Galit
Isang araw na lamang at matatapos na ang Intramurals. Lumaro si Aya sa Chess at Badminton habang si Santina naman ay sa Volleyball at Basketball. Natawa pa ako ng bahagya na maalala kung paano icheer ni Santina si Aya sa Chess.
"Go, Aya" biglang bulong ni Santina sa aking tabi.
"Bakit ka bumubulong?" nagtataka kong tanong.
"Eh kasi di ba ayaw nya ng sumisigaw kaya bubulong na lang ako" sabi niya kaya napatawa ako ng malakas.
At sa kasalukuyan ay ako na ang lalaro para sa block namin. Magkakaiba ang block naming tatlo nina Aya pero magkakapareho ang schedule namin, maliban na lang kung may biglaan silang short quiz or scheduled na assessments. Sumali ako sa isang Relay Race kung saan ipapasa-pasa ng magkakakampi ang isang ribbon hanggang sa huli nilang myembro na syang magtatakbo din nito sa finish line. Una akong tatakbo para ipasa ang ribbon sa sunod na tatakbo kung kaya ako'y nags-stretching na. Nakita ko naman sina Santina na kinakawayan ako at nagmamake face kaya napatawa ako ngunit sumeryoso na din noong pinaghanda na kami ng mga nagmamanage ng laro. Pumwesto na kami at nag-aantay ng pito ng mapagawi ang tingin ko sa itaas nina Santina. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Apollo kasama sina Ezekiel at Axel na nanonood. Ngunit agad ko ding ipinokus ang aking atensyon para matapos ko ang takbo ng ayos. Napatingin ako sa gilid ko, nakita ko ang lalaki na galing sa ibang block na nakangisi sa akin. Naalala ko sya doon sa mga kalalakihan kanina na patingin-tingin sakin. Kinabahan ako bigla. Manyak ata itong isang to. Naputol ang pag-iisip ko ng sumigaw ang pipito. Maya maya pa ay pumito na ito kung kaya't nagsimula kaming tumakbo. Habang tumatakbo ay may naramdaman akong mali. Hindi ko alam kung ano 'yon pero napatingin ako sa iba kong kasamang tumakbo ng may biglang nadapa. Nagtaka ako lalo sapagkat patag ang tinatakbuhan naming field kaya imposibleng matatakid sila. Humarap ako sa una at nakita ang mga nagmamanage na nagtataka din at lumapit sa nadapa. Nagpatuloy ako sa pagtakbo ng biglang natakid ako sa sinulid sa harap ko. Shit! Bakit ba lagi akong natatakid? O kaya'y napapahamak? Narinig ko ang sigaw ng mga nasa paligid ko sapagkat mayroon pala akong kasabay na natakid na 'syang nagpagulat sa lahat. Akmang ihahanda ko na ang braso ko pang-suporta saking pagbagsak ng biglang may sumalo sa akin at nadaganan ko. Sumalo. Nadaganan. Wag nyo sabihing si Apollo my labs nanaman ito? Nasagot ang katanungan ko ng makitang siya nga ang sumalo sa akin. nanaman. Itinayo nya ako at sinamaan ng tingin ang lalaki sa aking gilid. Ipinatigil ang laro sapagkat nakita ng mga organizer and mga sinulid na pampatakid. Tumingin muli sakin si Apollo.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya.
"Oo, ayos lang. Salamat" sagot ko.
Lumapit sina Santina kasama sina Ezekiel sa amin at hinawakan ako.
"Tol hinahanap na nila ang may pakana. Buti nasalo ka ng ayos ni Apollo. Kung sakaling bumagsak ka at nagkamali ang bagsak mababalian ka." sabi ni Santina
Bigla naman naming narinig ang sigawan ng mga tao kaya napalingon kami. Paglingon namin ay nakita naming hawak ni Ezekiel at Axel si Apollo na nakaharap sa lalaking kasali sa race kanina.
"Ano bang problema mo, ha, Gomez?" saad nito.
"Ikaw, anong problema mo, Olano?" galit na sabi ni Apollo.
T-teka? Bakit sya galit? Lumapit na ang ibang kabarkada noong tinawag ni Apollo na 'Olano' at sinamaan din ng tingin sina Apollo. Nakapalibot na din ang mga organizers na syang ipinagtaka ko.
"Kayo ang may pakana nito! Muntik ng may mabalian dahil sa katarantaduhan ninyo!" malakas na sigaw ni Apollo.
Sila? Kaya pala ganoon na lamang makangisi ang mga ito sa akin kanina. At hindi lang pala sa akin dahil narinig ko mula sa isa pang player na tinatawanan daw sya ng mga ito kanina.
"Mr. Olano, at kayong mga kabarkada niya, nahuli kayo sa CCTV na naglalagay ng mga pampatakid. Sumama kayo sa amin at kailangan kayong makausap ng mga nakatataas" saad ng isang organizer.
Ngunit napasigaw ang lahat sa takot ng biglang sinugod ulit ni Apollo ang nagngangalang 'Olano'.
"Pre, tama na, pre! Ayos na si Leticia! Wag ka na magalit!" sigaw ni Axel dito samantalang si Ezekiel ay halos yakapin na ito upang di na muling makasugod.
"P-pasensya na Gomez! Hindi ko alam! Hindi ko alam!" saad noong Olano at pati na ang mga kasamahan nito na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa ng makitang galit si Apollo at ng marinig ang consequence ng ginawa nila. Akmang magsosorry sa akin ang mga ito ng hinarangan na ito ni Axel.
"Huwag ninyo ng lapitan at lalong magagalit si Apollo!" saad nito na mukhang lalong nagpatakot sa mga ito at tahimik na lamang sumunod sa mga organizers.
Pinapakalma na din ng ibang organizers si Apollo. Napagdesisyunan kong lumapit at hawakan ito sa braso.
"Apollo..." saad ko.
Agad itong napatigil at napatingin sa akin. Marahil ay nakita nito ang takot at pagod sa aking mukha kung kaya't lumambot ang mukha nito.
"Shit. Muntik na iyon. Muntik na kitang hindi masalo!" sabi nito na binitawan na nina Ezekiel at Axel.
Ngumiti na lamang ako ng maliit sa kaniya at nagpasalamat muli at akmang lalapit na kina Santina ng biglang mandilim ang paningin ko.
"Shit! Maria Leticia!".
