Jessie's POV
"Anak, Jessie, bangon na. Mali-late kana sa school." Bungad sa akin ng pamilyar na boses. Ang boses na gusto kong gumising sa akin araw-araw- boses ni Mamang Esming.
Minulat ko naman agad ang aking mga mata. Kasabay no'n ay ang pag-unat ng aking mga kamay at tuluyan nang bumangon.
Sumisilip na ang sinag ng araw at dumarampi sa aking pisngi. Nakakasilaw pero nakakaset ng mood. Yung tipong nakalimutan ko na agad yung nangyari kahapon.
"Mamaaaang!" Sigaw ko ng buong lakas dahilan para halos magkapalit ang kanyang mga paa sa pagtakbo pabalik sa aking kwarto.
Nagsihulugan pa tuloy ang mga kakatupi niya lang na mga labahan namin. Kakakuha niya lang sa mga ito sa sala.
Sapo niya ang kanyang dibdib at tila hinahabol ang paghinga at bakas ang pag-aalala sa mukha. Napakunot ang kanyang noo sabay pataw ng matalim na tingin nang unti-unting maunawaan ang nangyayari.
"I LOVE YOU!" ani ko sabay pabebeng ibinukas-sara ang mga talupak ng aking mga mata.
Bumalikwas agad ako sa kama at patakbong tumungo sa kanya. Pinatawan ko siya ng mariin at mahigpit na yakap.
Halos magkapalit na nga ang aming mukha nang idiniin ko ito sa kanya. Nakikita kong agad nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at gumuhit ang matamis na ngiti dito.
"Loko ka talagang bata ka." Turan niya habang marahang pinisil ang aking magkabilaang pisngi. Hindi niya tuloy mapigilan na matawa na lang.
"Ang swerte ko talaga sa'yo anak. Ba't ba kasi ambilis mo kasing lumaki eh noh." Patuloy pa niya sabay pagsapo ng dalawa niyang kamay sa aking mukha na para bang bata.
"Nako! Maliit na bagay po 'yun. Tsaka lumaki lang po ako pero ako pa rin po 'yong cute na Jessie na baby niyo." Biro ko naman sa kanya dahilan para mas higpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa akin at para bang wala na siyang balak na bitawan ako.
Ganitong tagpo ang nais kong madatnan araw-araw. Mula sa pag-gising hanggang sa pag-uwi ko galing skwelahan. Tagpo na tila kaya kong hahamakin ang oras mapatigil lang ito.
"Nakapaglinis na po pala kayo? Bakit di ko po kayo namalayan? Nakaya niyo pong buhatin ang mga gamit dito? Bakit di niyo muna ako ginising mamang?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya nang mapansin ang pagbabago ang kwarto ko.
"Alam ko naman kasing alas otso pa ang pasok mo tuwing sabado. Kaya hinayaan na muna kitang makapagpahinga ng maigi." Mahabang paliwanag niya naman habang inaayos ang aking higaan.
"Baka naman din kasi napuyat ka na naman dito sa binabasa mong aklat." Patuloy niya sabay dinampot niya ang " Atlantis: The Sunken City"--- ang librong binabasa ko.
"Kahit na po, Mamang... Ginising mo pa rin po sana ako." saad ko sabay sinusuri ang mga nabagong pwesto mga bagay sa kwarto.
Ilang segundo pa bago siya muling magsalita, umagaw sa aking pansin ang picture na may kalumaan. Parang bahagyang damaged na ito.
Kumukupas na ang kulay ng ibang parte. Nakausli ang malaking portion nito mula sa may drawer ng cabinet na nasa pinakailalim.
Gayunpaman, malinaw pa ring nakikita rito ang itsura ng taong na capture dito. Lalaki. May katamtaman ang height nito. Average Filipino height. Mga nasa mid 30's siguro. Hindi ko ito kilala.
"A-ah Mamang, sino po 'tong tao na ito sa picture?" tanong ko sa kanya nang makuha ang naturang larawan. Ibinaling ko ngayon ang tingin kay Mamang. Nagpataw ng tinging nag-aabang ng kasagutan.
"Ha? A-Anong pictur-" Naputol ang tugon niya nang makita ito.
Dali-dali niya itong hinablot mula sa aking kamay. Tinago niya sa kanyang bulsa agad ang naturang larawan. "W-wala ito. A-Ah baka pagmamay-ari pa ito no'ng naunang umupa sa bahay na 'to." Wika niya.
BINABASA MO ANG
BIRINGAN: The Lost Salinlahi
TerrorInakala ng ulilang si Jessie ay alam na niya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Ngunit, sa paglitaw ng mga bagong kaso ng estudyanteng nawawala, magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Isang grupo ang kanyang makikilala. Lilitaw ang mga taong di mawa...
