOOH CONCERNED PALA EH OH CONCERNED" malakas na sabi ni Santina.

Napapikit naman ako sa hiya noong narinig ko ang tawa ng mga kasama ni Apollo. Lumapit sa akin si Aya at tinanong kung ayos lang ba ako.

"Oo, Aya, oks na ako nagulat at natakot lang ako. Wooh. Akala ko katapusan ko na." saad ko habang humihinahon.

"Do not joke about your death, Maria Leticia" biglang sabi ni Apollo.

"WOOOOOOOOOOOOOH INENGLISH KA NA TASYA HAHAHAHA" malakas na sabi nanaman ni Santina na sinaway naman ni Aya.

"Iyang si Tasya kasi tawa ng tawa, napadyak pa namali tuloy ng tapak boom bagsak ka sana kung di ka nasalo ni Apollo babes mo" sabi ni Santina.

Namula ako sa tukso niyang 'Apollo babes' nako naman Santina akala ko ba walang laglagan? Narinig kong tumawa silang lahat pati si Apollo na tumitig sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Okay lang na sakin ka lagi mahulog. Sasaluhin at sasaluhin kita Leticia babes" sabi niya at kinindatan pa ako.

Lalong lumakas ang tawa ni Santina at ng dalawang kaibigan ni Apollo habang si Aya naman ay mahinang tumatawa. Paniguradong pulang pula na ang mukha ko dahil dito kaya hinila ko na si Santina at Aya paalis matapos namin magpasalamat kay Apollo.

TM#1 : The MessageWhere stories live. Discover now