Chapter 3
Alas-tres ng hapon,wala kaming pasok
sa Math subject namin kaya maaga
akong napauwi ng bahay.Habang nasa
daan,nakakita ako ng bakanteng
lote.Sa bakanteng lote na iyon merong
isang puno ng aratilis na hitk na hitik
sa bunga!
Aba'y paborito ko kaya ang aratilis,lalo
na pag isa-isa kong pinipiga ang
mapupulang bunga nito sa baso
pagkatapos hahaluan ng Milo saka
yelo!Hmm..ngayon pa lang naglalaway
nako.Ibinaba ko ang sukbit kong
bag,lumapit ako sa puno habang aliw
na aliw na pinipitas ang bunga nito!
Mababa lang kasi ang puno kaya hindi
ko na kailangang umakyat,ha-ha wala
akong pakialam kung makita man ako
ng mga kaklase ko at pagtawanan.Bakit
hindi na ba pwedeng kumain ng aratilis
ang isang first year high school na
tulad ko?
Habang aliw na aliw ako sa pag
pitas,bigla kong narinig ang mga yabag
ng mga tao na nagtatakbuhan sa
kalsada.Agad ako napalingon sa gawi
nila,maraming tao nagkukumpulan
papunta ng kanto.
"Nahuli na ba siya?asan na
siya??"tanong ng isang lalake.
"Andun daw sa presinto nakakulong
tara puntahan natin!"sabi ng isa.
Dumadami na ang nakiki usyoso.At
dahil likas na sa akin ang pagiging
usyusera(hahaha:D)sinundan ko ang
daloy ng mga tao.
Nakita ko si nanay sa tindahan malapit
sa kanto at tinawag ko siya.
"Nay!Ano binibili mo?penge naman
limang piso,bili lang ako meryenda ko"
"Oh eto,pagkatapos mong bumili ng
meryenda umuwi kana ha,sabihin mo
sa mga kapatid mo isarado lahat ng
pinto at bintana.Pagkatapos isabit mo
itong binili kong bawang sa lahat ng
bintana at pinto..at ako'y pupunta pa
sa tiyo felipe mo at kukunin ko ang
buntot ng pagi sa kanya.."di
mapakaling saad ni nanay.
Kahit nagtataka,sinunod ko na lang ang
utos niya.Pero nagmamadali akong
lumabas ng bahay namin ng hindi
alam ng mga kapatid ko.
Sinundan ko ang direksiyon ng mga
tao,sa wakas narating ko ang police
station.
Sa kabila ng naggitgitang mga miron at
naki usyuso,nagawa ko pa ring
sumiksik sa mga tao.Nakita ko sa
bintana ng presinto ang isang pulis
habang ini-interview ng isang reporter
na may kasamang cameraman.
"So far,hindi natin alam kung nasaan
siya.Pero ayon sa nakakita,bigla daw
siyang naging isang halimaw kaya
nagawa niyang yupiin ang rehas na
bakal na iyan.."saad ng mamang pulis.
Agad napadako ang tingin ko sa
kulungan ng mga preso.Nakayupi nga
ang ga dangkal na pagitan ng makapal
na bakal na tanging isang napaka lakas
na nilalang lamang ang makakagawa
niyon.
"Ano po ba nangyayari?..sino po ang
nakatakas?"naguguluhan kong tanong
sa katabi kong ale.
Pero hindi narinig ng ale ang tanong
ko,bagkus sumagot ang isang
matandana babae na nasa bandang
likuran ko.
"Gusto mo ba malaman ang lahat ng
pangyayari,ineng?"tanong sa akin ng
matandang babae.
"O-opo.."turan ko.
"Halika,sumunod ka sa akin..at
ikukuwento ko sayo ang buong
pangyayari...",nakangiting turan ng
matanda.
Don't forget to hit like and comment:)
#ms.candy

BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Labo
TerrorAng kuwento ng kababalaghan na magpapasindak sa inyo.Ang istorya ng isang babae na nagngangalang Maria na nangibang-bansa para sa kanyang pamilya.Subalit sa pakikipag sapalaran niyang iyon ay isang misteryo at lihim ang magbabago sa kanyang kaanyuan...