Hindi man lubos na alam ang mga susunod na tatahakin, pinipilit kong tinatatagan ang loob. Nakakasilaw ang mga ilaw sa lugar na ito.
Ilaw na nagmumula sa mga nagsisitayugang mga gusali, sa bawat nakatirik na poste sa lahat ng kanto at maging sa mga magagarang sasakyan dito.
Idagdag pa ang mga nakakabinging tunog dulot ng mga klase-klaseng modernong transportasyon at lugar aliwan sa lugar.
Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakakita ng lugar na ganito. Sigurado akong wala pang ganito sa dito sa lalawigan namin. Tiyak kong wala ako ngayon sa lugar namin.
Nakamamangha man pero 'di dapat mabulag. Batid kong malaking pagkakamali ang mapadpad dito. Ngunit, wala na akong magagawa para sisihin pa ang sarili ko. Hindi ko nais mapunta rito. Ang tanging kasalan ko lang ay ang mahulong sa patibong nila.
Dapat mahanap ko ang daan palabas mula rito sa lalong madaling panahon.
Dinoble ko pa ang aking mga hakbang. Halos patakbo na. Di ako lumilingon kung saan. Batid kong lahat ng mga di-tulad ko ngayon sa paligid ay sa akin nakatuon ang atensyon. Tila ba sinusuyod nila ang aking pagkatao.
Subalit, maliban sa gamit kong takukbong na gawa sa balat ng tumatangis na sigbin, may hawak akong di nila kayang masilip ang totoong saysay ng pagparito ko.
Tama, hindi ko man ninais na maparito pero siguro'y biyaya na rin ang pagkakataong ito. Hawak ko na ang alas laban sa kanilang malaking plano.
"Tigil!" Sigaw ng isa sa kanila.
Kamalasan!
Nahulog ang talukbong ko.
Wala na. Katapusan ko na.
"Nando'n siya" Turo pa ng isa.
Hindi. Hindi maaari. Natunton na nga nila ako. Ano na ngayon ang gagawin ko?! Hindi.
Ilang segundo pa'y nabanaag ko ang mga sasakyang kulay itim na mas magagara pa sa nasilayan ko kanina. Humaharurot ang mga ito at ang direksyong tinutumbok ng mga ito ay patungo sa kinaroroonan ko.
Gumapang ang hilakbot sa aking sistema. Kumabog ang dibdib ko na para bang may nag-uunahang kabayo. Parang nais kumawala ng puso ko sa mga oras na ito. Pinilit kong mag-isip ng tama. Marahan akong pumikit at doo'y nahanap ko ang kasagutan.
Naalala ko ang isa pang lagusan.
Marami ito at halos lahat ay di nagkakalayo maliban sa isa. Ito lamang ang tanging lagusan na engrande pero malayo sa kaniyang palasyo.
Marahil ganito ang laki nito buhat nang ito'y nagsisilbing portal na nagtatawid sa kanila sa malalawak na katubigan.
Makapangyarihan man sila pero mahina sila pag tubig alat na ang pinaguusapan. Malakas na pwersa ang kailangan at iyon ang taglay nitong nag-iisang lagusan.
Kumaripas man ako ng takbo subalit paekis-ekis sa bawat kanto.
"Huwag ninyo hayaang makalabas yan sa lagusan!"
----------------------
Jessie's POV
"I don't see that damn car anymore." Sumulyap ang supladong lalaki sa rareview bago ibinalik ang tingin sa daan. "I can't believe I have to deal with this unnecessary fuss." Bulong pa niya eh dinig ko naman.
"Just drive, Black, we have to make sure that we completely lost them." Sabay baling ulit sa akin ng atensyon ng babaeng katabi ko ngayon. Ramdam kong nais niyang malinawan.
BINABASA MO ANG
BIRINGAN: The Lost Salinlahi
HorrorInakala ng ulilang si Jessie ay alam na niya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Ngunit, sa paglitaw ng mga bagong kaso ng estudyanteng nawawala, magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Isang grupo ang kanyang makikilala. Lilitaw ang mga taong di mawa...
