Ikalimang Kabanata

4 0 0
                                    

Nag-alala

Kaagad na binuhat ni Apollo si Maria Leticia at dinala sa clinic na nasa eskwelahan. Nakasunod naman sakaniya sina Santina, Aya, Ezekiel at Axel na napanganga sa pag-aalala niya kay Maria Leticia. Nang madala doon ay kaagad nitong tinawag ang nurse at pinatingnan si Maria Leticia habang tinatawagan naman nina Aya at Santina ang kanilang Tito Caspian at Tita Leticia De Castro upang ipaalam ang nangyari kay Tasya. Agad namang nagpunta sa eskwelahan ang mga magulang nito at tinanong kung anong nangyari at kung maayos na ba si Maria Leticia.

______________________________________________________________________________

Iminulat ko ang aking mata. Inilibot ko sa paligid ang mga ito at napansing nasa clinic ako ng school. Sinikap kong umupo sa kama ng saktong pumasok si Santina.

Nanlaki ang mata nito ng makita ako pagkatapos ay sumigaw.

"TITA TITO GISING NA SI TASYA AYA GISING NA SI TASYA APOLLO GISING NA" sigaw niya.

Napalundag naman ang puso ko ng mabanggit si Apollo. Andito sya? Bakit? Mabilis na pumasok ang mga tao sa lugar kung saan ako nakahiga. Una akong nilapitan nina Mommy at Daddy.

"Baby, may masakit pa ba sa'yo? Gusto mo ba dalhin na kita sa ospital? Ayaw pumayag ng nurse at doktor na nandito dahil hindi naman daw malala at ayos ka na. Gusto mo bang idemanda ko ang gumawa nito? Ha? Baby?" saad ni Mommy.

Tumawa si Daddy.

"Dahan dahan, Leticia. Hindi na malaman ng anak natin kung alin ang una niyang sasagutin sa mga tanong mo. Calm down, love." sabi ni Daddy at hinalikan pa si Mommy sa noo.

Napangiti ako doon at saka sumagot.

"Mmy okay na po ako. Wala na pong masakit. Wag nyo na po ako dalhin sa ospital. Bakit daw po ba ako nagcollapse? At please mmy, wag nyo na silang idemanda. They are being dealt with as of the moment, i think." 

"Dahil daw sa pagod, anak. Nababad ka yata sa init masyado at baka dahil na rin sa nagulat ka sa nangyari." sabi ni Daddy habang si Mommy naman ay mukhang may naalala.

"Oo nga pala, baby. Yung Apollo daw ang naghatid sayo dito sabi ni Santina." 

Namula naman ako. Talaga? Bakit? Nakakahiya.

"Sya din daw ang sumalo sayo nung natakid ka." sabi naman ni Daddy.

"Pero, love. Hindi ba Apollo yung pangalan nung..nung.." tingin ni Mommy kay Daddy.

Napatawa si Daddy. Lalo na ng makita ang namumula kong mukha. 

"Yes, love. Siya nga. I saw him a while ago and everything our baby shared to us is true!" sabi ni Daddy.

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok ulit si Santina kasama sina Aya at Apollo. Tumawang muli si Daddy at sinabing lalabas muna sila. Agad na tumabi sakin sina Aya at Santina.

"Ano oks ka na ba?" sabi ni Santina.

"Pwede naman tayong magpadala sa ospital kung may nararamdaman ka pa." sabi naman ni Aya.

Napatawa ako at saka ay sumagot.

"Ano ba naman kayo. Pagod lang ito. Promise magpapahinga ako pag-uwi natin." sabi ko.

Agad naman silang sumang-ayon at tumingin kay Apollo.

"Sya, lalabas muna kami pre. Kukunin na namin gamit mo para malagay na sa kotse at makauwi na tayo. Kausapin mo muna yang isa dyan at alalang alala sa'yo. Kulang na lang ay tawagan lahat ng doktor kanina" sabi ni Santina at saka tumawa ng malakas.

Hinila na nito si Aya palabas habang si Apollo naman ay umupo sa gilid ng aking kinahihigaang kama. Napatahimik ako at nangangapa sa sasabihin. Bumuntong hininga sya at nagsalita.

"Kamusta?"

Isang salita. Isang salita lamang iyon ngunit parang nangangarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Hay anuna heart? love na ba natin to? isip isip ko bago ako sumagot.

"Okay na. Salamat pala ha? Nakakahiya na. Andami kong utang na loob sayo."

Umiling siya at tumayo. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Tila ba kahit anong oras ay mawawala akong parang bula. Teka? Baka daydream nanaman ito?

"U-uy okay ka lang ba?" tanong ko. 

"Nag-alala ako sayo. Sobra. Akala ko kung napano ka na Maria Leticia." sagot niya at humiwalay na sa yakap.

Natawa naman ako.

"Ano ba kayo. Okay na ako noh. Stop worrying. I can handle myself na. Bleh." sabi ko at binelatan pa ito.

Tumawa ito sa akin at inilahad ang kamay.

"Let's go? ihahatid na kita sa sasakyan nyo." 

Napatitig ako sa kamay niyang nakalahad. Hindi ito panaginip. Alam ko. Ramdam ko. Totoo ito. Isinantabi ko ang aking iniisip at tinanggap ko ang kaniyang kamay at ngumiti sakaniya.

"Tara."













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TM#1 : The MessageWhere stories live. Discover now